Kabanata 18

1.3K 67 16
                                    

Kabanata 18


MUGTO na ang mga mata ni Arianne subalit ang mga luha niya ay wala pa rin tigil sa pagpatak. Kagabi pa walang tigil sa pagpatak ang mga luha niya. Kahit anong pigil niya ay patuloy iyon sa pagpatak na tila may sariling buhay.

Kahit ang pamilya niya ay walang nagawa upang patahanin siya. Sa hapunan ay tahimik siya at hindi kumikibo. Alam kasi niyang kapag nagsalita siya, aagos lamang ang luha sa mga mata niya.

Napaka-pathetic niya. Iniiyakan niya ang lalaking niloko at ginamit lamang siya pero hindi niya iyon maiwasan. Hindi ba't noong umpisa pa lamang ay naisip na niya ito? Na nilalapitan lamang siya ni Kei para sa tape recording? Pero kahit na naisip niya iyon noong una, grabe pa rin ang sakit sa puso niya ngayon dahil naramdaman niya kay Kei na totoo ang pag-ibig nito sa kanya.

Nakita niya sa mata nito na mahal siya nito, na mahalaga siya sa lalaki. Naramdaman niya ang pagmamahal nito. Naniwala siya sa mga sinabi nito. Siguro iyon ang dahilan kung bakit tila doble ang sakit sa puso niya. Dahil kahit ilang beses niyang ulit-ulitin sa sarili na niloko lamang siya ni Kei, ayaw maniwala ng puso niya. Patuloy na nananalig ang puso niya sa mga pinakita sa kanya ni Kei noong magkasintahan sila.

Tanga ang puso niya, martyr. Pero ganoon yata talaga kapag nagmamahal. Hindi mo mapipigilang umasa at magpakatanga.

Mula sa pagkakahiga sa kama ay umupo siya at binalingan ang mga snow globe sa kanyang estante. Sa susunod na buwan, makakatanggap kaya siya ulit ng ganito? Pero ayos lamang kahit hindi siya makatanggap. Basta ba babalik si Kei sa kanya.

Napatingin siya sa dalawang papel na nakapatong sa drawer. Ang isa doon ay iyong dedication paper na pilit niyang pinagawa kay Kyohei noong bago sila magtapos five years ago. Sinubukan niyang itapon iyon subalit hindi niya magawa. Masyado niyang mahal ang lalaki para itapon iyon.

Napaiyak na naman siya. Tila ba hindi siya ang Arianne na matapang at palaban noon. Tila nawalan siya ng lakas para lumaban. Hindi siya pumasok noong araw na iyon dahil alam niyang lalo lamang niyang sasaktan ang sarili kapag pumasok siya. Kapag nakita niya ang mga pamilyar na lugar sa SVU, maaalala lamang niya iyong mga sandaling magkasama sila ni Kei. Iyong mga sandaling inakala niyang minahal siya nito.

Sa totoo lang, nawalan siya ng ganang um-attend sa graduation rites bukas. Kung tutuusin, parang naulit iyong nangyari sa pagitan nila ni Kei five years ago. Pero mas masakit ngayon ang nangyari sa kanya.

She had him only to lose him in the end.

"Hindi na nakakatuwa ang pag-iyak-iyak mo r'yan, Arianne Aileen Roque! Damn it! Hindi ka na ba hihinto sa pag-iyak?"

Napatingin siya sa pinagmulan ng tinig na iyon. Nakasandal sa pintuan ang Kuya Alexis niya habang nakahalukipkip. Seryoso ang mukha nito habang nakatingin sa kanya. Iniwas niya ang paningin sa kapatid at itinago ang mukha sa kamay habang patuloy sa pag-iyak.

"He's not worth your tears, Arianne. Stop crying like a pathetic loser!"

"He's worth the tears, Kuya! I don't care if I'm being a pathetic loser. Nagmahal lang ako," mahinang aniya.

Naramdaman niya ang paglundo ng kama sa kanyang tabi. Naramdaman niya ang paghagod nito nang marahan sa kanyang likuran at hindi niya maiwasang lalong mapaiyak. "Ah, I'm not good at this, damn it! Just do what your heart told you to do, okay? Believe what your heart says."

