Kabanata 12

1.2K 71 7
                                    

Kabanata 12


"ASH, PUWEDE ba akong humingi ng pabor sayo?" mahinang ani Arianne sa kaibigan niyang si Ash. Hinintay niya munang magsialisan ang iba pang miyembro ng Journalism Club bago niya tinawag ang kaibigan.

"Sure. Ano ba 'yon?"

Iniikot niya muna ang paningin sa paligid upang makasiguro na walang taong makakarinig sa sasabihin niya. "I want to change my topic for our school paper."

"What? Pero—"

"Sshh! Hindi naman literal na papalitan. What I mean is, hindi na apat ang ilalagay kong tao sa article ko. Isa na lang."

Tila kumislap ang mata ni Ash nang marinig ang sinagot niya. "Si Kei na lang?"

Atubiling tumango siya. Nagulat siya ng biglang nagtatalon si Ash na tila nanalo ito sa pustahan. "Problema mo?"

"Sabi ko na may something sa inyo ni Kei, eh. Ang galing ko talaga, shet!"

Naguguluhang tiningnan niya ang kaibigan. "Anong—"

"Ako nang bahala sa article mo. Kahit about kay Kei ang ipasa mo, ayos lang. Leave it to me. Sige, lumabas ka na. Naghihintay na sa 'yo sa labas ang prince charming mo."

Biglang bumilis ang tibok ng puso niya. Binilisan niya ang pagliligpit ng gamit at nang matapos ay hindi na siya nag-abala pang tingnan si Ash. Sa kilos nga niya ay tila ba hindi sila nagkita kanina lamang ni Kei. Sandali lamang silang hindi nagkita pero gustong-gusto na niya kaagad itong makita at makausap.

Papaano niya nakayang mabuhay ng limang taon na malayo dito? Hindi niya alam.

Pagkalabas na pagkalabas niya ng club office ay bumungad sa kanya ang pigura ni Kei. Kaagad na sumilay ang matamis na ngiti sa labi niya pagkakita sa lalaki. Dinig na dinig niya ang lakas ng pintig ng puso niya at hindi na siya magtataka pa kung maging si Kei ay naririnig na rin iyon ngayon.

Nilapitan siya ni Kei at kinuha ang hawak-hawak niyang mga libro. Itinaas nito ang libre nitong kamay at pinunasan ang namuong pawis sa kanyang noo. "Tired?" anito sa masuyo at malumanay na tinig.

She smiled cheekily at him. "Nope. Why are you here?"

Ngumiti si Kei sa kanya kasabay nang pagkislap ng mata nito sa likod ng suot nitong salamin. Alam niyang may kung anong tumatakbo na naman sa isip nito ngayon. "May ipapakita ako sa 'yo."

Kaagad nitong ginagap ang kamay niya at inakay na siya paalis ng SVU. Isang maluwang at buhay na ngiti ang lumitaw sa labi niya habang nakatingin sa magkahugpong nilang kamay.

Perfect fit, ika nga.



HINDI maiwasang magtaka ni Arianne habang nakatingin sa pinagdalhan sa kanya ni Kei. Sa rooftop ng isang building siya nito dinala. Hindi niya napansin ang pangalan ng building na pinagdalhan sa kanya dahil mabilisan siya nitong inakyat dito. Pero ang hula niya ay kakilala ni Kei ang may-ari nitong gusali na ito dahil hinayaan itong makapasok doon ng walang tanong-tanong.

"Kaninong building ito, Kei?" hindi niya napigilang tanong kay Kei.

"Sa Tennis Knights."

Nanlaki ang mga mata niya sa isinagot nito. Magaling siyang mag-research pero hindi niya nalaman ang tungkol dito. Alam niya ang mga background ng bawat miyembro ng Tennis Knights pero hindi niya alam na may sarili na palang gusali o kompanya ang mga ito.

"Wow! Ang galing niyo naman. Sinong acting CEO dito?"

"Si Chase."

"Ang galing naman ni Chase."

Lucky We're In Love (Tennis Knights #6) (Published under PHR)Where stories live. Discover now