[SWCTP] 28 - Nowhere

269 11 6
                                    


The announcement about the Christmas Ball undoubtedly made almost everyone in Claret overly excited. Puro usapan tungkol doon ang maririnig sa mga hallways, classrooms at maging sa social media. Sa mga usapang iyon, about half were thanking SC for being the organizer.

Well, that's understandable. Simula kase noong nag-aral kami rito sa Claret, hindi pa talaga kami gaanong nagkakaroon ng mga ganitong events. Like, parang wala sa priority ng faculties at SC ang mag-organize ng ganito. Pero simula noong nagkaroon ng bagong set of officers for the current year, mukhang nadagdag sa listahan ng mga projects nila ang pagkakaroon ng ganitong mga celebration.

"Wala sa itsura ni Niña ang mag-o-organize ng ganoong event. Mas mukha siyang party pooper kaysa party goer," I lazily told Kionne and Pat that afternoon. Medyo na-bored kaming tatlo sa dorm kaya nandito kami ngayon sa mall. Uh. Saan pa nga ba kami pupunta para gumala?

It's Sunday afternoon at fortunately, medyo ni-rushed na naming tatlo ang mga activities na due before vacation. Ngayong ini-announced na ang tungkol sa Ball, hindi malayong mas lalo kaming tatamarin sa mga susunod na araw. Minsan pa naman hindi consistent ang pagiging masipag ko.

Napalingon sa akin si Kionne mula sa pagtingin-tingin ng mga damit sa isang boutique. "Ang hard mo naman kay Niña, AZ," natatawang komento niya. Mas napatawa naman ako samantalang siya ay ibinalik ang tingin sa hawak na light pink turtle neck.

"Know what? Feeling ko may crush 'tong si Niña sa VP niya, eh. Who knows? Baka kaya supported niya ang event na 'to para maging date niya si epal," dagdag ko pa. Inalis ko na ang tingin sa mga damit na tinitingnan ko kanina. Wala pa akong magustuhan, eh. Si Pat naman wala rin.

"Wow. Ngayon naman ay balak mo pang gawan ng issue ang mga taga-SC. Kapag narinig ka ni Dylan, for sure world war na naman kayo," naiiling-iling namang singit ni Pat. Sandaling lumayo sa amin si Kionne para siguro bayaran 'yung mga napili niyang damit. Sa hilig niyang mag-shopping, hindi talaga puwedeng wala siyang mabibili sa mga pinagpilian niya.

Hinila ko si Pat palabas ng boutique while humming Dua Lipa and Blackpink's Kiss and Make Up. It's currently playing inside the shop.

"Well, I'm just stating a possibility! No'ng isang araw nga nakita kong magkausap sila. Baka nagpapa-cute si Niña sa Dylan na 'yon," I replied nonchalantly.

Truth was, hindi ko pa rin talaga tuluyang maalis sa isip ko 'yung scene na nakita ko before sa may parking lot. Hindi naman sa super bothered ako pero... lately, nagkaroon ako ng hinala na baka si Niña 'yung girl. Uh. Kapag nagkataon ay magiging couple pa ang dalawang epal ng SC.

Magsasalita pa sana si Pat nang biglang mag-vibrate ang hawak kong phone. I was quite sure that my eyes sparkled upon seeing who the sender of the message was.

"Seriously? You really renamed him 'my loves'?" Pat chimed in but I'm still in trance to even reply. I just nodded as I opened his message.

From: My loves <3

I hope you'll consider. I really wanna be your date.

___

"Tsk. Para kang shunga talaga, AZ. Ikaw pa nga 'tong nagsabi na yayain mo siya tapos, noong ikaw na ang niyaya may pa-"I'll think about it" ka pang nalalaman." I could tell Pat almost rolled her eyes.

"Eeeh! Siyempre pa-hard to get muna ako, 'no!" ngingiti-ngiti kong sagot. Tapos nakita kong pabalik na si Kionne mula sa counter kaya ini-off ko na ulit ang phone ko. Patricia stared at me in bafflement.

She Who Charmed The Prince (COMPLETED)Where stories live. Discover now