[SWCTP] 31 - Black Out

277 10 6
                                    


"P-parker..."

The moment I saw her paawa slash pabebeng expression, feeling ko bigla na namang uminit ang dugo ko. For goodness sake, kailan ba niya titigilan ang pagiging linta sa my loves ko?!

"Oh my gosh! Si Shaira!"

"Nako, akala ko talaga siya ang date ni Paco!"

"Kaya nga! Ang alam ko siya ang nililigawan ni Paco, eh."

Isa pa 'tong mga echoserang froglets sa paligid, eh. Kung makapag-usap parang hindi ko naririnig!

"W-why... b-bakit siy—"

"Will you please move? Kita mo nang dadaan kami tapos paharang-harang ka," I retorted, purposely cutting off whatever nonsense she's about to say. Napalipat naman agad ang tingin niya sa akin at halos sugurin na niya ako sa sama ng tingin niya.

"You... ano ba'ng ginawa mo kay Parker at dumidikit siya sa'yo? Ayaw niya sa'yo, eh! Ako 'yung gusto n—"

For the second time, hindi ko na lang ulit pinatapos ang kung ano pang sasabihin niya. Mas inilapit ko sa akin si Paco na bigla namang natahimik. From my peripheral vision, I could see our schoolmates watching us as if we're in some sort of soap opera. I bet they're shouting for fight scenes inside their empty heads.

"First of all, wala akong ginawa kay Paco. Mas maganda lang talaga ako sa'yo kaya mas napapansin niya na ako. Secondly, gaano ka kasiguradong ayaw niya sa akin? Paano kung pabebe lang siya? Kung ayaw niya talaga sa akin, eh, bakit ako ang date niya ngayon?" I saw her expression hardened. Maybe I hit a spot.

"...lastly, gaano ka kasiguradong ikaw talaga ang gusto niya? Bakit hindi ikaw ang date niya ngayon? Bakit hindi ikaw ang kausap niya ngayon?" paghahamon ko. Napatingin naman agad ako kay Paco na nakatingin lang pala sa unahan. Mas hinigpitan ko ang hawak sa braso niya nang lumipat ulit sa kanya ang tingin ng linta.

"P-parker... ako 'yung gusto mo, 'di ba? P-please... umalis ka na sa tabi ng babaeng 'yan," she helplessly uttered. Nanatili lang naman akong nakakapit kay my loves.

Please. Remember what I told you, Paco.

"S-sorry, Shaira. But... AZ is my date tonight. Hindi ako aalis sa tabi niya."

Sandaling katahimikan ang bumalot sa paligid pagkatapos niyang sabihin iyon. Maliban sa mga Christmas carols na patuloy pa rin sa pagtugtog, ilang segundo rin atang walang maririnig na boses mula sa mga taong nakapalibot sa amin.

"B-but..."

"N-narinig mo siya, 'di ba? Ako ang date niya kaya sa akin lang siya sasama. So, kung puwede lang, tumabi ka na sa dadaanan namin," sinubukan kong sabihin nang makabawi ako sa pagkabigla. Kahit kase ako... hindi pa rin inaasahan na sasabibin 'yon ni Paco.

Everything still feels so surreal. Pakiramdam ko nga maiiyak na ako sa sobrang happiness. Ewan. Gano'n lang siguro kapag unti-unti mo nang nakukuha 'yung gusto mo. Gano'n lang siguro talaga kapag 'yung mga bagay na inaakala mo dati na hindi na mangyayari sa'yo ay nararanasan mo ngayon.
In my case, iyon ay ang piliin niya.

Ni Paco.

Pagkatapos kong sabihin iyon ay nagmamadaling tumalikod sa amin 'yung si Shaira. She's crying. Hindi ko na lang pinansin iyon at balak ko na sanang hilahin ulit si Paco nang may maramdaman ako.

She Who Charmed The Prince (COMPLETED)Where stories live. Discover now