Kabanata 16

1.2K 62 22
                                    

Kabanata 16


HINDI maiwasang kabahan ni Arianne habang nakatingin sa tahimik na si Kei. Nagtataka siya kung anong problema ng isang ito. Noong isang araw pa ito tahimik at walang kibo. Kapag tinatanong niya ito ay palaging one-liner ang mga sagot nito. Nagsimula ang pagbabago nito noong nanggaling ito sa Journalism Office. Nang tanungin niya naman ito ay pawang iling lamang ang sagot nito.

Napapansin niya ang pagbabago ng pagtrato nito sa kanya. He became aloof and distant to her. Nawala ang dating init ng hawak at yakap nito at napalitan ng panlalamig. May nagawa ba siyang kasalanan dito kung kaya't ganito ang trato nito sa kanya?

Hindi na ba siya nito... mahal?

Namuo ang luha sa kanyang mata at huminga nang malalim upang alisin ang tila bara sa kanyang lalamunan. Natatakot siya sa nangyayaring pagbabago ng pagtrato ni Kei sa kanya. Labis-labis ang takot sa puso niya. Idagdag pa ang pangamba at pagtataka.

"Kei, may problema ba?" nananantiyang tanong niya sa nobyo.

Umiling lamang ito at nanatiling nakatitig sa mini notebook nito.

"Alam kong may problema, Kei. Bakit hindi mo sabihin sa akin?" pagpupumilit niya at hinawakan ito sa braso.

Isang singhap ang namutawi sa labi niya nang marahas itong pumiksi mula sa pagkakahawak niya. Ang tinging ibinigay nito sa kanya ay mas malamig pa sa yelo.

"I said I'm okay," seryosong anito sa kanya.

Yumuko siya upang itago ang pamumuo ng luha sa mata. Hindi niya gustong umiyak dahil baka lalo lamang itong magalit sa kanya. Kinalkal niya ang bag upang hindi nito mahalata na pinipigilan lamang niyang umiyak. Napahinto siya nang mapansin ang school paper sa bag niya.

Dagli niya iyong inilabas at iniabot kay Kei. "Ito na pala 'yong last issue for this school year. Nandito 'yong interview ko sa 'yo."

Hindi ito kumibo. 'Ni hindi ito nagtangkang abutin sa kanya ang diyaryo. 'Ni hindi siya nito tiningnan!

Pigil ang paghikbi na ipinatong niya sa bag nito ang diyaryo at kaagad na tumayo. "Teka, may nakalimutan ako sa classroom ko. Sandali."

Hindi na niya hinintay na tumugon si Kei at may pagmamadaling iniwan ito. Habang lakad-takbo ang ginawa niya ay dire-diretso na sa pagpatakan ang luha sa magkabila niyang pisngi. Nasasaktan siya sa inaakto ni Kei sa mga oras na iyon. 'Ni hindi siya nito magawang tingnan ng diretso sa mata.

Tila ba hindi ito ang Kei na minahal at ang Kei na nakasama niya noong mga nakaraang araw.

Anong nangyari para magbago ito ng ganoon?

Tila may pumipisil na kamay na bakal sa puso niya pero tiniis niya iyon. Hindi niya magawang basta-basta bitawan na lamang si Kei. Mahal na mahal niya ito.

Pero nasasaktan na din naman ako...




NASUNTOK ni Kei ang batong kinauupuan niya habang nakatingin sa tumatakbong pigura ni Arianne. Alam niyang nasaktan niya ito. Kitang-kita niya ang pagpipigil nitong umiyak sa harapan niya. Gustung-gusto niyang paniwalaan na totoo ang nakikita niya, na totoo ang pinapakita nito pero natatakot siya.

Natatakot siyang ma-disappoint at masaktan sa huli kapag nalaman niyang pagpapanggap lamang ang lahat.

Inalis niya ang salamin sa mata at pinisil nang mariin ang mata. He could feel and hear the slowly tearing of his heart as he looked at Arianne's retreating form. He wanted to stop her from leaving but he held himself. Mas sasaktan lamang niya ang sarili kapag ginawa niya iyon.

Lucky We're In Love (Tennis Knights #6) (Published under PHR)Where stories live. Discover now