KABANATA 8 - HE CAN'T RESIST HER

52.5K 1.3K 59
                                    

KABANATA 8
HE CAN'T RESIST HER







Bettina



GOSH! ANO BANG problema ng matandang ito at kung makatitig ay parang baliw?! Hindi ako lalo nakatulog kagabi dahil sa ginawa ng pervert na matandang ito! Tapos habang kumakain sa bahay nila ng agahan ay panay pa ang sulyap niya sa akin.


Hindi na ako nakatiis kaya naman binagsak ko sa lamesa niya ang papel na pinapa-arrange na naman niya. Hindi naman pala ngayon ang programang sinasabi niya! Bukas pa pala. Ubos na talaga ang pasensiya ko.


"Titigil ka ba?" pinagtaasan ko siya ng kilay at talagang pinakita ko na inis na inis na ako.


"Titigil saan?" ngumiti siya at tumingin sa papeles na nasa table niya.


"Bakit ka ba tumititig sa akin? Nakakainis, alam mo iyon?"


Tumingin siya sa akin at lalong ngumiti, "Eh, sa nagagandahan ako sa'yo."


Para namang nag-init ang pisngi ko at napatikhim ako.


"What ever," umirap ako at wala akong nagawa kundi ang bumalik sa sofa. Tumalikod na ako sa kaniya dahil naiinis talaga ako. God! Kanina pa siya. Kung ano-ano ang lumalabas sa bibig niya. Tapos naiilang na ako sa kinikilos niya.


Sinuot ko ang disposable face mask na bago lang at nakita ko sa bahay nila. Tignan natin kung makatitig pa siya.



"Maldita, nagugutom ka na ba?" unang tanong niya pero umirap lang ako at hindi siya pinansin.


"Meron ka siguro ngayon, ang sungit mo," pangalawa.


"Malapit na nga pala ang February fourteen," pangatlo.


I had enough! I can't take him! Tumayo ako at kinuha ang sling bag ko. Lumapit ako sa pintuan at binuksan ko pero nabigla ako nang sumara iyon ulit dahil may pumigil na kamay upang isara iyon.


Tinulak ko siya pero hinarap niya ako sa kaniya. Nabigla ako nang isandal niya ako sa pintuan at pinagpantay niya ang tingin namin.


"Bakit ka nagsusuot ng ganito? May sakit ka ba?" aniya at nang ambang aalisin ang face mask na suot ko ay hinawi ko ang kamay niya.


"Why do you care? And please, stop!"


Nabigla ako nang hapitin niya ang bewang ko palapit sa katawan niya. Napalunok ako at parang nawalan ng lakas ang mga kamay ko para itulak siya.


Inalis niya ang face mask sa mukha ko at nailang ako bigla sa titig niya.


"Tumigil ako? Saan?" tanong niya at ngumiti. Tinulak ko siya sa dibdib pero mas humigpit ang hapit niya sa bewang ko.


"Ang tanda-tanda mo na tapos nanghahalik ka ng bata! Hindi mo ba alam na child abuse iyon!"


Natawa siya at napatingin ako sa kamay niya na humawak sa mukha ko. Hinawakan ko ang braso niya para alisin ang kamay niya sa mukha ko pero nabigla ako nang gumapang ang kamay niya sa batok ko.


"Sige lang, idemanda mo ako. Pero pahalik ulit."


Nang sabihin niya iyon ay nangamba ako kaya tinulak ko siya sa dibdib pero huli na dahil naramdaman ko na naman ang labi niya sa labi ko. Napakapit ako sa uniform na suot niya dahil hindi ako makahinga sa klase ng halik niya.


Inangat niya ang mukha ko at mas malalim na hinalikan ako. Nanghihina ako sa klase ng halik niya. God! Hindi pa ako nahahalikan ni Chad ng ganito. Itong si Tanda ay hindi ko alam kung first time ba niya, kasi kung makahalik ay parang expert na.


Nanginig ang pinto nang may kumatok. Nagising ako sa sarili kaya buong pwersa kong tinulak si Tanda.


"Pre? Nandiyan ka ba?" si Joey.


Hingal na hingal si Tanda habang nakatingin sa akin. Napaayos ako sa buhok ko at humarap ako sa pinto. Binuksan ko ang pinto at lumabas ako ng hindi tinitingnan si Joey.



-



Rico



Napahinga ako ng malalim at bumalik sa lamesa ko. Napakagat ako ng labi at lihim na napangiti.


"Pre, anong nangyari doon? Parang na-engkanto?"


