[SWCTP] 37 - Keen Eyes

243 9 3
                                    

- AZ -

It's the day before Christmas noong dumating si Kuya. Wala nga siyang pasabi noon na that day ang uwi niya kaya na-surprised pa rin ako. Nasa kuwarto pa ako noon at nagfe-facebook nang bigla ko na lang narinig 'yung ingay sa living room. By that, ang tinutukoy ko ay 'yung matinis niyang boses. Bigla na lang siyang sumigaw nang pagkalakas-lakas. Muntikan na tuloy mabasag ang precious eardrums ko.

Geez.

Pero sa totoo lang, seeing him that time got me really teary-eyed. Seriously. I remember going down the stairs tapos nakatingin ako sa kanya habang nasa harap niya noon sina Mom. I was really trying to suppress my tears from coming out pero noong tumingin sa akin si Kuya... ayon, pumatak na rin sila at hindi na nagpapigil. Shocks.

Well, prior to that day, noong dumating ako sa bahay ay agad akong nag-message sa kanya noon, asking kung kailan ba siya uuwi. Siyempre, truth be told, siya lang naman kase ang dahilan kung bakit ako umuwi sa bahay. Gusto niya kase sa sama-sama kaming tatlo nina Mom. Gusto niya na mag-celebrate kami ng Christmas season na parang dati lang daw ulit.

Parang dati? Truth be told again, muntikan na akong hindi pumayag sa request ng magaling kong Kuya. Paano kase magiging parang dati lang ulit? Dati kasama pa namin si Dad. Dati masaya pa kami kahit madalas na hindi namin nakakasama si Mom. Dati hindi pa sila naghihiwalay. Dati buo pa kami.

Pero hindi na gano'n ang sitwasyon ngayon. Hindi na buo ang pamilya namin. Hindi na kami masaya. Hindi na... hindi na namin kasama si Dad at hindi na namin siya makakasama sa lifetime na 'to. Wala. Imposible na talaga 'yung sinasabi ni Kuya na 'parang dati lang ulit'.

Pero kahit hindi ako nag-agree sa sinabi niyang iyon, sinunod ko pa rin siya. Umuwi ako sa bahay habang hinihintay ko siyang umuwi rito sa Pilipinas. Kase... sobrang miss ko na siya. Last year kase hindi naman siya umuwi ng bansa dahil sa mga inaasikaso siya sa naiwang business ni Dad. Ngayon lang talaga kami magkikita ulit after two years kaya... kahit mahirap sa akin na makasama si Mom... susubukan kong kayanin para makasama ulit siya.

"Malapit na ulit ang balik mo sa Claret, 'di ba?"

"Ay leche!"

Agad-agad akong napahawak sa dibdib ko at napalingon nang marinig ko bigla ang boses ni Kuya Andrei mula sa likod ko. I immediately saw him leaning against the wall habang nakatingin sa akin. Mukhang kanina pa siya roon and apparently, sinundan niya pala ako rito sa may garden after ko silang iwanan doon sa loob.

I instantly rolled my eyes at him pero ngumiti lang siya sa akin. Hays. Why is my brother like this? Mukha siyang maamong kitten sa totoo lang. Isang maamong kitten na may matinis na boses at kasalukuyang nakasuot ng sneakers at white hoodie.

"Akala ko nag-uusap pa kayo ng mga 'yon doon sa loob? Mukhang marami pa rin kayong pagku-kuwentuhan, ah?" I said. I made it sure na tunog sarcastic 'yung pagkakasabi ko. Sa totoo lang kase, hindi pa rin tanggap ng sistema ko na mukhang tanggap ni Kuya ang dalawang iyon dito sa pamamahay ni Dad.

"Annika—"

Hindi ko maiwasang mapailing. "Seriously, hindi ko talaga alam kung paano mo nakakayang pakitunguhan pa sila. Nakalimutan mo na ba, Kuya? Nakalimutan mo na ba si Dad?" I asked, my voice laced with bitterness. Nakita ko naman ang mabilis niyang pag-iling.

"No. Hindi ko kailanman makakalimutan si Dad, Annika. He... he will always be our father at hindi siya mapapalitan ng kung sino man. B-but we have to move on. Si Mom na lang ang—"

"Please stop. K-kuya, please. Kung ano man ang dahilan mo kung bakit nagagawa mo pa rin silang pakisamahan... sa iyo na lang 'yon. H-hindi ko pa kayang tumulad sa'yo," I cut him off. Nakita ko ang paglungkot ng expression niya pero hindi na ako nagsalita. Iniwas ko na lang ang tingin ko.

She Who Charmed The Prince (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon