[SWCTP] 2 - The Prince

1.5K 86 357
                                    


Mabilis niyang inagaw ang bola. Halos hindi na nga namalayan no'ng nakabantay sa kanya na naagawan na siya. Damn! He's really fast. Walang pag-aalinlangan siyang umikot, nag-dribble, tumakbo at tumalon...

Shoot! Dunk pa!

"Nice! No wonder he's the MVP," I could sense appreciation in Patricia's voice. Nag-disperse muna 'yung team. Mukhang break na. Lumingon naman ako sa tabi ko at enthusiastic na tumango.

"Yeah, yeah! It's because he's Parker Cornejo! Gwapo na, magaling pa! Kaya nga bagay kami!" I beamed. Pat just shook her head.

"As much as gusto kong suportahan ang pagpapa-cute mo d'yan kay Paco—"

"Never ka naman niyang pinansin. Kaya pwede ba, Annika Zayne? Tigilan mo na."

Sabay pa kami ni Pat na lumingon sa ibaba ng bleachers na kinauupuan namin. Nakita namin si Kionne na papaakyat. Iyong buhok niya, as usual parang inspired ng buhok ni Pucca. Tinalo niya pa ang kindergarten.

"Yo, Kionne! Tapos na klase mo?" malakas kong tawag, not minding her snide comment. Iniabot ko ang kanang kamay para hawakan niya paakyat. Agad niya naman itong inabot kaya hinila ko na siya pataas.

Ibinaba niya ang hawak na book sa bleachers. Nagpunas muna siya ng mukha gamit 'yung panyo niyang pink na Bench ang tatak. "Oo. Mamaya pa ulit ang class ko. 4 - 5 pm pa. Ugh! My schedule sucks!" reklamo niya. Nag-agree naman agad si Pat.

"Nako, sinabi mo pa." 

Hindi ko na sila pinansin at itinuon na lang ulit ang tingin sa unahan. Mukhang magsisimula na ulit ang practice. Gustong-gusto ko talagang panoorin siya habang narito sa loob ng court. Everytime na nakikita ko siyang humawak ng bola at maglaro, talagang kilig to the bones ako! Yay!

"Oy, tulala na naman si AZ."

"Ano pa bang bago? Lagi naman iyang ganyan."

"Heh! Tigilan niyo nga ako!" naiinis kong reklamo. "Eh, bakit? Kayo ba, hindi nagwa-gwapuhan kay Paco?! Hindi ba kayo tumitili everytime nanonood tayo ng game ng C-Spartans? Duh!"

Kionne just rolled her eyes. "Okay. Oo na. Heartthrob iyang si Paco, walang reklamo do'n."

"Exactly! He's the prince of Claret University!" pagsingit ko pa. 

"Well, prince ng C-Spartans. Pero alam mo naman na may isa pang prinsipe rito. Prince ng academics at prince ng council!" parang kinikilig pang sabi ulit ni Kionne. Kulang na lang ay magsalubong ang dalawang umbok sa buhok niya at magkorteng puso.

Agad akong napasimangot. "Psh. Ayoko sa isang 'yon. Masyadong grade conscious. Tapos ang tapang pa."

"Hindi naman nerd si Dylan, 'no! At saka responsibility niya kase 'yon!" Kionne countered. Napalipat ang tingin niya sa tabi ko. "Uy, Pat. Sinong ka-text mo?"

Automatic din tuloy akong lumingon. Caught in the act si Pat na medyo napapangiti pa habang nakatingin sa screen ng Vivo niya. Nang ma-realized niya siguro na nakatingin kami ay agad siyang nag-poker face.

Unti-unting nabanat ang labi ko para ngumisi. "Uyyy! Si Potcholo?"

"H-ha? Hindi, 'no! Wala akong number ng isang 'yon!" agad na sagot ni Patricia. Muntikan na kaming mapahagikhik ni Kionne.

"Naks, defensive! Ba't ba ayaw mo pang aminin? May pag-asa, 'di ba?" kulit ko pa. Sinamaan lang naman niya ako ng tingin.

"Tigilan mo 'ko, AZ, ah! Parehas lang kayong walang pag-asa ni Potcholo!"

Aray naman!

"Oy, oy! Tigil na! Tapos na ata 'yung practice. Tara na sa canteen!" Hinila na kami parehas ni Kionne paalis doon sa bleachers. Lumayo sa akin si Pat na hindi ko na lang pinansin. Nilingon ko ang varsity team at nakita kong papaalis na sila ng court. Pinagkukumpulan si Paco.

She Who Charmed The Prince (COMPLETED)Where stories live. Discover now