[SWCTP] 33 - Truth or Lies

304 10 4
                                    


"That's the aftermath of resisting the charm," narinig kong sabi niya pagkatapos niya akong hilahin paalis doon sa kinatatayuan ko kanina. Medyo hindi pa agad nag-process sa confused kong brain ang sinabi niya. Naiisip ko pa rin kase 'yung tagpong nakita ko kanina sa may likod ng faculty building. It's quite intriguing since hindi naman sila close sa pagkakaalam namin ni Pat.

"AZ, dear." Napalingon ako ulit sa kaharap kong professor nang bigla niyang tawagin ang pangalan ko. Saka lang ako napatingin sa kinaroroonan namin. Mukhang nandito kami sa mas tagong parte ng Claret. Naririnig ko pa rin naman ang ingay ng mga nasa Ball pero sigurado akong ilang metro rin ang layo namin sa kanila.

"A-aftermath?" nasambit ko na lang matapos kong maalala ang sinabi niya kanina. Mas naging curious tuloy ako dahil doon.

Nakita ko siyang napatango-tango. Mas napagmasdan ko naman ang itsura niya. Sa totoo lang, hindi ko maintindihan ang outfit niya. For goodness' sake, Christmas Ball ito pero nakasuot siya ng black cloak. Tanging ang mukha niya lang ang nakikita ko and as usual, ang dark pa rin ng aura niya.

"Tama. Nakita ko ang nangyari kanina. Iyong babae... si Shaira. Siya ang naging dahilan," sabi niya sabay tingin nang matiim sa akin. Parang na-shook naman daw ako sa narinig.

She Who Charmed The Prince (COMPLETED)Where stories live. Discover now