"What your brother was trying to say in his wonderful way is that; follow your heart where it leads you. Hindi ka ililigaw ng puso mo."

Mula sa pagkakayuko ay nilingon niya ang panibagong tinig na nagsalita. Si Ashleigh.

"Sumusuko ka na ba?" ani Ash sa malumanay na tinig.

"I don't know. Ang alam ko lang, nasasaktan ako ngayon."

Naramdaman niya ang mahinang pagbatok sa kanya ng kuya niya. "Yes or No lang sagot, Arianne. Sumusuko ka na ba? Kung oo, then forget that bastard who've hurted you. Kung hindi ka pa sumusuko, then stop crying for Pete's sake! Hindi ibabalik ng luha mo ang gunggong na lalaking iyon!"

"Pero kuya—"

"No buts, Arianne. Isipin mo, ano bang gusto mong gawin ngayon? Layuan ulit si Kei? Iwasan siya? O sundan siya? Nasa iyo ang desisyon, Arianne. Kahit pilitin kitang puntahan si Kei, kung ayaw mo, walang mangyayari. Naiintindihan mo ako?"

"Hindi lahat nabibigyan ng second chance, Arianne. Isipin mo, Kei should be in Japan right now pero nandito siya sa Pilipinas. Bakit? Dahil sa iyo. Naka-set na sa Japan siya magka-college, hindi ba? Bakit hindi siya tumuloy? Dahil sa 'yo. Wala bang dahilan iyon? Wala bang ibig sabihin iyon?" ani Ash at bahagya siyang niyugyog.

"Siya dapat ang lumapit sa akin, Ash! Siya ang lumayo at bumitiw sa akin, siya ang dapat humawak muli sa kamay ko."

"Love isn't about who did wrong and who should do the right move. It's about fighting for your feelings no matter how much you've been hurt, because well, you're in love," tila matandang wika ni Ash sa kanya. "Baka wala ka nang third chance kapag nagpabaya ka, Arianne. Hindi mo na makakasama si Kei. Hindi mo na mahahawakan ang kamay niya. Hindi mo na mararamdaman ang makulong sa yakap niya. Makakaya mo ba 'yon?"

Muling nagpatakan ang luha sa kanyang mata. Hindi niya kaya iyon. Ngayong naramdaman niya kung papaano mahalin ng isang Kyohei Sawada, hindi niya alam kung makakaya pa niyang mabuhay nang wala ang pagmamahal na iyon. Hindi niya kaya.

Noong tinanong ni Ashleigh kung sumusuko na siya. Sumigaw kaagad ang puso niya ng, "No." Hindi niya gustong sumuko. Makakaya ba niyang lumaban gayong sugatan siya?

May iwinagayway sa harapan niya si Ash. Ang school paper nila kung saan nakalagay ang ginawa niyang article para kay Kei. "Alam mo ba ang sinabi ni Mrs. Pengpengko n'ong nabasa niya ang article mo? "Arianne's very lucky to find someone to love and who will love her in return. She conveyed both their feelings on this article. Very nice." 'Yan 'yung sinabi niya sa akin. See, Arianne? Naramdaman mong minahal ka rin ni Kei kaya nagawa mong ganito ang article mo. Maybe, he has reasons to say those words to you. Just... don't give up on love."

Marahang hinaplos ng kuya niya ang kanyang ulo. Iyon ang parati nitong ginawa noong maliit pa lamang siya. "You know the best medicine for the pain on your heart? Si Kei."

Niyakap niya ang kapatid at umiyak nang umiyak sa balikat nito. Noong umpisa pa lamang ay alam niyang masasaktan lamang siya pero sumige pa rin siya. Dahil mahal niya si Kei at alam niyang worth it si Kei sa lahat ng sakit na mararamdaman niya. Ngayon pa ba siya magsisisi? Ngayon pa ba siya hihinto?

She has never been torn on her whole life, ngayon lamang. Ang isip niya ay nagsasabing tama na, sumuko na siya, wala na siyang mapapala. Pero matigas ang pagtutol ng puso niya. Gusto ng puso niyang lumaban siya, na magpakatatag siya.

At kailan ba niya sinunod ang isip niya? Never.

Lucky We're In Love (Tennis Knights #6) (Published under PHR)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu