Kabanata 9

1.3K 68 8
                                    

Kabanata 9


"MAHAL kita, Kyohei."

Napabuga ng hangin si Kyohei at binalingan ang umistorbo sa pagbabasa niya. Hindi niya kilala kung sino ang babaeng ito at wala siyang balak alamin kung sino ito. Isang tao lamang ang mahalaga sa buhay niya ngayon.

Si Yannie lamang.

May iniabot na isang kahon na hugis puso ang babae sa harapan niya subalit hindi niya iyon kinuha. Nakita niya ang pamumuo ng luha sa mata nito bago ito umupo sa silyang katapat niya. Inilapag nito ang box sa harapan niya.

"Mahal na kita noon pa, Kyohei. Hindi lang ako makalapit kasi nahihiya ako sa 'yo. Pero mahal na mahal talaga kita."

Tila biglang nanakit ang kanyang batok. Inayos niya ang kanyang salamin sa mata at tiningnan ng diretso sa mata ang babae. "I'm sorry but I'm in love with someone else."

"Siya ba?" tanong nito habang ang paningin ay lagpas sa balikat niya.

Lumingon siya at nakita niya ang nakatalikod na pigurang iyon, isang pamilyar na pigura. Mabilisang sinamsam niya ang mga gamit at nilapitan ang babaeng nakatalikod.

Ito lamang ang tanging babaeng pinapahalagahan niya ngayon. Ang tanging babaeng tinatanggapan niya ng tsokolate tuwing Valentines Day.

Si Yannie.

Hindi mahalaga para sa kanya ang opinyon ng ibang tao sa kanya. Ang mahalaga ay ang opinyon ng babaeng ito. Mas gugustuhin pa niyang saktan ng paulit-ulit ang sarili kaysa mawala sa kanya si Yannie.

Ganyan niya kamahal ang kaibigan niya.



INILIBOT ni Arianne ang paningin sa pinagdalhan sa kanya ni Kei. Sinundo siya nito sa labas ng club office nila at sinabing may oras daw ito para sa interview niya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin binabanggit ni Kei ang tungkol sa tape recording. Hindi na nito iginigiit na ibigay niya rito ang tape recording.

Inalis na niya sa isip niya ang recording. Ang mahalaga sa kanya sa mga oras na iyon ay nakakasama niyang muli ang kanyang first love and first heartbreak. Hindi na muna niya iisipin ang tungkol sa tape recording, ang tungkol sa pamba-basted nito sa kanya, ang tungkol sa narinig niyang pakikipag-usap nito kay Polo. Pagtutuunan niya nang pansin ang mga sandaling makakasama niya si Kei. Dahil alam niyang hindi na mauulit ang mga sandaling ito.

Sa oras na makuha ni Kei ang pakay nito sa kanya, walang pag-aatubiling iiwan siya nito—gaya ng pag-iwan nito sa kanya noon. Doon naman palagi babalik ang lahat, hindi ba? Noong hindi siya nito nilapitan pagkatapos nitong ipamukha sa kanya na kaibigan lamang siya para dito.

Kaya habang kasama niya si Kei, gagawa na siya ng maraming alaala sa pagitan nila. Pero hindi niya hahayaang mahulog ng labis-labis ang damdamin niya sa lalaki. Dahil kapag lalo niyang minahal si Kei, grabeng sakit ang mararamdaman niya sa oras na maghiwalay silang muli.

Napaka-cynic niya pero iyon ang panangga niya sa sakit.

"Anong gagawin natin dito, Kei?" nagtatakang tanong niya sa lalaki.

"Kakain," simpleng sagot nito. "Alam kong paborito mo pa rin ang pancakes hanggang ngayon."

Sa isang pancake house siya nito dinala. Simula pa noong bata siya at paborito na niya ang pagkain ng pancake. Kaya niyang mabuhay na iyon lamang ang kinakain. Natatandaan pa nga niya na pinagluluto siya noon ni Kei ng pancake dahil lamang sa gusto niya.

Na-miss niya iyong mga sandaling iyon. Iyong lihim pa ang pagmamahal niya sa lalaki noon.

Natutuwa siyang malaman na hindi pa rin pala nakakalimutan ni Kei ang paborito niyang pagkain. Siguro sa iba ay napakababaw niya pero malaking bagay na iyon sa kanya. Iba ang hatid na saya sa puso niya sa kaalamang naaalala pa rin siya ni Kei kahit papaano.

"Naaalala ko pa 'yung pinagluluto kita ng pancakes noon. Kahit palpak ang luto ko, sige ka pa rin sa pagkain," narinig niyang wika ni Kei.

Nang tumingin siya dito ay nahuli niyang nakatingin din ito sa kanya. Nang nagtapo ang paningin nilang dalawa, may nabasa siyang emosyon sa mata nito na hindi niya matiyak kung ano. Was it sadness? Longing? Pain? Guilt?

