Kabanata 15

1.3K 66 16
                                    

Kabanata 15


"KYOHEI, magpalitan naman tayo ng dedication paper, o," untag ni Arianne sa kanyang kababata.

Ang "dedication paper" na tinutukoy niya ay ang pagsusulat nito sa isang papel ng mga gusto nitong sabihin sa kanya. Kung gusto nitong magpasalamat, mag-sorry o kung anuman ang gusto nitong sabihin, maaari nito iyong isulat sa papel na iyon. Uso iyon gawin tuwing bago mag-high school graduation.

Tumingin sa kanya si Kyohei at kaagad niyang pinalamlam ang mata para hindi siya nito matanggihan. Napabuga ito ng hangin at inilahad ang kamay. "Give me a paper."

Nakangiting inabutan niya ng isang scented paper si Kyohei. Nang nagsimula itong magsulat ay nagsulat na rin siya para dito.

Pagkalipas ng halos kalahating minuto ay tapos na ito pati na rin siya. Iniabot niya ang papel dito at ganoon din ang ginawa nito. Kaagad niyang binasa ang dedication paper nito para sa kanya.

Yannie,

            Dedication? Hmm. I guess I owe you a "Thank you" for always being there for me. I know you have no friends because of me but you still chose to be with me. Thank you for that. I'm so happy to have known someone like you, Yannie.

            Sorry for everything. For hurting you though I never intend to hurt you. I know sometimes I'm not a good friend and I'm sorry for that. Don't worry, magbabago ako para sa 'yo :)

            After our graduation, siguro magkakahiwalay na tayo. Pero tandaan mo na hinding-hindi kita kakalimutan. Palagi akong nasa tabi mo sa kahit na anong paraang alam ko. Promise 'yan.

            Aishiteru, Yannie.

Kyohei



"HINDI ako makapaniwala na five days from now, graduation na natin. Parang kailan lang, mga high school students palang tayo. Tapos ngayon, tayo na. Ang galing, 'no?" nakangising ani Arianne habang nakasandig ang ulo sa balikat ni Kei.

Kasalukuyan silang nasa gitna ng open court at nagpapalipas ng oras. Nakasalampak silang dalawa ng upo sa gitnang bahagi ng open court. Wala lang, trip. Wala namang mga tennis players na nag-e-ensayo kung kaya't ayos lang ang trip niyang ito.

Ginaganap ni Kei ang kamay niya. "Hindi rin ako makapaniwala na kasama na kita ulit ngayon, na mahal mo pa rin ako."

Pinisil niya ang kamay nito. "Ako rin naman, eh. Tuwing gabi nga, natatakot akong matulog kasi baka paggising ko, panaginip lang pala ang lahat. Saklap kaya n'on."

Tumawa ito at magaang pinisil ang tungki ng kanyang ilong. "I'm scared of that, too."

Namayani ang nakabibinging katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Pero hindi naman nakaka-tense ang katahimikan na bumalot sa kanilang dalawa. It was peaceful and serene. Tahimik sa paligid ng open court dahil wala na halos estudyante dito sa SVU. Anong oras na kasi. Ang mga natira na lamang marahil dito ay iyong mga scholars at mga student's assistants.

"Yannie, bakit tinanggap mo pa rin ako kahit na sinaktan kita noon?" tanong ni Kei sa kanya.

"Hmm. Simple lang. Kasi mahal kita."

"Paano kung sa huli ay saktan kita ulit?"

"Nang tinanggap kitang muli sa buhay ko, hinanda ko na ang sarili ko na maaaring masaktan ako ulit. Pero may tiwala ako sa 'yo. Kung sasaktan mo ako, nasa sa iyo na iyon. Basta ang alam ko, tinanggap kitang muli kasi mahal kita. Ang martir ko, 'no?"

Lucky We're In Love (Tennis Knights #6) (Published under PHR)Where stories live. Discover now