[SWCTP] 46 - Black and White

303 11 0
                                    


No, it wasn't Paco's fault.

Hindi si Paco ang pumatay kay Amara. Hindi niya kasalanan kung nagpadala ito sa emosyon at selos kaya naisip nitong wakasan ang buhay. It's her choice!

"Hindi siya ang pumatay sa kapatid mo! Nagpakamatay siya!" I shouted at her. Yes, nakita kong lagi silang magkasama. Pero kahit ilang mga scenes lang 'yon, it's very obvious na si Amara ang nagpupumilit ng sarili niya kay Paco. He's just trying not to hurt her feelings kahit pa nga hindi na siya komportable rito.

"Pero dahil 'yon sa lalakeng 'yon! Hindi siya magpapakamatay kung hindi siya pinaasa ng lalakeng 'yon! Hindi sana siya nawala sa amin kung hindi nagkagusto sa iba si Parker Cornejo. Ginamit niya lang din ang kapatid ko. Pinaasa niya lang si Amara!" Debbie fired back pero patuloy akong umiiling. Hindi puwede 'to. Hindi puwedeng mamatay si Paco!

"H-hindi. P-please. Hindi niya kasalanan..." I pleaded with my voice cracking. Pero hindi nagbago ang expression niya. Mas lalo lang naging intense ang tingin niya at mas dumoble naman ang kaba ko.

"Kahit ano'ng sabihin mo, siya ang may kasalanan kung bakit namatay ang kapatid ko. Wala ka nang magagawa. Ilang sandali na lang at lilitaw na ang pulang buwan. Bago matapos ang gabi, kakalat ang lason sa katawan niya. Hindi mo siya matutulungan. Wala kang magagawa kaya kung ako sa'y–"

"Stop! Tumigil ka na! I'll make sure na hindi ka magtatagumpay!" I don't know where did I get the courage to tell that to her. I actually felt so helpless. Tumatakbo ang oras pero heto ako at nakakulong pa rin sa kadilimang ito. Hindi ko alam kung ano'ng gagawin ko.

Debbie let out an evil laugh once again. "Talaga? Paano? Ano'ng gagawin mo? Isang simpleng desperadang babae ka lang, Annika dear. Hindi mo 'ko kaya. Makukulong ka lang dito hanggang sa matapos ang pulang buwan."

Saglit siyang tumigil bago ako tinitigan. Sinamaan ko naman siya ng tingin. At this moment, I could only wish that glares can be good enough to kill a bitch witch like the one I'm facing right now.

"Pero... dahil naging instrumento ka naman para magtagumpay ang mga plano ko, pagbibigyan kitang makita siya. Sa totoo lang kase, madali lang naman sanang patayin ang isang 'yon. Kaya lang... mas masaya kapag ganito. Buti na lang at naki-cooperate ka–"

"I'm not part of this! 'Wag mo 'kong idamay dito dahil wala naman akong alam! You deceived me!" singit ko pero tiningnan niya lang ako.

"Parte ka pa rin nito, Annika dear. Ikaw pa rin ang dahilan kung paanong napunta sa katawan ni Parker Cornejo ang lason. Ikaw ang gumamit ng gayuma sa kanya. Kaya naman... pagbibigyan kitang makita siya bago siya mamatay. Panoorin mo kung paano siya magdusa nang dahil sa'yo..."

Gusto ko nang takpan ang mga tenga ko. I know that it's true pero hindi ko kayang marinig. Ako... ako ang dahilan kung bakit nangyayari 'to kay Paco. Ako ang dahilan kung bakit maaari siyang mamatay pero heto ako at hindi makagawa ng paraan.

Biglang naglaho si Debbie Black sa harapan ko. Pagkatapos noon, biglang may purple na usok na bumalot sa akin at sa buong paligid. It's suffocating. Pakiramdam ko hindi ako makahinga.

After a few more seconds ay biglang nawala ang usok. I was already breathing hard. Napaubo ako pero bigla na lang akong nagulat nang makita ko ang suot ko.

In an snap, I'm already wearing a black cloak same with Debbie.

"W-what the–"

"A-argh..."

Agad akong napatunghay nang may marinig akong boses. I was immediately horrified nang makita ko si Paco sa harapan ko. He's not physically there. It's like I'm watching a video right now pero alam kong ito na ang nangyayari sa kanya ngayon.

She Who Charmed The Prince (COMPLETED)Where stories live. Discover now