"Kahit gaano kapalpak ang luto ko, ako pa rin ang gusto mong nagluluto ng pancakes mo," pagpapatuloy ni Kei.

Napangiti siya habang nakatitig sa kaibigan. Naaalala pa nga niya ang mga araw na iyon. Iyon ang paraan niya nang paglalambing kay Kei. Paraan din niya iyon upang iparamdam sa sarili na may halaga siya sa kaibigan. Insecure siya noon pa man pagdating kay Kei dahil nga mahal niya ito. Natatakot siyang mawala ito sa kanya at maagaw ng ibang babae.

"Ang dami mo pa ngang arte n'on, eh. Kunwari ka pang ayaw magluto pero sige naman ang pagluluto mo," nakangiting aniya at bahagyang natawa ng maalala ang mga kalokohan nila ni Kei noon. "I missed it," hindi niya napigilang bulalas.

"I missed it, too," ani Kei at ginagap ang kamay niyang nakapatong sa mesa at pinisil iyon.

Tila may milyung-milyong boltahe ng kuryente ang dumaloy sa katawan niya dahil sa simpleng pagdaop ng palad nila. The sensation was so overwhelming. Palagian itong nangyayari pero napapapitlag pa rin siya sa gulat.

Nararamdaman din kaya ni Kei ang "spark" na ito?

Gusto niyang pagdudahan ang sinabi ni Kei na na-miss din nito ang mga pinagsamahan nila pero nang mapatingin siya sa mata nito, tila ba gusto niyang maniwala na nagsasabi ito ng totoo. The tenderness she saw on his eyes seemed so real. It was as if he missed her for real.

Hindi naman siguro masamang mangarap na totoo ang sinasabi ni Kei, di ba?

Hindi na siya nakasagot pa dahil dumating na ang in-order nila. Simpleng clubhouse lamang ang in-order ni Kei habang limang patong ng banana cheese pancakes ang in-order nito para sa kanya na may chocolate na syrup. Alam pa nga nito ang paborito niya dahil maging ang syrup ay tama!

Bago pa siya makakilos ay naunahan na siya ni Kei. Ito mismo ang nagbuhos ng chocolate syrup sa pancake niya at ito rin mismo ang naghiwa sa pancake niya. Napangiti siya at inilibot ang tingin sa pancake house. May nakita siyang mag-kasintahan at asikasong-asikaso ng lalaki ang babaeng kasama nito. Ganito rin ba ang hitsura nila ni Kei ngayon? Mukha rin ba silang magnobyo?

Tila nasiyahan ang puso niya sa kaisipang iyon. Kung maaari lamang sanang maging totoo iyon.

"Kain na," ani Kei sa kanya nang manatili siyang nakatitig sa lalaki.

Ngumiti siya ng matamis, "Itadakimasu," anita na salitang Nihonggo na palaging sinasabi ng mga Japanese bago kumain. Si Kei ang naturo sa kanya ng mga basic words sa nihonggo.

Kumislap ang mata ni Kei at sa pagkagulat niya ay tumingkayad ito at magaang pinisil ang kanyang pisngi. "Hai, itadakimasu."

Enjoy na enjoy siya sa pagkain ng pancake nang mapansin ang excess na mayonnaise sa gilid ng labi ni Kei. "Psst, Kei. May mayonnaise ka dito, oh," aniya at itinuro ang parte na may mayonnaise.

Napahagikgik siya ng pilit inaalis ni Kei ang mayonnaise gamit ang dila nito pero hindi nito iyon magawa-gawa. Hindi pa rin pala nagbabago ang habit nitong iyon. Ganito rin ito kahit noon pa.

Umiiling na tumingkayad siya at pinunasan gamit ng tissue ang gilid ng labi nitong may mayonnaise. "Ako na nga," aniya habang may ngiti pa rin sa labi.

Tutok na tutok ang pansin niya sa gilid ng labi ni Kei at nang bahagyang nadaiti ang daliri niya sa malambot nitong labi ay kaagad na dumako doon ang paningin niya. She could easily drop her head and stole a kiss from him but she held herself. Babae siya at hindi siya dapat magnakaw ng halik!

Kung hindi pa tumikhim si Kei ay hindi siya matatauhan. Namumula ang pisngi na umayos siya ng upo. "Ah, malinis na ang face mo. Kain na tayo ulit," aniya at itinutok na ang pansin sa pancake sa kanyang harapan.

Dahil nakayuko ay hindi niya nakita ang makahulugang ngiti sa labi ni Kei. Hindi rin niya nakita ang kislap sa mata nito, kislap na sanhi ng kilos niya, ng presesya niya.

Lucky We're In Love (Tennis Knights #6) (Published under PHR)Kde žijí příběhy. Začni objevovat