Kabanata 19

1.4K 81 9
                                    

Kabanata 19


DEAR Yannie,

            Yes, I'm doing again this dedication paper that you have introduced to me five years ago. I suddenly felt nostalgic and I just found myself writing this one—days before the graduation. What can I say? You've grown into me like a moss. Sa loob ng limang taong nagdaan, sinubukan kong kalimutan ka pero paulit-ulit kang bumabalik sa puso ko. Hanggang sa nagsawa ako at tinanggap ko na ang katotohanan na sa buhay ko, isang babae lang ang mamahalin ko. Ikaw iyon.

            I have wasted five years of my life staying away from you. I will not make the same mistake twice. I love you. I really do. Pagdating sa nararamdaman ko, madalas kong itago iyon sa sulok ng puso ko. Pero ngayon ay sasabihin ko ito nang paulit-ulit sa 'yo. Mahal kita. Mahal kita. Mahal na mahal kita.

            Marami akong kasalanan sa 'yo. Nagsinungaling ako. Remember the Navar issue? It wasn't true. Gawa-gawa lamang ni Enzo ang alliance na iyon. Iyong narinig mo, wala lang 'yon. Pero bakit hindi ko sinabi kaagad sa 'yo? Simple lang. Gusto kong magkaroon ng dahilan para malapitan kita.

            Ang tape recording iyon.

            Hindi ako nagsisisi sa ginawa ko dahil napalapit ako sa 'yo. At tumagal, naging tayo. Kung hindi dahil sa plano ni Enzo, siguro walang "tayo" pero hindi ko na iisipin iyon. Ang mahalaga ay kung ano ang mayroon tayo ngayon.

            Graduation. This event brought so many feelings and memories on my heart. Ah, basta. I love you. Happy Graduation!

P.S: Narinig kong nagustuhan mo ang mga snow globe na pinapadala ko sayo. I'm glad ^^

Kyohei



HINDI mapakali si Kei habang nakatingin sa nagkukumpulang mga kaibigan ni Arianne. Ilang oras na lamang at magsisimula na ang graduation march subalit ang babaeng kanina pa niya inaabangan at hinihintay ay hindi pa niya makita. Maging ang anino nito ay wala. Kanina pa siya palihim na nagmamasid. Ang mga kaibigan nito ay kanina pa nandoon at si Arianne na lamang ang wala. Kahit si Ashleigh na hindi graduating ay nandoon.

Bakit wala si Arianne?

Tila may kamay na dumaklot sa puso niya nang maalala ang pangyayari five years ago. Hindi dumating sa graduation rites si Arianne dahil sa ginawa niya. Ilang oras din siyang naghintay noon subalit ni anino nito ay hindi niya nakita.

Hindi kaya't hindi rin pupunta ngayon si Arianne?

"Shit!"

Naramdaman niya ang pagtapik sa balikat niya ng kung sino. "Tensed na tensed ka, Kei. Relax," si Chase pala iyon.

"Damn! Papaano ako magre-relax kung hindi ko makita 'ni anino ni Arianne? Hell!" asar na aniya.

Umiling-iling si Chase. "Darating siya."

"Hindi mo kilala si Arianne! She might be gone by now—Shit! I must be going," mabilis na aniya nang maisip ang implikasyon ng sinabi. Hindi malayong nagpakalayu-layo na si Arianne ngayon dahil sa kanya.

If his hunch was true that Arianne did love him on her own way, nasaktan nga niya ang babae at malamang ay nagtago na ito! Shit!

Malalaki ang hakbang na nilapitan niya sina Ash subalit tila itinulos siya sa kinatatayuan nang marinig ang pag-uusap ng mga babae.

"Nasaan na ba si Arianne kasi?"

"Wala na. Nasa Japan na. Tinawagan ko kaya siya kagabi. Baka paalis na 'yun ng bahay nila," sagot ni Ash.

Lucky We're In Love (Tennis Knights #6) (Published under PHR)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें