[SWCTP] 12 - Leader

528 32 42
                                    


Nakaalis na si Paco, my loves. Papunta na siya ngayon sa klase niya at hindi man lang ako nakapag-hello!

"Ugh! Nakakainis!" 

I turned my gaze back at Dylan who's still beside me. Nakahawak pa rin pala sa braso ko ang leche at nakatingin pa rin do'n sa puwesto nina Paco kanina. Nagpumiglas ako nang bongga at mukhang saka niya lang naalala na hawak niya ako.

"Ano ba! Bitiwan mo nga ako! Close ba tayo?" naiinis ko ulit na sigaw sabay hampas pa sa dibdib niya. Feeling ko nga ang lalim na ng pagkakakunot ng noo ko. Syet, nakaka-stress!

Napaiwas siya sa ginawa ko pero ibinaling na niya ang tingin sa akin. "Tsk. Hindi ka ba nahihiya sa ginagawa mo? Are you a dog?" parang kinulang sa energy na sabi niya at mukhang bored pa ang pagkakatingin sa akin. Kung kanina hindi siya makatingin nang maayos, ngayon naman ay wagas kung makatitig.

But wait. What the heck did he just say?!

"Aba't! I'm not a dog, you jerk! Bastos ka!" I growled with so much annoyance. How could he?! Sa ganda kong 'to, ikukumpara niya lang ako sa isang aso?!

I was so sure that I looked so irritated but it seemed like Dylan doesn't give a damn. Bigla na lang niya akong tinalikuran at naiiling na dumiretso sa may bilihan ng mga pagkain. That's when I realized na, oo nga pala, nasa canteen pa nga pala kaming dalawa.

Uh-oh. 

Pinilit ko na lang na kontrolin ang inis ko. I inhaled deeply, puffed some air and walked away, leaving the nosy students in a state of confusion. Hmp. Pakialam ko ba naman kung nakita nila akong sinisigawan ang vice president.

Pero nakakainis talaga! Mga sagabal talaga 'yang mga officers na 'yan, eh. 'Pag hindi si Niña ang sasaway sa akin, etong si Dylan naman ang mangingialam. 

Ano bang pakialam nila sa love story namin ni Paco, my loves?!

"Yo! Annika Zayne!"

"Aray naman!" 

Inis kong inalis ang braso na bigla na lang pumatong sa balikat ko. Pagharap ko kay Potcholo, parang bigla siyang napaatras.

"Yo, teka lang. Ba't mukhang badtrip ka? Nasaan ang cupcake ko?" may pagtatakang tanong niya and if not only because of that 'cupcake' word na sinabi niya, baka pati siya masisigawan ko.

I tried to stifle a laugh but I just can't. "Pfft! What the heck, Potcholo? Quit with that endearment, will you? Kahit hindi ako si Pat, nasusuka pa rin ako. Cupcake talaga, huh?" I chided.

Parang shunga rin talaga 'tong si Potcholo. Though, okay. Medyo boto naman ako sa kanya. Uhm, medyo lang naman.

"Pakialam mo ba? Para namang hindi nakakasuka 'yang 'Paco, my loves mo,'" he fired back and that's when I saw Pat coming out of our building. Sakto kasing nasa may department na namin kami. Agad ko namang binatukan 'tong kasama ko.

"Aray! Nakakasakit ka na, AZ, ah!" reklamo niya pero nag-roll lang ako ng eyes.

"Heh! Mas cute naman pakinggan ang endearment ko kay Paco kaysa d'yan sa 'Pat, my cupcake' mo 'no!" I retorted. Nang ibaling ko ulit ang tingin sa unahan ay malapit na sa amin si Pat. Agad siyang sumimangot nang makitang kasama ko 'tong makulit na lalakeng mukhang bakla na 'to. 

Bakit mukhang bakla? Wala. Ang ganda niya kasing lalake, eh. May pagka-feminine ang itsura, kumbaga. Kaya siguro mukhang ayaw ni Pat na sagutin. Eh, sa totoo lang mas magmumukha pa 'tong babae kaysa sa kanya, eh.

"Cupcake ko!" Potcholo screamed that earned him a glare from Patricia. Napatawa na lang ulit ako.

