[SWCTP] 21 - Cloud Nine

339 17 11
                                    


I could feel his lips moving.

My eyes remained wide open in immense shock. Paco's face was just a few centimeters away and his nose was touching my left cheek. His hand was still holding my arm and I... I... damn! Pakiramdam ko ay may kung anong kuryente ang dumadaloy sa mga kalamnan ko. It was as if thousands of butterflies were inside my stomach. Amoy na amoy ko rin ang alak sa hininga niya, though, for a moment, I wonder why his lips still tasted sweet.

Dahan-dahan kong nabitawan ang hawak kong charm spray. Hindi ko na alam kung saan iyon gumulong. Pati ang maiingay na hiyawan at tugtugan sa paligid ay parang biglang naglaho. At this moment, all I could hear was the frantic and wild beating of my heart. Paco tried to deepen the kiss and I almost fainted in response.

"P-paco..." I tried to say in betwen his kisses. Hindi ko alam kung ilang segundo na ba niya akong hinahalikan. His tongue was tempting me to open my mouth but I was still so stunned that I couldn't make myself follow. Pakiramdam ko ay masyado na akong naliliyo sa mga halik niya. The sensation was overpowering. Then... when I was about to give in... when I was about to kiss him back...

He suddenly stopped.

Unti-unti niyang inihiwalay ang labi niya sa akin at yumuko hanggang sa maging kapantay na ng ulo niya ang balikat ko. Saglit kong nahugot ang hininga. Hindi agad ako nakagalaw. Bigla niyang isinandal ang ulo sa may leeg ko at nang subukan ko siyang tingnan ay nakita ko siyang nakapikit.

"P-paco..." I tried to tap his cheek lightly. Ramdam ko pa rin ang epekto ng halik niya sa sistema ko pero sinubukan ko itong isantabi para gisingin siya.

"Hmmm..." Nagulat ako nang bigla siyang umungol pero saglit lang iyon. Hindi na ulit siya  nagsalita. Nararamdaman ko rin ang banayad niyang paghinga sa may leeg ko. Sa tingin ko ay nakatulog na siya.

Mabilis akong napakurap-kurap. Okay. What. The. Heck.

Unti-unting nag-sink in sa akin ang nangyari moments ago. Iginala ko ang tingin sa paligid pero mukhang wala namang may pakialam sa amin. Tuloy lang sila sa pagsasayaw at tuloy lang din ang banda sa pagtugtog. Ibinalik ko na ulit ang tingin sa natutulog na si Paco. Dahan-dahang gumuhit ang ngiti sa mga labi ko.

Syeeeeet! Dream come true!

Para akong baliw na ngiting-ngiti rito sa sulok pero wala akong pakialam! Oh... em gee! Hindi naman ako lasing pero ramdam na ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi ko. For sure ay todo blush ako ngayon at kung wala lang ako rito, malamang kanina pa akong nagpagulong-gulong sa sahig habang sumisigaw sa kilig!

Parker Cornejo, the love of my life, just kissed me! Omg! He kissed me!

"AZ?"

Naka-plaster pa rin sa kinikilig kong face ang isang malaking ngiti nang magtaas ako ng tingin para tingnan kung sino ang tumawag sa akin.  Nakita ko 'yung isang ka-team ni Paco sa varsity na naglalakad papalapit sa amin. Kung hindi ko nagkakamali ay Ruru ang palayaw niya. Kahit medyo dim ang lighting dito sa paligid ay kitang-kita ko pa rin kung paano kumunot ang noo niya pagkakita kay Paco na nakasandal pa rin sa may leeg ko.

"Uhm—"

"Shit! Ano'ng ginawa mo?"

Medyo na-shook ako sa bigla niyang tanong sa akin. Iyong tono niya kase at 'yung klase ng pagkakatingin niya, para bang may ginawa akong masama rito kay my loves. Nakatayo pa rin siya sa harap namin at nanlalaki ang mga mata na nakatingin sa amin. Kulang na lang ay malaglag na ang panga niya.

For a moment, I find him cute. Pero saglit lang 'yon dahil bigla niya akong sinamaan ulit ng tingin.

"AZ, ano'ng ginawa mo kay Paco?" tanong niya ulit. Kumunot na tuloy ang noo ko.

She Who Charmed The Prince (COMPLETED)Where stories live. Discover now