Kabanata 11

1.3K 59 11
                                    

Kabanata 11


"INUMIN mo na 'tong gamot mo, Yannie. Please?" pagsusumamo ni Kyohei kay Yannie. Kasalukuyan siyang nasa bahay nito at inaalagaan ito. Kasehodang hindi siya pumasok sa klase para lamang bantayan, alagaan, at painumin ng gamot si Yannie.

Kilala niya ang isang ito. Matigas ang ulo nito at ayaw na ayaw nitong iinom ng gamot. Masyado raw kasi iyong mapait. Labing-anim na taong gulang na ito pero para itong bata minsan kung kumilos. Pero hindi iyon naging hadlang para hindi niya ito mahalin.

"Ayoko nga, eh. Mapait."

"Please? Para gumaling ka na. Ayokong nakikita kang nahihirapan, eh. Hmm?"

Sumimangot ito kapagkuwan ay tumango. "Fine. Akin na." Iniabot niya ang tablet at pikit-mata nito iyong ininom. "Pakla. Eww."

Natawa siya at masuyong hinawi ang buhok nitong tumatabing sa mukha nito. "Pahinga ka na para gumaling ka kaagad. Alam mo namang hindi ako mapalagay kapag may sakit ka."

Ngumiti si Yannie at ginagap ang kamay niya. "Opo." Pumikit na ito pero kaagad ding dumilat. "I love you, Kyohei."

Magaan niya itong hinalikan sa noo. "'Love you, too."

"Huwag mo akong iiwan, ah?"

"Never."

But he did.



INILIBOT ni Kei ang paningin sa silid ni Arianne. Kakilala si Ashleigh ng mga katiwala dito sa bahay nila Arianne kung kaya't pinapasok sila ng mga ito kahit wala ang pamilya ni Arianne.

Mula sa gilid ay nakita niya ang estante na naglalaman ng iba't ibang klase at disenyo ng snow globe. Napangiti siya nang maalala kung gaano kamahal ni Arianne ang niyebe. Naaalala pa nga niya ang mga tanong ng batang si Arianne tungkol sa winter season sa Japan...

"HINDI ba puwedeng kainin 'yung snow sa Japan?"

Isang masuyong ngiti ang ibinigay ni Kei kay Arianne at masuyong hinaplos ang pisngi nito. "Hindi, eh. Pero puwede kang gumawa ng snow man at kung anu-ano pa."

Lumabi ito. "Gusto kong makahawak ng snow."

He chuckled. "Paborito mo talaga ang snow, ah?"

She giggled and he couldn't help but be mesmerized by her laugh. "Of course! Ang ganda-ganda ng snow, eh. Sana mag-snow naman dito sa Pilipinas."

Habang nakatingin siya sa cute na cute na si Arianne ay napagtanto niyang unti-unting nahuhulog ang loob niya sa kaibigan. Gusto niyang ibigay ang lahat ng hilingin nito. Gusto niyang makitang lagi itong nakangiti.

Sa murang edad niya ay alam niyang hindi na lamang isang kaibigan si Arianne sa kanya. Pero kailangan niya itong supilin dahil hindi niya kakayanin kapag nawalan siya ng isang mahalagang tao sa buhay niya.

Hindi niya kaya...

DAHAN-DAHAN na nilapitan ni Kei si Arianne na natutulog sa kama nito. Si Ashleigh ay nasa may sala at hinayaan siyang mag-isa kasama si Arianne. Umupo siya sa gilid ni Arianne at dahang-dahang ginagap ang kamay nito. Isang magaang halik ang iginawad niya sa noo ni Arianne na palagian niyang ginagawa noon kapag nagkakasakit ito.

Unti-unting dumilat si Arianne at kaagad na tumutok sa kanya ang paningin nito.

"Kei, you're here," anito sa malat na tinig. Itinaas nito ang libre nitong kamay at hinaplos ang kanyang pisngi na tila ba nais nitong makasiguro na hindi ito nagdedeliryo o nananaginip lamang.

Lucky We're In Love (Tennis Knights #6) (Published under PHR)Where stories live. Discover now