"Wala. Ano bang kailangan mo?" tanong ko at kinuha ang papeles na pinaayos ko kay Maldita.


"Teka, bakit tila sagad hanggang tenga ang ngiti mo?"


Tumingin ako kay Joey at natawa bago napailing. Naupo siya sa table ko at nakatingin sa akin habang naniningkit ang mga mata.


"Bakit masama bang ngumiti?"


Natawa siya at tinuro ako, "Pre, kilala kita. Seryoso kang tao, pero yung ngiti mo ay para kang nakatikim ng jackpot. May ginagawa ka kay Bettina, no?"


Binato ko siya nang ballpen pero nakaiwas siya, "Tigilan mo nga ako.. Ano bang kailangan mo?"


"Sasabihin ko lang na handa na ang relief goods na dadalhin natin sa mga nasunugan sa karatig bayan ng Santa Iñez."


Tumango ako at nilagay sa drawer ang ilang papeles na naayos ni Bettina.



"Pre, naglilipstick ka ba?"


Nagtaka na napatingin ako sa kaniya. Ngumisi siya kaya inilingan ko siya at natawa ako sa kalokohan niya.


"Hindi, bakit mo naman natanong?"


"Alam ko na isa lang naman ang mahilig sa pink. Tsaka lipstick na pink.. Alangan naman na magpahid ka? Hinalikan mo si Bettina no?"


Napahawak ako sa labi ko at nang mapahiran ko ay kumalat sa daliri ko ang lipstick ni Bettina.


"Hanep ka, Pre! Hinahunting mo na."


"Tumahimik ka. Baka may makarinig sa'yo," napahimas ako sa batok ko at binato siya ng ballpen.


"Ano, masarap ba?"


Nagpigil ako ng ngiti at sumandal sa swivel chair ko.


"Umalis ka na nga," taboy ko pero alam kong makulit siya kaya tiyak na gigisahin ako.


"Bata pa natipuhan mo. Baka sa huli ay masaktan ka lang, Pre. Kapag tumanda ka pa lalo, siya bata pa, makakahanap iyon ng mas bata sa'yo."


Nawala ang ngiti ko sa sinabi niya. Sumeryoso ako at napakuyom ang kamay ko na nasa ilalim ng lamesa.


"Hindi siguro," ani ko.


"Paanong hindi siguro?"


Umiling ako sa kaniya at hindi sinabi ang saloobin ko. Naiwan ako sa opisina na mag-isa.. Napahaplos ako sa kamay kong nakakuyom habang nakapatong sa lamesa ko. Iniisip ko ang sinabi ni Joey.



Napahagod ako sa buhok ko at napapikit. Natawa ako at napailing pero ramdam ko ang pangamba sa dibdib ko dahil hindi ako natutuwa.


Sumandal ako sa swivel chair ko at kinuha ang phone ko.


"Hello.."


(Yes, Hello. This is Etude Line.)


"Yung venue niyo ba sa tabi ng fish pond ay available pa sa February fourteen?" napahawak ako sa labi ko habang hinihintay ang tugon ng babae.


(Yes, Sir.)


Nakahinga ako ng maluwag at napaayos ng upo.


"Kung gano'n ay wag niyo nang pagamit sa iba. Gagamitin ko.."


(Okay, Sir. Bigay niyo na lang po details niyo at para mareserve ko na po sa inyo.)


Tumango ako at sinabi ang mga tinatanong niya na kailangan. Nang ayos na ay binaba ko na ang tawag.


Napahinga ako ng malalim at napangiti ako na napailing. Talagang pinapahirapan ko ang sarili ko. Pero sanay na ako, kaya dapat na malagpasan ko ito.


Ngayon na ata magsisimula na mabutas ang pitaka ko. Sa kaartehan no'n ay mapapasubo ako.


-



Bettina




Ginugupit ko ang mga ligaw na damo sa paligid ng mga gulay na tinanim ko. Marami na silang dahon kaya natutuwa ako. Dito ako dumiretso nang mag walk-out ako mula sa opisina ni Tanda.


Para akong magkaka-heart attack dahil hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang paghalik niya.. Hindi ko alam ang iisipin sa ginagawa niya. Bakit niya ako hinalikan? Hindi naman siguro dahil gusto niya ako?


Napailing ako. Hindi. Malabo. Napaangat ako ng tingin nang may umagaw sa payong ko na hawak ko habang naggugupit ako ng damo. Para namang kusang nataranta ang katawan ko kaya hindi ko alam kung paano iiwasan si Tanda.


