[SWCTP] 39 - The Missing Girl

238 8 0
                                    


Honestly, I was really petrified. Hindi ko alam kung ano'ng gagawin ko nang bigla na lang bumagsak sa harapan ko si Paco after kong gamitin sa kanya 'yung spray. No'ng nakita ko siyang nakahandusay sa semento... parang noon lang ako natauhan. I immediately went to him kahit nanginginig ang katawan ko bago ako sumigaw para humingi ng tulong.

Good thing, it turned out na nakatulog lang pala si Paco. Shocks! Parang bigla akong nabunutan ng malaking tinik sa lalamunan nang malaman ko 'yon. After ko kasing sumigaw ay dali-daling lumabas 'yung mga kasama niya sa bahay. I could still remember 'yung gulat na expression ng grandmother niya no'ng makita ako.

Buti na lang at wala na silang time pa na mag-usisa. Basta sinabi ko na nag-uusap lang kaming dalawa tapos bigla na lang siyang natumba. Mukha namang naniwala 'yung grandmother niya pero 'yung kasambahay nila ang weird ng tingin sa akin.

Tapos ayon, nagtulong-tulong kami para akayin si Paco papunta sa room niya. Shocks! Feel na feel ko 'yung pag-akbay niya sa akin though, unconscious siya at kahit medyo mabigat ang braso niya. Sulit na sulit naman kasi sobrang lapit namin sa isa't isa kaya okay lang. Hehe.

Nagpatawag ng doctor 'yung grandmother niya habang naghintay lang ako ro'n sa kuwarto niya. No'ng tanungin ako kung sino ako... aba siyempre nagpakilala akong nililigawan ako ni my loves! No'ng sabihin ko 'yon mukhang nagulat sila pero hindi na rin naman sila nagtanong. Then, ayon, no'ng dumating 'yung doctor at na-check si my loves, sinabi nito na nakatulog lang daw siya dahil baka raw over fatigue. Ewan ko nga kung naniwala sila sa reason na 'yon, eh. Ako kase, alam kong nangyari 'yon dahil talaga roon sa charm spray.

After that ay nag-stay lang ako ng ilang oras para bantayan si my loves. Ang kaso, hanggang no'ng umalis ako ay hindi siya gumising. Ayoko pa nga sanang umalis pero pinauwi na ako no'ng grandmother niya. Siyempre kailangan kong magpa-good shot kaya hindi na ako nagpumilit pa.

Well, on my way home that time ay medyo kinabahan pa rin ako. Inisip ko nga kung bakit biglang nakatulog si my loves after kong gamitin 'yung charm spray. Naisip ko na baka dahil kay Shaira kaya nangyari 'yon though, hindi ko alam kung bakit parang may doubts pa rin ako. That's why, plano ko talagang tanungin si Prof. Black kapag bumalik na kami sa Claret.

Ang kaso, nagsimula na ang klase ilang araw na ang nakakalipas pero hindi ko pa rin siya nakikita. No'ng unang araw ay sinubukan ko siyang hanapin sa faculty room pero hindi siya pumasok. Nag-try na rin akong magtanong sa mga taga-faculty pero ang sabi nila ay wala raw silang balita at hindi rin daw nila ma-contact si Prof. Debbie. Hindi naman daw ito nag-file ng leave kaya wala raw silang idea kung bakit hindi ito pumapasok.

Napakamot na lang ako sa kilay ko. Nasaan ka na ba, Prof. Debbie?

"May napapansin ka ba kay Kionne, AZ?"

My finger was caught in the mid air when I suddenly heard Pat speak. Ibinaba ko ang kamay ko at nakataas ang dalawang kilay na tumingin sa kanya.

"What?"

"Si Kionne sabi ko..." Bahagyang kumunot ang noo niya at bumaling sa akin. I remained staring at her, ignoring the buzz of voices from those random students near us. Narito kami sa bleachers at nagpapalipas ng oras bago ang sunod naming klase.

Pat continued. "... pansin mo ba? Parang medyo umiiwas siya sa atin? Simula noong bumalik tayo sa dorm, hindi niya tayo masyadong kinakausap."

"Uhm..."

Medyo hindi agad ako nakaimik. Speaking of Kionne kase, bigla kong naalala 'yung nakita ko noong Christmas Ball. I couldn't be mistaken. Kahit medyo madilim doon sa kinatatayuan nila... sigurado ako sa nakita ko.

She Who Charmed The Prince (COMPLETED)Место, где живут истории. Откройте их для себя