[SWCTP] 1 - Daydreamer

2.7K 111 426
                                    


- AZ -


"Annika..."

Nasa harap ko si Paco. Papalapit siya sa akin. Papalapit nang papalapit hanggang sa iilang metro na lang ang layo namin sa isa't-isa. Ngumiti siya. Itinaas ang kanang kamay at dahan-dahang hinawakan ang pisngi ko.

"P-p-paco...?" Eto na ba? Eto na ba 'yung moment na sasabihin niyang gusto niya rin ako? Omg!

"Annika..." tawag niya ulit sa pangalan ko. Ang husky ng boses niya. Tapos ang lapit ng mukha niya. Naaamoy ko 'yung hininga niyang amoy coke. Yay! Iki-kiss niya ba ako?!

"P-paco, my loves?" tawag ko rin ulit. Nakita ko ang pagbaba ng tingin niya mula sa mata ko papunta sa mga labi. Unti-unti siyang yumuko at mas lumapit. Unti-unti rin akong napapikit. Unti-unti hanggang sa—



"PATCHOOOOOT! MY LOVES!!!"


Boom. Nasira ng isang nakakabinging sigaw ng isang lalakeng mukhang bakla ang napakaganda kong imagination. Nanggagalaiti kong ibinaling ang tingin sa unahan, sa papalapit na nilalang na may Y chromosome.

Ugh! Humanda ka sa akin!

"Patchot!" narinig ko pang tawag ng gagong si Potcholo rito sa katabi kong babae. Hindi sumagot si Patricia, malamang na-sensed niya ang bad vibes sa aura ko.

"Potcholo Marquez!" may diin kong banggit sa pangalan nitong bagong dating. Mukhang hinihingal pa siya dahil sa pagtakbo. Nakasabit pa ang bag sa likod, medyo gusot ang damit at magulo nang konti ang buhok. Dahan-dahan niyang ibinaling ang tingin sa gawi ko at nakita ko siyang napalunok.

"Tsk. Ayan kase. Sigaw pa more, Potcholo," parang walang pakialam na sabi pa ng katabi ko. Hindi naman magkaintindihan si Potcholo sa gagawin, lalo pa't nagsisimula na akong tumayo mula sa kinauupuan ko habang masama ang tingin sa kanya.

"T-teka... Patchot! B-bakit ang sama ng tingin sa akin ni AZ?!" parang kinakabahang tanong niya kay Patricia. Nakita ko pang tumingin siya sa tabi ko at parang humihingi ng saklolo.

Bwahaha! She's not going to help you, dear Potcholo!

"Dont. Call. Me. Patchot. That is not my name!" tanging sagot ni Patricia na mukhang nainis na. Mas pinaningkitan ko naman ng mata ang lalakeng nasa harap ko. Bigla niyang iniharang ang dalawang kamay sa pagitan namin na para bang ginagawang panangga.

"A-ano bang problema mo, AZ?!" Mas lumapit ako. Inihanda ko ang sarili ko at mas lalo lang atang nagkulay-suka si Potcholo.

"H-hey! 'Wag mong gagawin 'yan. Alam mong malakas ang—"

"Yaaahhh!"

Mabilis akong umigkas at dinamba siya. Ipinulupot ko ang mga braso sa leeg habang pinagsisisipa ko naman ang mga binti. Pilit niyang inaalis ang mga braso ko pero hindi ko siya hinayaan. Agad kong itinaas ang kanang braso at mabilis na ginawa ang pinakamalakas kong atake!


Kiliti sa kili-kili! Attack!

"BWAHAHAH! TAMA NA—HAHAHAH! ANNIKA—HAHAHA! TAMA NA!"

Halos magpagulong-gulong kami dito sa green field habang patuloy kong ginagawa ang pag-atake. Medyo umiinit na rin ang sikat ng araw at paniguradong pinagtitinginan kami pero wala akong pakialam! 

"Sinira mo ang pangarap ko! Waaa! Gago ka, Potcholo! Humanda ka sa akin!" dramatic kong pagsigaw. Patuloy lang ako sa pagkiliti sa kanya kahit trying hard siya sa paghuli sa kamay ko.

She Who Charmed The Prince (COMPLETED)Where stories live. Discover now