[SWCTP] 23 - A Brilliant Plan

285 12 13
                                    


That was a total shocker.

Kahit na hindi ko lingunin sina Pat at ang ilang mga taong nasa paligid, alam kong nakatingin silang lahat sa amin ni Paco. Well, the idea of him approaching me first seems impossible before, but now, he's here in front of me, asking if we could talk. Right. Paco, my loves wants us to talk!

"S-sure!" mabilis kong sagot kahit ramdam na ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Agad-agad akong tumayo mula sa kinauupuan at saglit na bumaling kina Pat. Parehas sila ni Kionne na halos nakanganga na sa amin.

Confirmation na 'to, mga bruh!

"O-oh. Sige, okay lang kami rito. M-mag-usap na kayo...?" parang hindi pa siguradong sabi ni Kionne. Ang weird pa ng pagkakatingin niya sa amin samantalang si Pat ay napailing-iling pa talaga.

I stifled a laugh and turned at Paco again. Napansin kong hindi siya makatingin nang maayos sa akin. Ngumiti ako at kinikilig na nagsimulang maglakad paalis.

"Tara."



Paco and I stopped at the green field. Nasa may likod ito ng Engineering building. Madalas ding gawing tambayan ito ng mga estudyante dahil sa mga benches na nasa paligid at mas maaliwalas na hangin. At saka... minsan, mas favorite talaga nilang tumambay dito para makita 'yung mga crush nilang players.

Nauna akong umupo sa isang benches na nasa malapit. Tinanaw ko ang malawak na kalupaan sa harapan. Ang sarap talaga sa mata pagmasdan ng kabuuan ng green field. Parang nakakawala sila kahit papaano ng stress.

"A-ah... AZ."

Saglit na naman atang tumigil ang paghinga ko nang marinig ko ang boses ni Paco. Naramdaman ko ang paglapit niya at mayamaya pa ay nakita ko na siyang nasa may harapan ko.

"P-paco..."

"I'm sorry."

Nakayuko siya nang bahagya pero inangat niya ang tingin nang banggitin ang mga salitang 'yon. When my eyes met his, I suddenly remember that time when he kissed me. Pero... sa tingin ko, hindi ko naman 'yon makakalimutan.

That blissful memory will always linger on my mind, just like how my feelings for him remains in my heart.

"P-paco—"

"Look, I—I didn't mean it. That kiss... I was just drunk that time and I... I don't..." He looked so confused about everything. Wow. Gano'n ba talaga hindi kapani-paniwala na hinalikan niya ako? 

"You didn't mean the kiss..." I muttered under my breath. Nanatili akong nakatingin lang sa kanya hanggang sa dahan-dahan siyang umupo sa bench na katapat ko. I could see it. He felt that something's wrong. Wala lang siyang idea kung bakit gano'n.

Nanatili lang siyang nakatungo habang nakaupo at nakaharap sa akin. Ilang segundo ang lumipas na hindi siya nagsalita. Saglit kong iniwas ang tingin at nahagip ng mga mata ko ang ilang mga echosera sa paligid. Mukhang shook talaga sila na kausap ako ni Paco ngayon.

He didn't mean the kiss. So... dahil lang ba sa charm spray kaya niya 'yon ginawa?

"I... I hope hindi mo ma-misinterpret. I was drunk and I saw you looking all pretty and... that's it," narinig kong sabi niya na agad kong ikinalingon. May narinig akong word. Sinabi niya 'yung word na 'pretty'. Sinabi niya talaga.

OMG.

"S-so... you really find me pretty? Maganda ba ako sa paningin mo, Paco?" I couldn't help asking. I looked back at him until he upheld his gaze and met my eyes. I remained staring with my hopeful eyes but he suddenly looked away.

He seemed uneasy. 

"W-well... alam mong maganda ka." Dahan-dahan niyang ibinalik ang tingin sa akin. I almost held my breath. He's so close. Hindi ko mapigilang titigan ang kabuuan ng mukha niya. From his light brown hair, expressive hazel eyes, his cute mole on his left cheek to his lips...

Saglit kong ipinikit ang mga mata ko. Nararamdaman ko pa rin ang mga titig niya.

"Y-you're really attractive and pretty, AZ. I just couldn't help it—"

"No way."

I immediately of opened my eyes. Nakita ko ang pagdaan ng pagkalito sa mga mata niya. Mayamaya pa ay muli siyang napayuko. Nanatili lang akong nakatingin sa kanya.

A smile escaped from my lips. No, no, Paco. You think I would let you get away with it so easily, huh?

"Apology not accepted. Bye," I said, trying so hard to sound emotionless. After that, I turned back and ran.








"He what?!" 

"I told you, girlseu. He really kissed me!"

"At totoong nag-sorry siya sa'yo kanina?"

"Oo nga! He really did! Ang kulit naman, eh!"


It's exactly 10 in the evening. Supposedly ay matutulog na kaming tatlo rito sa dorm pero hindi ako tinigilan nitong dalawa. Seriously, kanina pa nila ako kinukulit simula pa noong makauwi kami galing Claret. As in! Parang hindi sila makapaniwala sa mga sinabi ko!

"Pero seryoso ka talaga, AZ?" 

I rolled my eyes at Patricia. Nakaupo siya roon sa single bed niya katabi si Kionne habang ako naman ay narito sa itaas ng double deck. "Duh! Oo nga kase!"

I suddenly remember his expression kanina. Mukhang hindi niya maintindihan ang mga kinikilos niya. Siguro nga ay wala siyang idea kung bakit niya ako kinausap...

I shook my head. He kissed me! Siguro... na-guilty bigla. Pero...

"Eh, what did you do? For sure halos nahimatay ka na sa kilig," pagsingit naman ni Kionne. Automatic tuloy na napangiti ako. 

"I... have thought of a very brilliant plan," I mumbled. 

Kung dahil lang sa charm spray kaya niya 'yon ginawa, ibig sabihin ay talagang effective nga ito. Ibig sabihin ay magsisimula na nga siyang magka-crush sa akin ngayon. Kaya... mas okay kung mas magkakalapit kami. Yay!

"A brilliant plan? Ano?" Kionne asked. Inilipat ko ang tingin sa kanila at parehas sila ni Pat na nakatingin sa akin. Patricia even raised her brows.

"I'll let him feel guilty. Hindi siya matatahimik hangga't hindi siya nakakabawi sa akin. That way, lagi niya akong lalapitan," I replied. They both gaped at me in disbelief.

"Seryoso ka ba?!" Patricia snapped. I just nodded.

"Puwede bang suportahan niyo na lang ako? Don't worry. Treat ko kayo kapag kami na." I winked. Pero nakatanga pa rin silang dalawa sa akin.

Oh my! Nai-imagine ko na kapag naging kami ni my loves! Kami na ang magiging best couple sa Claret!

Tumayo si Patricia. Si Kionne naman ay nag-inat. Ako, nakangiti pa rin at kinikilig.

"Bahala ka nga. Pero gaano ka naman ka-sure na gagana 'yang plano mo? How sure are you na laging lalapit sa'yo si Paco?" Pat asked. Napatingin ulit sa akin si Kionne.

I flashed my sweet smile. A smile of triumph and joy. 


"He can't resist my charm," I answered, winking once more.

___

Vote and comment. Thank you!

#SheWhoCharmedThePrince

She Who Charmed The Prince (COMPLETED)Where stories live. Discover now