Kabanata 5

1.4K 65 8
                                    

Kabanata 5


"SABI ni Kuya, kakain kami sa labas para i-celebrate 'yong birthday ko. Ayos lang naman kasi sa akin kahit hindi kami sa labas kumain, eh. Pero sana, kumpleto kami. Tapos ngayon, siya, wala," nakalabing sumbong ni Arianne sa kaibigan niyang si Kyohei. Alam niyang nag-aasal bata siya pero sa taong ito lamang siya nakakaarte ng ganito.

Kasalukuyan silang nasa kuwarto niya. Nang malaman niya kasing wala ang kuya niya ay dito kaagad siya naglungga sa kuwarto niya. Sinundan siya marahil ni Kyohei para kausapin.

Marahang hinaplos ni Kyohei ang pisngi niya at bahagyang ginulo ang buhok niya na tila ba mas matanda ito sa kanya ng ilang taon gayong magka-edad lamang sila.

"Intindihin mo na lang ang kuya mo, Yannie. Graduating na siya kaya marami siyang inaasikaso ngayon."

"Graduating din naman tayo pero hindi tayo gan'on ka-busy," pangangatwiran niya.

"Iba kasi 'yung sa kuya mo. Siya, college na. Tayo, high school pa lang. Ayaw mo bang i-celebrate ang birthday mo kasama ko?"

Matigas ang pag-iling niya. "Gusto. Halika na nga, sa baba na tayo. Pasensya na sa pagta-tantrums ko."

Ngumiti si Kyohei at magaan siyang hinalikan sa noo. "Ayos lang."

Kinilig siya dahil sa halik na ginawad nito sa kanya. Kahit na ba pagmamahal bilang kaibigan lamang ang maibibigay ni Kyohei sa kanya ay sapat na iyon sa kanya.

Iyon ang akala niya...



HINDI mapakali si Arianne habang nakatingin kay Kei. Dito sa rooftop ng main building siya nito dinala. Bibihira ang mga estudyanteng pumupunta sa lugar na ito. Nakakapagod naman kasi talagang akyatin ang rooftop na ito.

Iniiwas niya ang paningin kay Kei nang mapansing titingin ito sa kanya at ibinaling na lamang sa kalangitan ang tingin. She didn't know why but she felt a sudden feeling of contentment while she was with Kei right now. Suddenly, she missed those times they have shared together. Those times when everything wasn't complicated because of love.

"I want you to give me the recording, Yannie," pukaw ni Kei sa pag-iisip niya.

Kaagad niyang ibinaling sa lalaki ang pansin. Nakasandal ito sa barbed wire at nakasuot ang magkabilang kamay sa bulsa ng pantalon nito. Nililipad ng hangin ang buhok nito at ang mata nito ay nakapokus sa kanya.

"Ayoko," simpleng sagot niya at itinaas ang mukha upang ipabatid sa lalaki na seryoso siya.

Napabuga ng hangin si Kei. "Ayokong madamay ka sa gulong ito, Yannie."

May kung anong humaplos sa puso niya nang marinig ang pag-aalala sa tinig nito subalit kaagad din niya iyong inalis sa puso niya. Umaarte lamang si Kei, iyan ang sinusuksok niya sa utak niya. Gusto nitong palabasin na concern ito sa kanya upang ibigay niya dito ang recording niya. As if naman maloloko siya nito.

Sa loob ng limang taong nakalipas ay hindi siya nito nilapitan. They treated each other like strangers. Tapos ngayon, kaya ito nagpapakita ng concern ay dahil sa alam niya ang lihim nito. Hah! Alright, iniwasan niya ang lalaki pero maging ito rin naman ay iniwasan siya. Tapos ngayon ay lalapitan siya nito?

Pero bakit may kirot sa puso niya sa kaalamang lumapit lamang sa kanya si Kei dahil sa sikreto nito? Bakit nasasaktan siya sa kaalamang hindi siya lalapitan ni Kei kung hindi pa sa lintek na tape recorder na ito? Dahil ba gusto niyang lapitan siya nito dahil gusto nito at hindi dahil may balak ito?

Umiling siya at napabuga ng hangin. "Hindi ko naman talaga isusulat ang mga narinig ko. I don't know but I believe there's something behind your moves. Call it instinct pero naniniwala akong may dahilan kung bakit mo 'to ginagawa," aniya sa sinserong tinig na may bahid din ng pagtataka.

Hindi niya alam kung pagkabigla o hindi pagkapaniwala ang dumaan sa mukha ni Kei. Pero mayamaya ay sumilay ang ngiti sa labi nito. Iyong ngiting palagian nitong ibinibigay sa kanya noon. Ngayon niya napagtanto kung gaano niya na-miss ang ngiti nito. Ngayon niya napagtanto kung gaano niya na-miss ang lalaking ito.

"I missed you, Yannie," ani Kei sa kanya at sa pagkabigla niya ay bigla siya nitong hinapit papalapit sa katawan nito. Pinulupot nito ang magkabila nitong braso sa beywang niya at isinubsob ang mukha nito sa buhok niya.

Isinubsob niya ang mukha sa dibdib nito habang namumuo ang luha sa kanyang mata. She inhaled his scent. She missed this. She missed being enclosed into his arms. Pero hindi ito tama. Masyado nang matagal ang limang taon para maibalik pa nila ang dati nilang pagkakaibigan.

Pero bakit pakiramdam niya ay tama lamang na makulong siya sa yakap nito? Bakit may bahagi sa puso niya ang nagmamakaawa na hayaang magkalapit silang muli ni Kei? Bakit naguguluhan siya ngayong nasa loob siya ng matatag nitong bisig?

Bumitaw siya sa pagkakayakap ni Kei at lumayo dito ng bahagya. "Hindi mo naman kailangang magsinungaling, Kei. Promise, hindi ko ipagkakalat ang nalaman ko."

Huminga nang malalim si Kei at pumikit. Paglipas ng ilang segundo ay dumilat ito at kaagad na sa kanya tumutok ang mata nito. "I want our friendship back, Yannie."

Ngumiti na lamang siya ng mapait at umiling. "It was too late, Kei. Limang taon na ang lumipas at mahirap nang mag-patch up sa mga nawalang araw. Mas mabuti kung bumalik na lang tayo sa ginagawa natin bago ko narinig iyong hindi ko dapat marinig," aniya at tumalikod na.

Nasa pintuan na siya sa rooftop nang marinig niya ang isinigaw ni Kei. "I want you back in my life, Yannie."

Namuo ang luha sa mata niya at dire-diretso na ang pag-alis sa lugar na iyon. Bakit ganito ang nararamdaman niya? Tila may kamay ang humawak sa puso niya at pinisil iyon ng mariin?

Tsk! School paper ang may kasalanan nito, eh. 'Asar!

Lucky We're In Love (Tennis Knights #6) (Published under PHR)Where stories live. Discover now