Tatayo sana ako pero naupo siya sa tabi ko habang pinapayungan niya ako.


"Hindi ako hihingi ng paumanhin sa paghalik sa'yo.."


Aba!


Magsasalita sana ako nang tumingin siya sa akin ng seryoso.


"Dahil akin lang 'tong labing ito. Ako lang ang hahalik at ako lang ang titikim," aniya na hinawakan ang labi ko at hinaplos, "tatanda ako, pero sisiguraduhin kong tatanda ka sa akin."


Ngumiti siya at tumayo.. Natulala ako dahil hindi ko alam ang magiging reaksyon ko sa sinabi niya. Kumibot ang kilay ko at tumikom ang bibig ko habang matapang siyang hinarap nang tumayo rin ako.


"Umamin ka nga.. May gusto ka ba sa akin?" hamon ko.


Kumibot ang labi niya habang pinapayungan ako. Nagkibit balikat siya at ngumiti. Napakuyom ako ng kamay at dahil sa inis ko ay sasapakin ko sana siya pero nanlaki ang mata ko nang hawakan niya ang braso ko. At nalaman ko na lang na inilagay niya ako sa balikat niya at binuhat na parang sako.



"Ano ba!" pinaghahampas ko ang likod niya at nagpupumiglas ako para makawala pero hindi ko magawa.


"Kakain na tayo. Baka mabaliw ka sa kakaisip sa halik ko lalo pa't walang laman ang sikmura mo," aniya na may tonong tuwa.


"Kapal mo!"


Natawa siya kaya malakas na binambo ko ang likod niya. Nakakainis na talaga sya! Argh! Napakacorny ng matandang ito! Manyak pa! Argh! Kainis!



Binaba niya ako pero inupo niya ako sa table niya. Napaatras naman ang ulo ko nang pagpantayin niya ang mukha namin habang nakapatong ang dalawa niyang kamay sa lamesa para kornerin ako.


"Saan mo gustong kumain; sa table ko o doon tayo sa sofa?"


Napalunok ako habang hindi ako makatingin sa kaniya.



"Doon sa wala ka!" humarap ako sa kanya at matapang ko siyang tiningnan sa mata.


Napangiti siya at natawa, "Wala sa sinabi kong pagpipilian ang wala ako. Ngayon sagutin mo ako. Sa table ko o sa sofa?"



Hinawi ko siya at bababa na sana ako sa table pero hinawakan niya ako sa bewang at muling inayos ng upo sa table niya.


"Hindi kita pakakawalan hanggang hindi ka sumasagot," aniya at ngumiti. Yung ngiti niya ay may pang-iinis.


"Sa sofa!" galit kong sagot.


"Galit ka?"


"Ano naman? Nakakainis ka na kasi."


Natawa siya at kinagat ang labi niya saglit, "Bakit ka naiinis?"


"Eh, sa nakakainis ka!"


"Bakit nga?"


Sinamaan ko siya ng tingin dahil pinapaikot-ikot lang niya ang tanong pero alam ko na nang-iinis lang siya.


"Ang ganda mo."


Tumaas ata lahat ng init ng katawan ko sa mukha ko at nawala ako sa postura ko dahil sa sinabi niya.


May kumatok kaya lihim na nakahinga ako ng maluwag at tinulak siya. Agad akong bumaba pero sinenyasan niya ako na maupo sa sofa.


"Hindi uubra sa akin ang pagkamaldita mo. Maupo ka na," maawtoridad niyang utos at kita ko na seryoso talaga siya. Umirap ako at nagdadabog na lumapit sa sofa.


Pinagbuksan niya ang kumatok. Inis na naupo ako sa sofa at napakuyom ang kamay ko. Hindi ko alam ang kinikilos niya sa akin, pero parang kung makaasta siya ay boyfriend ko na mahigpit.


"General, heto na yung pagkaing inorder niyo," boses ni Acosta.


"Salamat, Acosta."


Nakita ko na kinuha niya kay Acosta ang plastic ng naglalaman na tila pagkain. Kumalam ang tiyan ko kaya napahawak ako doon. Umiwas ako ng tingin nang isara na ni Tanda ang pinto.


"Space please," sabi ko dahil naupo siya sa sofa at halos tabing-tabi ko.


"Ayoko nga," aniya at ngumisi na nilabas ang laman ng plastic.


