[SWCTP] 11 - Glances

555 33 44
                                    


Hindi ko mapigilan ang mapangiti habang naglalakad sa university grounds kinabukasan. It's our usual morning. Kasama ko si Pat at wala naman si Kionne dahil mamaya pa ang klase niya. Siguro nasa mall na naman 'yon ngayon. Ayaw naman niya kase na maiwan mag-isa sa dorm.

I diverted my gaze sideways and saw Pat staring at me weirdly. May matching kunot ng noo pang kasama 'yon, ah.

"What?" I asked, still wearing a smile on my lips. Good mood ako ngayon at feeling ko mas lalo pang gaganda ang mood ko mamaya.

"Ano na namang meron? Bakit ngiting-ngiti ka?" she asked. Malapit na kami sa building namin. Marami na rin kaming nakakasabay na mga ka-department namin. Iyong iba nga sa kanila ay nag-greet pa sa akin.

I shrugged. "Why? Am I not allowed to smile? Bawal na maging masaya?" 

"Hindi naman. Pero sa kaso mo, ang weird tingnan. 'Di ba hindi ka naman pinansin ni Paco kahapon?" dagdag pa ni Pat. Muntikan na akong mapatigil sa paglalakad.

Oo nga pala. Nakita niyang hindi ako pinansin kahapon ni Paco. Pero may na-overlook siya.

I looked away. "E-eh, ano naman? I have a very strong feeling na papansinin niya na rin ako one of these days," parang bale-walang sagot ko. 

Kahapon, pagkatapos kong makabalik galing sa lair ni Prof. Black ay saktong nakita ko si Paco, my loves. And syet! I caught him staring at me!

Siyempre, tinawag ko agad siya at naglakad palapit sa kanya. Ang kaso, biglang dumating 'tong si Pat at tinawag ako. Tapos, ayon, iniwas na ni Paco, my loves ang tingin sa akin at naglakad na paalis. Pagkatapos noong time na 'yon ay hindi ko na siya nakita the whole day. Then naalala ko na tapos na nga pala ang klase niya.

But I was able to realized something. Tinitigan talaga ako ni Paco, my loves! Pat failed to see that but I was sure! Isa pa, sigurado rin ako na dahil na 'yon do'n sa charm spray na ginamit ko doon sa panyo na ipinunas ko sa mukha niya two days ago.

If that's the case, then, ibig sabihin ay nagsimula na nga ang stage one. Ma-a-attract na sa akin si Paco, my loves! Dapat siguro mamaya ay magpakita ulit ako sa kanya.

"Huy. Ayan ka na naman. Ngumingiti ka na naman nang mag-isa," narinig kong sabi ulit ni Pat. Pinigilan ko na lang ulit na mapangiti. Baka mamaya akalain pa niyang nababaliw na ako. Duh. 

Hinila ko na ang braso niya. "Wala lang 'to. Let's go na nga, Pat! Mali-late pa tayo," pasimpleng sagot ko bago kami nagtuloy-tuloy sa pag-akyat sa building.

Gosh, AZ! Control yourself, 'kay?

Ang maingay na paligid ang bumungad sa amin ni Pat pagpasok namin sa room. 'Yung ilan ay napatingin sa aming dalawa, may mga nag-greet at 'yung iba naman ay patuloy lang sa kung ano mang ginagawa nila.

"Ay. Kaya naman pala maingay sila. Wala pa si Dylan," narinig kong sambit ni Pat nang umupo kami sa seats namin sa may gitna. Mas okay kase sa aming dalawa na nasa gitna lang kami. Ayoko kase sa unahan at si Pat naman, ayaw sa hulihan kaya ayon, edi sa gitna kami umupo.

Ang kaso, nasa unahan nga lang pala namin ang seat ng pabidang si Dylan. Napasulyap ako sa upuan niya at nakita kong wala pa nga siya.

"Psh. Buti nga at wala pa siya. Mas okay nga siguro kung absent na lang, eh. At least, walang OC dito, 'di ba?" I retorted. Pat stared at me, wide-eyed.

"AZ!"

"What? Eh, totoo naman ah? Kung makaasta 'yang Dylan na 'yan parang may OCPD. Gusto lagi susundin ang mga rules. Kahit maliliit na errors at details laging pinupuna. Tapos—"

She Who Charmed The Prince (COMPLETED)Where stories live. Discover now