Kabanata 3

1.5K 67 17
                                    

Kabanata 3


"HI, ARIANNE!"

Napakunot ang noo ni Arianne nang marinig ang tinig na bumati sa kanya. Mula sa kanyang binabasang libro dito sa school garden ay iniangat niya ang kanyang paningin. Bumulaga sa kanya ang nakangiting mukha ng muse ng backetball team dito sa Holy Cross, si Reese. Nagtaka siya kung bakit siya nito nilapitan dahil ganoon na lamang kung irap-irap siya nito ever since.

"Bakit?" nagtatakang tanong niya.

"Puwede bang makipagkaibigan sa 'yo? I know you're plain and simple compared to me na maganda, sikat at sexy pero gusto pa rin kitang maging kaibigan. You should be proud, right?" nakangising anito sa kanya.

Tila nagdilim ang paningin niya nang marinig ang sinabi nito. Nakikipag-kaibigan ito sa kanya pero harap-harapan naman siya nitong nilait? Magaling, ah.

"Alam mo Reese—" naputol ang kanyang pagsasalita nang maramdaman ang mainit na palad sa kanyang balikat. Hindi man niya lingunin kung sino iyon ay alam niyang si Kyohei iyon.

"She doesn't need a pretentious friend like you so go away," seryosong ani Kyohei kay Reese.

Namula ang buong mukha ni Reese at patakbo silang iniwan. Kaagad namang umupo si Kyohei sa tabi niya at inakbayan siya. "Hindi mo kailangan ng maraming kaibigan na mapagkunwari, Yannie. Sapat na ang isang totoong kaibigang kagaya ko, right?"

Tumango siya at isinandig ang ulo sa balikat nito. Tama ito, sapat na si Kyohei sa buhay niya. Sobra-sobra pa nga.



TAHIMIK na nagmamanman si Arianne sa palibot ng university gym. Nasabi niya sa sariling itutuloy niya ang nabunot niyang topic pero heto siya, naghahanap ng maaaring maipasa kapalit ng nabunot niya. Oo na, umiiwas na siya pero hindi lamang niya talaga makakayang makasalamuha si Kei. Hindi dahil mahal pa rin niya ito kundi dahil nahihiya lamang siya. Tapos!

May nasagap siyang tsimis patungkol sa grupong Tennis Knights na alam niyang "worth it" isulat sa school paper nila. Mahihilig sa tsismis ang mga estudyante dito sa SVU kaya alam niyang papatok ang isusulat niyang ito. Maganda na rin pamalit itong sinasagap niya.

Ang balak niya ay bilisan ang pangangalap ng impormasyon at tapusin na ito. Hangga't maaari ay iiwasan niyang may makasalamuha sa mga Tennis Knights. Especially that handsome man wearing black-rimmed eyeglasses (and it wasn't Enzo, okay?!).

Ayon sa nasagap niyang tsismis, mayroon umanong nabubuong samahan sa loob ng tennis club na gustong magpabagsak sa Tennis Knights. Sa nasagap niya ay si Polo Navar at Jack Janson ang leader ng "unyon" na iyon. Pero pakiramdam niya ay may mali sa mga nakuha niyang inpormasyon na hindi niya alam kung ano. Her instinct never failed her and when she felt that something wasn't right, something was not really right.

At iyon ang iimbestigahan niya.

Paliko na dapat siya sa ibang daan nang may marinig siyang tinig na nagmumula sa pinakasulok ng gym. Binuksan niya ang kanyang tape recorder at walang ingay na naglakad papunta sa kinaroroonan ng tinig. May nakita siyang dalawang pigurang nakatayo doon. Sumandal siya sa likuran ng matabang poste upang hindi siya makita ng dalawang nag-uusap. Sumilip siya ng bahagya sa dalawang nag-uusap. Ang lalaking nakaharap sa puwesto niya ay si Polo Navar habang ang kausap nito ay hindi niya mabigyan ng pangalan dahil nakatalikod sa kanya ang lalaki.

Isa lamang ang masasabi niya, maganda ang built ng katawan ng lalaking nakatalikod sa kanya. Perfect ten behind!

Talikogenic lang 'yan, Arianne.

"Hindi ba ako sasabit dito?"

"No. Kay Jack Janson ang bagsak ng lahat ng ito."

Naitakip niya ang kanyang kamay sa bibig nang marinig ang tinig na iyon at kaagad na sumandal sa pinagtataguan. Kahit nakapikit siya ay kilalang-kilala niya ang tinig na iyon. Iyon ay walang iba kundi si Kyohei Sawada, ang lalaking hinding-hindi na niya gugustuhin pang makasalamuha ever!