Umusog ako kaya napatingin siya sa akin. Nang mailapag niya ang lahat ng inorder niyang pagkain sa table ay binaba niya ang plastic sa sahig at napasinghap ako nang hulihin niya ang bewang ko at inusog muli ako palapit sa kaniya.



"Papahirapan mo pa ako," aniya at binitawan ang bewang ko. Binuksan niya ang lalagyan ng inorder niyang mcdo chicken, "Tsaka na lang kita papakainin ng pang sosyal, mag-iipon pa ako ng pera," aniya at nilapag sa kandungan ko ang binuksan niyang lalagyan ng pagkain na laman ay chicken at kanin.



"Bakit ka naman mag-iipon? Duh! I have money in my pocket. Kaya kong bumili ng kakainin ko."


Tumagilid siya para makaharap ako. Umirap ako at humalukipkip.


"Alangan namang ikaw ang gumastos kapag nilabas kita."


Napakunot noo ako na napatingin sa kaniya, "Ilalabas mo ako?"


"Date," aniya habang nakatingin sa akin. Napatikhim ako at umiwas nang tingin.



"Bakit naman ako makikipagdate sa'yo?"


"Dahil kung hindi, gagawin kong isang taon ang penalty mo."


Nanlaki ang mata ko na lumingon sa kaniya. Ngumisi siya at humarap na muli sa pagkain niya.



"How dare you! You know what, I had enough of this! Ayoko na!"


Nilapag ko sa lamesa ang pagkain at tatayo na sana ako ngunit pinigil niya ako sa pamamagitan ng paghawak sa braso ko.


"Okay," aniya at nanlaki muli ang mata ko nang bigla niyang iposas ang kamay namin, "Kung makakaalis ka," dagdag niya at ngumiti na humarap muli sa pagkain niya.


Hinatak ko ang kamay ko dahil baka sakaling maalis sa posas pero nasaktan lang ako. Nagpumiglas ako nang pagsiklupin niya ang mga daliri namin.


"Susubuan na lang kita. Ahh," aniya at inuma sa akin ang kutsara. Hindi ko siya pinansin at pilit kong inaalis ang kamay niya sa kamay ko.


"Let me go!"


"Kakain ka o gusto mong kainin ko na naman ang labi mo," banta niya. Napalunok ako dahil nilapit niya ang mukha sa akin.


Napahinga siya ng malalim at inuma muli sa akin ang kutsara na may lamang pagkain. Napatingin ako sa kanya at napabuka ang bibig ko.


Ngumiti siya at kinuha pa ang musmos na kanin na nasa gilid ng labi ko. Kinain niya iyon kaya naman namula ako. Para akong nakalutang habang nginunguya ang pagkain. Mahigpit niyang hawak ang kamay ko habang sinusubuan ako. At iisang kutsara lang ang gamit namin.


Kinakabahan ako sa pinapakita niya. Wala siyang naging girlfriend pero bakit parang expert siya sa mga kinikilos niya sa akin? Ayoko na sa matanda. Kaya hindi ako bibigay sa kinikilos niya. Hindi na ako magpapadala sa mga matatandang kagaya niya.



Pagkatapos naming kumain ay nagtungo siya sa table niya kaya napasunod ako dahil nakaposas ako sa kanya. Naupo siya sa swivel niya at may hinugot siyang upuan sa ilalim ng table at tinabi niya iyon sa tabi ng inuupuan niya.


Sinenyasan niya ako na maupo pero hindi ako sumunod.


"Awts!" daing ko dahil hinila niya ang kamay ko.


"Maupo ka na kasi," aniya.


"Alisin mo kaya itong posas?" inis kong sabi.


"Maupo ka at hindi ko aalisin 'yan," aniya at binuklat ang case book niya.


Peste talaga itong matandang ito. Oras lang na matanggal ito, hindi na talaga ako papasok.


Padabog na naupo ako sa upuan. Pansin ko na napatingin siya sa akin pero diretso lang ang tingin ko habang nakasimangot.


"Mahipan ka ng hangin d'yan. Sige ka, baka pumanget ka."


Tumingin ako sa kaniya, "Duh, hindi naeexpired ang kagandahan ko.."


Natawa siya at napailing habang nakatingin sa case book niya.


"Gaya ng inaasahan ko," bulong niya kaya napakunot noo ako.


"Anong inaasahan mo?" tanong ko.


Ngumiti siya habang nananatili ang mata niya sa case book.


"Inaasahan ko na sasabihin mo iyon," para namang umusok ang ilong ko sa sinabi niya.


"Bakit, talaga naman, ah?"


