[SWCTP] 8 - Mr. Hindrance

718 36 60
                                    


Vote and comment, guys? 'Wag maging silent reader, please! Sumbong ko kayo kay Prof. Debbie, eh! 😂

___

"Hoy, Annika Zayne. Wala kang balak matulog?"

"Hmmm?"


Mula sa papel na tinitingnan ko ay inilipat ko ang tingin sa ibaba ng kama. Nandoon si Kionne, the Pucca na nag-i-stretch ng mga braso at humihikab. Napasabak siya sa puyatan ngayong gabi dahil may exams daw sila bukas, early in the morning. 

Sumulyap ako sa may orasan. Past 11 pm na at medyo inaantok na rin ako pero ayoko pang matulog. No, not until makapag-isip ako ng paraan kung paano ko magagamit 'tong binili kong gayuma kay Prof. Black. Aba, syempre, 'no! Ang mahal-mahal nito kaya dapat magamit ko 'to talaga!

Kionne turned back at me. Hawak-hawak niya ang ilang makakapal na libro at ibinalik sa mga shelf na nasa may gilid.

"Ano ba 'yang binabasa mo? May—" Saglit siyang napatigil at napahawak sa bibig sabay hikab. May matching pagtaas-taas pa 'yon ng kamay. Ang kyot kyot niya tuloy. Huehue.

"—exams din ba kayo bukas ni Pat? Eh, bakit siya, tulog na?" pagtutuloy niya sa sasabihin. Napabaling tuloy ako doon sa pwesto ni Pat. Naks, ang sound ng sleep ni Patrica ngayon, ah. 

Maybe... Potcholo's in her dreams? Pfttt!

"Uhm... nag... nag-a-advance study ako! Yeah, tama. Trip ko mag-advance study! Hehe!" nakangisi na medyo nakangiwi kong baling kay Kionne bebe. Hala, please! Sana maniwala siya! Hindi ko pwedeng i-reveal sa kanya 'tong binabasa ko.

Buti na lang at mukhang antok na antok na talaga 'tong si Pucca friend kaya hindi na niya masyadong pinansin ang sagot ko. "Ahhh. Geh, tulog na 'ko, ah. Turn off the lights later. Nighty-nighty."

After a few minutes ay ako na lang ang gising sa aming tatlo. Medyo nakahinga na ako nang maluwag. Salamat naman at hindi na nag-usisa pa si Kionne. Mukhang tulog-tulog na siya do'n sa ibaba. Ang cute niyang matulog, hindi niya kase inaalis 'yung Pucca inspired hairstyle niya, haha!

Ibinalik ko na ulit ang tingin doon sa papel na binabasa ko. Kasama 'to doon sa binili kong gayuma kay Prof. Debbie. May 20% discount nga lang ako dito, eh. Ang laki pa rin tuloy ng nabawas sa allowance ko.


Directions for use:

Shake thoroughly before spraying.

Use it anytime you want to; frequent usage might hasten the stages.


"Huh? Anong stages ang tinutukoy dito?" nasambit ko matapos kong mabasa ang nakasulat. Ba't parang hindi naman naipaliwanag ni Prof. ang mga stages na 'to?

Actually, maliit lang iyong papel. Color violet din ito at medyo rough ang texture. Kanina ko pa 'tong tinititigan pero ngayon lang nag-sink in sa akin ang nakasulat dito.

Sinubukan kong baligtarin ang papel. Napakunot ang noo ko nang makitang may nakasulat din pala sa likod.


Precautions:

Avoid contact with another. Only use it to one person.

Don't let anyone know about the usage.

If any weird symptoms persist, consult me.


"What... bakit naman may ganito pa? May side effects ba 'to?" bulong ko sa sarili. Dapat siguro maka-usap ko ulit si Prof. Debbie. Ang kaso, simula nang araw na 'yon, hindi ko pa siya ulit nakikita. Siguro... may klase ako kapag breaktime niya?

She Who Charmed The Prince (COMPLETED)Where stories live. Discover now