[SWCTP] 4 - Professor Black

1K 86 320
                                    


Panaginip o imahinasyon.

I tried my best to think na ganoon nga lang ang explanation doon sa nakita ko noong isang araw. Siguro... hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako? O kaya naman... gumana na naman ang malawak kong imagination kaya kung ano-ano na ang naiisip ko.

"It's all in my head," I mumbled unconsciously. It's not making any sense pero wala akong ibang maisip na dahilan. Up until now ay wala akong maisagot sa mga tanong sa isip ko.

Totoo ba 'yung nakita ko? Sinong professor 'yon? Ano'ng ibig sabihin ng sinabi niya?

Ang natatandaan ko lang kase, pagmulat ko ng mata ay nasa dorm na ako. Nandoon na rin sina Pat at Kionne na alalang-alala sa akin. Nakita raw ako ng guard na nakahandusay at walang malay doon sa hallway sa may engineering building. Wala na raw ibang estudyante noong mga oras na 'yon. Pati 'yung mga professors ay nakaalis na rin daw.

Pinilit kong alalahanin ang mga nangyari bago raw ako nawalan ng malay. Todo push ako sa mga brain cells ko noong time na 'yon talaga. Ugh! Kainis. Ayoko nang bothered ang utak ko.

"Sino? Si Paco?" 

May pumitik na daliri sa harapan ng pagmumukha ko kaya agad akong napakurap. "Huy! AZ!"

"H-huh?"

"Nagsasalita ka mag-isa. Sabi mo pa, it's all in your head. Sino? Si Paco?" Patricia diverted her gaze from me to a particular person outside our building. 

"Tsk. Wala na namang klase 'tong si Potcholo," narinig kong sabi niya. Medyo naiinis na parang hindi 'yung expression niya habang nakadungaw sa ibaba ng railings.

"Uhm... Pat," pagputol ko sa pagmamasid niya sa manliligaw. Medyo nawi-wirduhan ako sa sarili ko ngayon. Hindi kase talaga maalis sa isip ko 'yung babaeng professor na 'yon at saka 'yung sinabi niya. Kahit nga ang inisin 'tong si Pat na mukhang inaabangan naman talaga si Potcholo ay hindi ko magawa.

Ayokong ma-bothered pero hindi ko mapigilan. Affected tuloy 'yung daily routine kong pag-chase kay Paco—uh. Binasted niya nga pala ako.

"Ha?" Sa wakas ay bumaling na rin sa akin si Patricia. Mukhang nakalimutan na rin niya ang itinatanong niya kanina.

"Wala ba talagang bagong addition sa faculty ngayon. Like, bagong professor sa engineering department?" hindi ko na napigilang itanong. Last time, after no'ng incident na 'yon, agad akong nagtanong-tanong kung may bagong babaeng prof. ba sa engineering department. Para naman hindi ako magmukhang weird sa ginagawa ko, everytime na tatanungin nila ako kung bakit ko itinatanong 'yon, sasagutin ko lang sila ng...

"It's a Paco-related thing you cannot understand." 

O, 'di ba? Edi wala na silang follow-up questions. Uso naman ang ganoong lines. Nababasa ko sa news feed.

Anyway, wala raw bagong prof. Ayan tuloy, mas lalong na-shook ang brain cells ko sa pag-iisip kung sino ba 'yung kumausap sa akin.

"Wala akong alam, eh. Tanong mo kay Dylan," sagot naman ni Pat. Iyong bothered kong expression kanina agad na napalitan ng simangot pagkarinig ko ng sinabi niya.

"VP ng SC 'yon, eh. Baka alam niya. Or kung gusto mo, do'n ka na lang magtanong sa president."

"No. Way. Ang taray no'n sa akin. Palibhasa mas maganda ako sa kanya." Si Niña, isang IT student 'yung president ng SC. Minsan ko na siyang na-encounter dati kase sinaway niya 'yung pagpapa-cute ko noon kay Paco, my loves.

Siguro inggit lang 'yon.

"Edi, kay Dylan na nga lang. Mukha namang trip ka niya," parang bale-wala ulit na sabi ni Pat. Mas lalo tuloy akong sumimangot. 

She Who Charmed The Prince (COMPLETED)Where stories live. Discover now