"Oo nga... Awts," natawa siya kahit na siniko ko na siya ng malakas sa tagiliran.


"Anong nakakatawa, ha?"


Napailing siya at kumikibot ang labi niya na pinipigilan na matawa. Tsk.


Bumukas bigla ang pinto kaya napatingin kami doon. Napahinto si Mariz sa pagpasok nang mapatingin siya sa akin.



"Oh, Mariz," binaba ni Tanda ang case book niya sa lamesa. Tumayo siya kaya dumaing ako.


"Masakit kaya," angal ko. Naupo siyang muli at tumingin kay Mariz.


"Rico, bakit nakaposas kayong dalawa?" tanong ni Mariz.


"Ah, wala.. Bakit ka nga pala nagpunta rito?"


Humalukipkip ako kaya napatingin sa akin si Tanda nang mahatak ang kamay niya.



"May dala kasi akong pagkain para sa'yo. Bagong luto lang kaya mainit na mainit pa ang sabaw."


"Naku, tamang-tama ang dating mo. Gutom na gutom na si Tanda," sabi ko.


"Ano?" bulong ni Tanda.


"Ganun ba.. Mabuti naman at para makain mo ito, Rico."



"Mariz, kumain na kasi ako. Pero baka sila Joey ay hindi pa,"


Kinurot ko sa hita si Tanda kaya napadaing siya. Nginitian ko siya ng peke at pinagtaasan ng kilay.


"Hindi ka pa kumakain, Tanda. Nakakahiya naman sa kaniya kung tatanggihan mo," mariin kong sabi.


Tiningnan ako ni Tanda na tila sinasabi na mamaya ako sa kaniya. Bumelat ako at muling humalukipkip bago napatingin kay Mariz na tila naiinis.


"Ah, Mariz, sige, kakainin ko 'yan mamaya,"


Napahinga ng malalim si Mariz at ngumiti na tumango.


"Ah, Bettina right?" baling ni Mariz sa akin.


"Yeah. Bettina Serina Ford. Bakit?" tugon ko. Kita ko na umangat ang kilay niya. Aba. Tila mataray ang babaeng ito, ha.



"Pwede ba tayong mag-usap saglit," aniya.


"Sure ba," tugon ko at tumingin kay Tanda, "Alisin mo na ang posas, Tanda. Narinig mo naman ang sinabi niya," utos ko.


"Pwede naman kayong mag-usap dito,"


Inapakan ko siya sa paa kaya napadaing siya at namilipit sa sakit.



"Alisin mo na kasi. Dami mo pang sinasabi," sabi ko.


"Damn," mura niya na pabulong kaya lihim na napahalakhak ako.



Inalis niya ang posas sa kamay ko kaya umirap ako at nagflip ng hair na sinadya kong itapon sa mukha niya. Tumayo na ako at lumapit kay Mariz.


Nang maunang humakbang ito palabas ay sumunod ako. Sa likod ng pulisya kami nagtungo. Tiningnan ko siya habang nakatalikod siya sa akin.


"Alam mo.. Maganda ka nga, pero ang pangit naman ng ugali mo," aniya.


Aba!


"Mabuti alam mong maganda ako. Actually, sinungaling ka. Kasi lahat sa akin ay maganda, pwera lang sa grades ko."


Humarap siya sa akin habang mataray ang tingin na tiningnan ako.


"Wag ka ngang dumikit kay Rico. Kay bata-bata mo pero nilalandi mo siya."


Natawa ako at nagpaypay ako gamit ang kamay ko dahil naiinitan ako sa sinabi niya.


"Duh! As if it's my fault? Tsaka bakit ba nagagalit ka? Is he your boyfriend?"


"Hindi, pero gusto ko siya. Matagal ko nang kilala si Rico at una pa lang ay gusto ko na siya. Kaya hindi ikaw ang magpapalayo sa kaniya sa akin. Maghanap ka ng kaedad mo, hindi iyong naglalandi ka ng matanda sa'yo. Ang cheap mo kapag ganoon."


Napatigil ako sa pag-ikot nang daliri ko sa buhok kong kulot ang dulo. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa.



"Edi sabihin mo kay Tanda na alisin na ako rito. Kasi, alam mo, kada mali ko, dinadagdagan niya ang buwan ng penalty ko. Bakit kaya?"



Mas lalo siyang nanggalaiti kaya nginisihan ko siya.. Nabigla ako nang hablutin niya ang buhok ko. Kaya naman ay sinabunutan ko rin siya.


