Kabanata 10

1.3K 67 2
                                    

Kabanata 10


"WHY ARE you still single, Kei?" pukaw ni Arianne kay Kei. Kasalukuyan silang nasa loob ng locker room sa loob ng university gym. Magdadalawang linggo na rin ang lumipas simula noong nagbunutan sila ng mga kaibigan niya para sa school paper nila. Sa loob ng dalawang linggo ay si Kei lamang ang nakakausap niya.

Sa tuwing susubukan niyang lapitan at kausapin si Chase, bigla na lamang susulpot si Kei at sasabihin na siya na lamang ang kapanayamin niya. Kulang na siya sa oras kung kaya't dapat ay mag-pokus siya sa trabaho niya pero sa bawat pagkakataon na sumisingit si Kei sa plano niya, nakikita na lamang niya ang sariling nakikiayon dito. Kapag si Kei ang kasama niya, biglang lumilipad sa ere ang deadlines at topics niya.

Naloloka na yata siya. Hindi na siya magtataka kung hindi siya makapagpasa ng article para sa last issue ng school paper nila. To think na ito na huling article na ipapasa niya dahil ga-graduate na siya.

Nagkibit ng balikat si Kei. Magkatabi lamang silang dalawa kung kaya't kitang-kita niya ang halu-halong emosyon sa mata nito. Mga emosyong hindi niya mabigyan ng pangalan.

"I'm waiting for the right time..."

Kumunot ang noo niya. "Ano 'yun?"

Sa pagkagulat niya ay walang sabi-sabing ipinatong ni Kei ang braso nito sa balikat niya. The sudden jolt of electricity made her flinched and at the same time, it gave her different kinds of sensation. Alam niya at nakatitiyak siya na si Kei lamang ang nakakapaghatid sa kanya ng ganitong klaseng sensasyon.

Imbes na pansinin ang braso ni Kei sa balikat niya ay hindi siya kumibo. Hinayaan niya ang braso nito at in-enjoy ang sarap na hatid ng init ng katawan nito sa katawan niya. Naramdaman niya ang pagsapo ni Kei sa gilid ng ulo niya at ipinatong iyon sa balikat nito. Hindi siya tumutol.

Bakit pa siya tututol kung gusto naman niya ang ginawa ni Kei? Bakit siya kakalas sa pagkakayakap nito kung gusto niyang makulong sa init at tatag ng bisig nito?

"I missed you, Arianne. I really missed you. Hindi ko ito sinasabi para lokohin ka, para makuha ang recording o para patahimikin ka. Sinasabi ko ito dahil ito ang totoo kong nararamdaman. You can publish what you have heard, I won't mind. Just believe me when I tell you that I missed you so much," mahinang anito sa tapat ng tainga niya habang marahang hinahaplos ang buhok niya.

Sumisigaw ang isip niya na huwag siyang maniwala, na huwag siyang magpadala sa pagpapanggap ni Kei. Pero ang puso niya ay naniniwala sa lalaki. Ang puso niya ay nakikiusap na bigyan niya nang pagkakataon si Kei. Kilala niya si Kei, hindi ito sinungaling. Hindi ba nga't mas ginusto pa nitong saktan siya limang taon na ang nakalipas kaysa paasahin siya?

Pumikit siya at isiniksik ang mukha sa pagitan ng leeg at balikat nito. Ganito ang palagian niyang ginagawa noon kay Kei kapag naglalambing siya rito, kapag gusto niyang maramdamang importante siya sa lalaki. Ang makulong sa bisig nito ay nagbibigay ng kapayapaan sa kanya.

"I missed you, too, Kei."

Sabay pa silang napapitlag ni Kei nang may marinig silang tumikhim. Pagbaling nila sa pintuan ng locker room ay nakakumpol doon ang mga kabarkada ni Kei. Halos lahat sa mga ito ay may nakapaskil na nakakalokong ngiti sa mga labi habang nakatingin sa kanilang dalawa.

Kaagad siyang kumalas sa pagkakayakap ni Kei subalit hindi siya nito binitawan. Pinanatili nito ang braso nito sa beywang niya.

"Ehem. Ganiyan na ba kapag ini-interview ngayon? Super cozy?" nakangising ani ni Reus.

"Sweet. Daming langgam, o. Kulay pink," ani naman ni Cloud.

Umiiling-iling na tumayo si Kei kapagkuwan ay inalalayan siyang tumayo. Nilapitan ni Kei ang mga kaibigan nito at siya ay nanatiling nakatayo doon nang mapatingin siya sa paanan niya. Isang larawan ang nasa sahig.

Lucky We're In Love (Tennis Knights #6) (Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon