Kabanata 17

1.3K 74 12
                                    

Kabanata 17


NAPAPANGITI si Kei habang binabasa ang "dedication paper" na isinulat ni Yannie para sa kanya. Ilang ulit na ba niya itong binasa simula noong binigay nito iyon sa kanya noong nasa library sila pero hindi pa rin siya nagsasawa.

Memoryado na nga niya ang mga salitang nakasaad doon sa sulat nito sa kanya.

Kyohei,

            Ang dami kong gustong sabihin sa 'yo na hindi ko masabi sa personal kasi nahihiya ako. Una, thank you. Alam ko most of the time brat ako, matigas ang ulo at makulit. Pero nanatili ka sa tabi ko at pinagtatiyagaan ako. Hindi mo ako iniwan bagkus ay inintindi mo ako at sinakyan ang trip ko sa buhay. Thank you for that. Tama ka. Hindi ko kailangan ng maraming kaibigan dahil ikaw lang ay ayos na.

            Sorry kung palagian ko na lamang pinasasakit ang ulo mo. Paraan ko lang 'yon ng paglalambing. Natatakot kasi akong palitan mo ako sa buhay mo, eh. Natatakot ako na baka paggising ko isang umaga, pinatapon mo na si "Yannie" sa buhay mo.

            Sa graduation natin sa isang araw, alam ko baka magkahiwalay na tayo. Malungkot pero part 'to ng paglaki natin. Basta, kahit saan ka magpunta, palagi mong tandaan na may "Yannie" na handang yumakap sayo dito sa Pilipinas kapag sawa ka na sa Japan.

            I love you, Kyohei.

P.S: May sasabihin ako sa 'yo bukas. Importante :)

Yannie



MARAHAS na hinagod ni Kei ang kanyang buhok at hinubad ang kanyang salamin sa mata. Kanina pa masakit ang ulo niya dahil sa puyat at labis na pag-iisip. Idagdag pa ang sakit sa puso niya dahil sa nangyari kahapon sa pagitan nila ni Arianne.

Ngayon ay nasa locker room siya at nagpapalipas ng oras. Ang ibang kaibigan niya ay nasa open court at naglalaro ng tennis bilang pampalipas ng oras. Wala siya sa mood maglaro kung kaya't nakuntento na siya sa pagtambay dito habang ang isip ay na kay Arianne.

Hindi na nga niya gustong pumasok ngayong araw dahil kahit saan siya lumingon dito sa SVU, tila nakikita niya si Arianne. Tila nakikita niya iyong mga sandali na magkasama sila sa kung saang-saang parte dito sa SVU. Kahit saan siya lumingon ay may naglalarong alaala sa kanyang isip at puso. Hindi niya tuloy maiwasang masaktan.

Magkagayunman ay pumasok pa rin siya. Dahil sa sulok ng puso niya, gusto niyang makita si Arianne. He was a fool for letting her go and at the same time, waiting for her. Isa siyang tanga, bobo, idiot, imbecile at moron.

Muli ay nagsinungaling siya sa dalaga. Lahat ng mga binitawan niyang kataga dito kahapon ay pawang kasinungalingan lamang. Hindi totoong ginamit niya lamang ito. Hindi totoong hindi niya ito mahal. Hindi totoong niloko niya ito. Pero ginawa niya ang lahat ng iyon para na rin sa kanilang dalawa ni Arianne.

Para sa sarili niya upang hindi na siya umasa at masaktan pa. Para kay Arianne upang hindi na ito mahirapan pang makipagkalas sa kanya kapag nakuha na nito ang premyo nito sa mga kaibigan nito dahil sa pustahan.

Pero kagabi pa siya nalilito. Hanggang ngayon ay umuukit pa rin sa isip niya ang mukha ni Arianne, ang mukha nito na puno ng hinanakit, sakit at pagdaramdam. Hindi siya nakatulog habang paulit-ulit na umuukil sa isip niya ang mga salitang binitawan nito.

Isang napakagaling na artista ni Arianne dahil halos maniwala na siya kahapon sa acting nito. Nang makita niya ang pamumuo ng luha sa mata nito, gusto na niya itong yakapin at bawiin ang lahat ng sinabi niya. Nang makita niya ang sakit sa mata nito, gusto na niyang saktan ang sarili upang makaganti sa ginawa niyang pananakit dito.

Lucky We're In Love (Tennis Knights #6) (Published under PHR)Where stories live. Discover now