"Don't mess my hair!" sabi ko. Nagtaka ako nang bitawan niya ang buhok ko at may pumatak pang luha sa mata niya, "Hey, ayaw mo na?" tanong ko.


"Bettina!"


Narinig ko ang sigaw ni Tanda kaya naman napalingon ako. Tumakbo ito palapit sa amin at agad na inalis ang kamay ko sa buhok ni Mariz.


"Anong ginawa mo sa kaniya? Bakit mo siya sinasabunutan?" tanong ni Tanda.


Imbes na intindihin ang galit niya ay napatingin ako sa kuko ko.


"Oh my god! My nails!" napapadyak ako dahil nabali ang kuko ko. Inis na tumingin ako kay Mariz, "Ano bang buhok mo? Nasira ang kuko ko," nagpapadyak ako dahil ang tagal kong inalagaan ang kuko ko.



"Bettina!" suway ni Tanda.


"Kainis kayo! Magsama kayo!" tinalikuran ko sila habang mangiyak-ngiyak ako na nakatingin sa kuko.



Tiningnan ko ang kuko ko na nabali at para akong na-heart broken.



"Bakit mo sinabunutan si Mariz?" pinigil ako sa braso ni Tanda.


"Duh, kung alam ko lang na masisira ang kuko ko sa buhok niya, edi sana ay hindi ko rin siya sinabunutan."


"Ano? Kuko?"


Napanguso ako habang mangiyak-ngiyak na hinarap ko sa kaniya ang kuko ko.


"God!" napagulo siya sa buhok niya tila ba frustrated siya masyado sa inaarte ko, "Aist. Gupitin mo na lang lahat para magpantay," aniya.


"Ano? Ayoko nga."


"Anong gagawin ko? Hindi na mababalik 'yan."


Tiningnan ko siya ng masama at tumingin rin ako kay Mariz ng masama.


"Argh! I hate you both!"


Nagwalk-out na talaga ako. Kainis! Sirang-sira na naman ang araw ko. Nagluluksa na nakatingin ako sa kuko ko. Wala na akong magagawa. Nanghingi ako ng pang bungkal ng lupa kay Joey. Bumalik ako sa likod at naabutan kong nag-uusap ang dalawa. Hindi ko sila pinansin dahil nagluluksa pa ako.


Sa tabi ng taniman ko. Ito ang araw na magpapaalam na ako kay middle nail ko. Hinalikan ko pa ito bago unti-unti na tinapon siya sa lupa na binungkal ko.


-



Rico


Napailing ako dahil napakasobra talaga ng kaartehan sa katawan ni Maldita. Pero hindi ko naman mapigilan na mapangiti sa kaartehan niyang iyan. Ewan ko ba.. Parang mas gumaganda siya at natutuwa ako kapag ganoon siya.



"Napakaarte naman niya. Kuko lang, para na siyang namatayan. Pinagluluksa at nililibing pa," sabi ni Mariz.


Nagseryoso ako at tumingin sa kanya, "Mariz, sino ba talaga sa inyo ang nauna?"


Natigilan siya at tumingin sa akin, "Siya," aniya kaya napahinga ako ng malalim.


"Hindi mananabunot iyan dahil bakit naman niya gagawin sa'yo?"


"Bakit mo ba siya pinagtatanggol? Ako ang matagal mong kilala, Rico.. At bakit parang mas naniniwala ka sa kaniya kesa sa akin?"


"Mariz, hindi ganoon.. Pero--"


"Gusto kita, Rico."


Natigilan ako sa pag-amin niya. Nakatingin siya sa akin habang namumungay ang mga mata tila maiiyak.


"Tanda!"


Agad na napatingin ako kay Bettina.. Tumingin ako kay Mariz, "Pasensiya na, Mariz."



Tumakbo ako palapit kay Bettina dahil nagsisigaw siya.


"Bakit?" agad ko siyang hinawakan sa balikat at hinarap sa akin para tingnan kung may nangyayari ba sa kaniya.



"May bunga na ang tomato ko," aniya kaya napatingin ako sa tinuro niya. Napabuga ako ng hangin dahil iyon lang pala.



"Aist. Akala ko naman," bulong ko.


Napatingin ako sa kaniya na tuwang-tuwa na nakatingin sa mga kamatis na halaman niya na may bunga na. Napangiti ako at napailing.


Napakahirap ng bata. God. Napakahirap talaga!

© MinieMendz

Bettina Serina FORD SERIES 7 (COMPLETED)Where stories live. Discover now