Bakit kausap nito si Polo? Kayraming tanong ang umiikot ngayon sa utak niya at alam niyang masasagot iyon kapag nagtagal siya dito, kapag pinakinggan niya ang pag-uusap ng dalawa.

"Sigurado kang si Jack ang iisipin nilang pasimuno ng pagpapabagsak sa Tennis Knights?" narinig niyang tanong ni Polo.

"Yes. Hindi ka malalagay sa alanganin. Just do your job. Destroy the Tennis Knights."

Nagulat siya sa narinig. Si Kei ay miyembro ng Tennis Knights. Bakit nito gugustuhin na mapabagsak ang Tennis Knights? What happened to him? Hindi ito ang Kei na nakilala niya.

"What—"

"That's it. Go now, Navar."

May narinig siyang papalayong yabag. Pigil ang hininga niya habang pinapakinggan ang yabag. Napahinga siya nang maluwag nang mawala sa pandinig ang yabag. Pinatay na niya ang recording at napangiti. Mukhang ito na ang scoop na hinihintay niya para sa school paper.

"Eavesdropping now, Arianne?"

Nanigas siya sa kanyang kinatatayuan nang marinig ang tinig na iyon mula sa kanyang kaliwa. Nanlaki ang kanyang mga mata nang bumungad sa kanya ang seryoso at nakahalukipkip na si Kei. Akala niya ay umalis na ito pero bakit nandito pa rin ang lalaki? Ang masaklap, nahuli siya nitong nakikinig sa pakikipag-usap nito kay Polo. Patay siya.

"I wasn't eaves—"

"Yeah, right," he scoffed.

"I was just—" napahinto siya sa pagsasalita nang may mapagtanto. Bakit siya natatakot sa lalaking ito? Wala siyang kasalanan. Ito ang dapat kabahan at dapat matakot dahil sa nalaman niya. Ito ang traydor.

Now, why does thinking of Kei being a traitor doesn't feel right?

Iwinaksi niya sa isip iyon at binalingan ulit si Kei. "I heard you and Navar, Kyohei. Ano kaya ang sasabihin nila Enzo kapag nalaman nila na ang pinagkakatiwalaan nilang kaibigan ay tina-traydor sila?"

Something dark crossed his eyes and in a blink of an eye, he was standing so close to her that she could almost feel his breath fanning on her face.

"You're going to talk, Yannie?"

Napapikit siya nang maramdaman ang mainit nitong hininga sa kanyang mukha. His face was so close to her that she was literally breathing his breath. May kung anong kamay ang humaplos sa puso niya nang marinig ang tinawag nito sa kanya.

Yannie.

Si Kei lamang ang bukod tanging tumatawag sa kanya sa palayaw na Yannie. Gaano katagal na ba ang lumipas simula noong may tumawag sa kanya sa palayaw na iyan? At gaano katagal na rin ba ang lumipas simula noong narinig niya ang pangalan mula sa bibig ni Kei? Matagal na rin pala.

Tila nawala ang agiw sa utak niya nang maalala ang nangyari noon. Dumilat siya at tiningnan ng diretso sa mata si Kei. "Yes. I'll write what I heard, Kyohei."

"You will not."

"Try me," nakataas ang noong aniya sa lalaki.

Hinawakan ni Kei ang baba niya at magaang hinaplos ang kanyang pisngi. Something sparked inside her when she felt his soft and gentle touch.

"Mahal mo ako kaya alam kong hindi mo hahayaang mapasama ako."

Kumunot ang noo niya at tinabig ang kamay nito sa baba niya. "'Minahal' is the right term, Kei. Past tense kasi tapos na."

Tumango-tango si Kei at kitang-kita niya ang pagkislap ng mata nito sa likuran ng suot nitong salamin. Hindi niya maiwasang kabahan. Kilala niya si Kei at alam niya ang ekspresyon nitong iyon. May naiisip itong maganda para sa sarili nito pero hindi sa parte niya.

"Then I'll make you love me again, Yannie. You loved me then and it's easy for you to love me again."

Nanlaki ang mata niya. Alam niyang bakas sa mukha niya ang hindi pagkapaniwala dahil sa narinig. "You're insane! Sino ang nagsabing mamahalin kita ulit? I'm over you already!" sigaw niya at gamit ang buong lakas ay itinulak ang lalaki.

Mabibilis ang hakbang na nilisan niya ang lugar. Sa utak niya ay umuukil pa rin ang mga katagang binitiwan ni Kei. Kung plano nitong akitin at paibigin siya upang hindi siya magsalita sa mga nalaman niya, kakailanganin niya ang balde-baldeng will power para hindi mahulog sa patibong ni Kei.

Ano ba 'tong napasok ko?

Lucky We're In Love (Tennis Knights #6) (Published under PHR)On viuen les histories. Descobreix ara