"Tigilan mo ako," she said with her usual I-don't-care-about-you tone. Pagkatapos ay bumaling siya sa akin. "Hoy, AZ. Hinahanap kayo ng mga groupmates niyo do'n sa itaas. Kayo ni Dylan."

"Ha?"

"Iyong meeting niyo raw—" Napatingin si Pat sa may likod namin bago niya ulit ibinaling ang tingin sa akin. "—nand'yan na pala si Dylan. Punta na kayo do'n. Kakain muna ako," dagdag niya pa at nilampasan na ako. Si Potcholo naman ay agad na sumunod sa kanya, as usual.

Naiwan ako sa harap ng building ng department namin. "P-pero... hindi pa ako—" 

Natigil ako sa pagrereklamo nang mapatingin ako sa gilid at makita si Dylan. Sakto naman na napatingin din siya sa akin. Medyo kumunot 'yung noo niya.

"What are you still doing here? Pumunta ka na sa taas. May meeting pa tayo sa report," sabi niya habang nakatingin sa akin. Napansin ko na hawak niya ang cellphone niya. Siguro siya ang nag-text sa mga groupmates namin na mag-meeting na kami agad.

I shot a him a glare bago ko iniwas ang tingin ko. "Hindi pa ako nagla-lunch. Kayo na lang mag-meeting," sabi ko. Aba! Buti siya at mukhang nakakain na. Paano naman ako, 'no!

Pero mukhang wala siyang pakialam dahil iniling-iling lang niya ang ulo niya. "Problema mo 'yan. Sabi ng groupmates natin, may klase na kayo mayamaya. Ngayon lang tayo pare-parehas free habang wala pa rin akong klase." 

"Edi sa ibang araw na lang! Next week pa naman 'yan, ah?!" hirit ko. Mas lalo lang atang kumunot ang noo niya. Kung makatingin nga sa akin para bang isa ako do'n sa mga pasaway na estudyanteng pinapadala nila sa guidance office noong high school.

Psh. 

"Bahala ka diy—aray!" Balak ko na sanang mag-walk out pero bigla na lang siyang lumapit. Ang bilis niya kaya namalayan ko na lang na hawak na niya ang braso ko. Pambihira!

"Ano ba! Kanina ka pa, ah!" sigaw ko pero parang wala siyang narinig dahil bigla na lang siyang naglakad habang hinihila ako.

"Hoy! Ano b—" Natigil na naman ako sa pagpupumiglas nang bigla siyang humarap sa akin. Ang seryoso talaga ng tingin niya. Nandito na kami sa may hagdan paakyat at feeling ko pinagtitinginan kami ng mga estudyanteng dumadaan.


"I don't like procrastinating as much as I don't like people who do it as if it's a good thing. It'll be better kung magsisimula na tayo ngayong magplano at nang ma-i-designate ko na rin ang topics. Ngayon, kung ayaw mo talaga, bahala ka na. But don't expect me to give you considerations dahil lang sa ginamit mo ang oras mo sa paghabol kay Cornejo kaysa pumunta sa meeting. Got it?" mahabang paliwanag niya na saglit ko atang ikinatulala.

Wait, teka lang. Nakakabigla ito, syet times a hundred.

"A-ang haba no'n, ah?" namalayan ko na lang na sambit ko. Nakatulala pa rin ata ako sa pagmumukha niya. This is... this is the first time na kinausap niya ako nang ganito. Shook. Ang haba ng sinabi niya. May five sentences ata 'yon?

"What?" takang tanong niya pabalik. His furrowed brows and serious brown eyes made him looked even more authoritative. And serious. And cute. And annoyi—

Wait. Cute? Yuck!

Medyo kinilabutan tuloy ako sa naisip ko. Epekto siguro ng hindi pa nagla-lunch.

Mabilis kong iniwas ang tingin ko sabay bawi ng braso. "A-ang sabi ko, a-ang dami mong alam! OC! D'yan ka na nga!" I shouted. Lumingon-lingon ako sa paligid at pagkatapos ay mabilis na akong umakyat ng hagdan pataas. Naiwan si Dylan do'n sa ibaba.


Psh. Daming alam. Edi wow.

___

Vote and comment. Sinong bet niyo for AZ? What can you comment about the characters? Hahaha 😂

#SheWhoCharmedThePrince

She Who Charmed The Prince (COMPLETED)Where stories live. Discover now