[SWCTP] 25 - VP's XX

307 13 5
                                    


Okay. Maybe I was just too preoccupied, too immerse with my act to even notice my two not-so-supportive friends eavesdropping that time. It's been exactly a day after I played the damsel in distress role but hey, they won't still stop throwing me weird looks, nagging me just like the nagger friends that they are. For today, I have Pat to question me again and again since Kionne's not around.

"I can't still believe it. Have you gone really mad, Annika? Hindi mo ba talaga naiisip na guilt-tripping 'yung ginawa mo?" she hissed while we're on our way outside our department building. Tapos na ang klase namin para sa araw na ito pero hindi muna kami uuwi sa dorm. May mga pahabol pa kasing requirements ang iba naming professors kahit medyo malapit na rin naman ang Christmas break. Psh. KJ as usual talaga sila.

I couldn't help but to notice how our schoolmates ahead of us threw me the looks so I grabbed Pat by her arms and drew her closer to me. "Sshh! 'Wag kang maingay, Pat! Baka marinig nila!"

Alam kong karamihan pa rin sa mga taga-Claret ang hindi makapaniwala sa mga actions sa akin ni Paco ngayon. Masyado na siguro silang na-stuck sa mindset na hindi ako mapapansin ni my loves kaya shook sila. Duh.

Tapos isa pa 'tong si Pat. Nakita ata niya kanina na tinititigan ko 'yung picture ni my loves sa phone ko. Ayan tuloy, naalala na naman niya 'yung three conditions na sinabi ko that time.

Speaking of the three conditions...

"Tsk." Hinila niya ang braso niyang hawak ko. Nagpatuloy kami sa paglalakad habang palinga-linga ako sa paligid. Baka kase mamaya bigla kong makita si my loves, though, mukhang may klase pa siya ngayon.

"Sa totoo lang hindi ko maintindihan ang takbo ng isip mo. You said you'll 'forgive' him on three conditions..." She finally rolled her eyes, even quoting the word 'forgive' with her fingers. Kung nandito lang siguro si Potcholo, malamang nakurot na niya ang pisngi ni Pat. Ang cute niya kasing mag-roll ng eyes.

"... then you asked him what those three conditions are? Really... hindi kita gets. Siya pa talaga ang pag-iisipin mo ng tatlong conditions na gagawin niya para sa'yo? Huh?" parang nalilitong tanong niya. Iniling-iling niya pa ulit ang ulo bago muling bumaling sa akin.

Malapit na kami sa labas ng university. I glanced at my phone at nakita kong malapit nang mag-5 pm.

"Bilisan na natin, Pat. Mamimili pa tayo ng materials for our requirement, 'di ba?" I answered. Her forehead just crinkled. Ugh. Mukhang wala siyang balak na tigilan ako.

Saglit lang naming sinulyapan si Kuya guard nang papalabas na kami. Marami namang dumadaan na PUVs dito sa may labas ng Claret kaya mabilis din kaming nakasakay papuntang mall. Habang nasa loob kami ng sasakyan, tingin pa rin nang tingin sa akin si Pat kaya pati ako napa-roll ng eyes na rin.

Inikot ko ang paningin sa paligid. Fortunately wala kaming kasabay na student from university. Medyo hinila ko si Pat palapit kaya para tuloy kaming may pinag-uusapang top secret na chicka rito.

Hmm. Top secret naman talaga.

"Naisip ko lang kase, Pat. Gusto ko naman na ma-surprised. I-I mean... for quite a long time lagi na lang ako ang humahabol at nagpapansin sa kanya. This time, ngayong mukhang natauhan na siya at napapansin na niya ako...uhm..." I faltered a bit. Okay, AZ. Walang alam si Pat sa charm spray, 'kay?

"... gusto ko namang ma-feel 'yung excitement. Ugh. Do you get my point?" I almost face palmed. Ang hirap i-explain kay Patricia ang ganito.

Iniwas na niya ang tingin sa akin pero nanatiling nakakunot ang noo niya. "I'm trying to support you dahil kaibigan kita. Kahit hindi pa rin malinaw sa akin kung bakit ganoon na si Paco sa'yo ngayon, magiging masaya pa rin ako para sa'yo. But, AZ..."

She Who Charmed The Prince (COMPLETED)Where stories live. Discover now