Kabanata 7

1.3K 66 14
                                    

Kabanata 7


KINAKABAHAN si Yannie habang nakatingin sa kahon ng tsokolate na hawak-hawak. Plano niyang ibigay iyon kay Kyohei. Hindi iyon ang unang pagkakataon na bibigyan niya ng tsokolate si Kyohei kapag Valentines Day pero ito ang unang pagkakataon na may "malisya" para sa kanya ang pagbibigay ng tsokolate sa lalaki.

Hindi niya ito ibibigay bilang isang kaibigan kundi bilang isang babaeng nagmamahal sa isang lalaki. Syempre pa, hindi niya iyon aaminin kay Kyohei pero kinakabahan pa rin siya nang bongga.

Namumuo ang pawis sa noo na napabuga siya ng hangin. Alam niyang nasa loob ng library si Kyohei dahil doon lamang ito naglalagi kapag free time nila. Baon ang lakas ng loob ay pumasok siya sa library at hinanap ng paningin ang lalaki.

Tila nagdilim ang paningin niya at may kamay na pumisil sa puso niya nang makitang may kausap itong ibang babae. Sa harap ni Kyohei ay isang hugis puso na kahon. Hindi siya nakasisiguro kung may ibig sabihin na iyon pero bakit nasasaktan kaagad siya? Tila may patalim na itinarak sa puso niya.

Ganito ba ang nagmamahal? Mabilis masaktan? Mabilis magselos?

Tumalikod na siya at akmang aalis na nang marinig ang pagtawag ni Kyohei sa pangalan niya. Pagtingala niya ay nasa harapan na pala niya ang lalaki.

"May problema ba?" nag-aalalang tanong nito.

Umiling siya. "Wala."

"Eh, bakit aalis ka agad nang hindi ako nilalapitan?"

"Baka nakakaistorbo ako sa inyo, eh," mahinang sagot niya.

Narinig niya ang mahinang pagtawa ni Kyohei at ang masuyo at magaan nitong pagpisil sa baba niya. "Ikaw? Makakaistorbo sa akin? Never. Halika na nga."

Habang akay-akay papalabas ng library ay pasimple niyang nilingon ang lugar na pinuwestuhan ni Kyohei kanina. At doon ay nakita niyang umiiyak ang babaeng kausap nito kanina at nasa lamesa pa rin ang hugis pusong kahon na iyon.

Hindi ba para kay Kyohei iyon?

Nang makalabas ng library ay kaagad niyang inabot kay Kyohei ang tsokolateng gawa niya. "Happy Valentines Day."

Nakangiting kinuha nito iyon at kaagad na inilagay sa bag nito. Kapagkuwan ay iniabot nito sa kanya ang isang kulay pulang paperbag na hindi niya namalayang hawak nito. "Happy Valentines Day din, Yannie."

Bumilis ang tibok ng puso niya. "Thank you," sagot niya at hindi napigilang magtanong, "Sino pala 'yung kasama mo kanina?"

Nagkibit ito ng balikat. "I forgot her name."

"Anong kailangan niya sa 'yo?"

"Binigyan niya ko ng chocolates. Hindi ko tinanggap."

"Bakit?"

"Ayoko lang."

"Eh, bakit 'yung akin tinanggap mo?"

Ngumiti ito ng makahulugan. "Kasi espesyal ka."

Yumuko siya upang itago ang pamumula ng mukha. Siguro para kay Kyohei ay espesyal siya bilang isang kaibigan pero hahayaan niyang mag-ilusyon ang sarili at isiping espesyal siya dahil may lugar na rin siya sa puso nito...



"WALA kang dalang kotse?" nagtatakang tanong ni Arianne kay Kei nang makarating sila sa MRT station na malapit sa SVU. Alam niyang may sariling sasakyan si Kei kaya't nagulat siya nang dinala siya nito dito sa MRT station.

Ngayon ay nasa platform sila at hinihintay ang pagdating ng tren.

"Nasa pagawaan pa," simpleng sagot ni Kei.

Nagsalubong ang kilay niya. "Bakit? Anong nangyari?"

"Nabangga," sagot nito.

Biglang lumukob ang takot at pag-aalala sa sistema niya nang marinig ang isinagot nito. Kaagad din niyang pinasadahan ng tingin ang kabuuan ni Kei. Baka may natamo itong pinsala na hindi sinasabi sa kanya.

At concern ka kasi? anang malditang bahagi ng isip niya.

Kaibigan niya ako.

Kaibigan noon. Hindi na ngayon.

Fine!

Napansin marahil ni Kei ang pagkabalisa niya dahil kaagad nitong ginagap ang kamay niya. Gamit ang libreng kamay ay magaan nitong hinaplos ang kanyang pisngi. Ang lahat ng takot at pangambang naramdaman niya ay biglang naglahong parang bula dahil sa haplos nito.

"I'm okay. Minor accident lang 'yon. But thanks for caring, Yannie," anito sa tinig na napakalamyos. Kung um-a-acting lamang ito ay napakagaling nitong artista dahil kahit ang mata nito ay puno ng pagsuyo habang nakatingin ito sa kanya.

Hindi na niya pinasubalian ang sinabi nito dahil totoo naman na concern siya sa kalagayan nito. Binalingan na lamang niya ang magkahugpong nilang kamay. Magaspang ang kamay ni Kei dahil sa pagte-tennis nito pero iba ang hatid ng pagkakadaop ng kamay nito sa kamay niya. It felt nice.

Naramdaman niya ang pagpisil ni Kei sa kamay niya. Nang mapatingin sa lalaki ay nakita niyang nakatingin din ito sa kanya. "I miss holding your hand," anito at nagkibit na balikat.

Yumuko siya upang itago ang ngiting sumilay sa labi niya. Kahit anong pigil niya sa sarili na maging manhid sa mga sinasabi at ginagawa ni Kei ay hindi naman niya mapigilang hindi kiligin at matuwa.

I miss holding your hand, too.

"Nandyan na 'yung tren."

Akala niya ay bibitawan na ni Kei ang kamay niya nang papasakay na sila sa tren pero nanatili itong hawak-hawak iyon. Hindi na siya kumibo pa dahil gusto rin naman niya ang pakiramdam na bumabalot sa puso niya dahil sa kamay na nakabalot sa kamay niya.

Siksikan sa loob ng tren at muntik pa nga siyang mapalayo at mapahiwalay kay Kei kung hindi dahil sa maagap na pagpalibot nito ng isa nitong braso sa beywang niya. Nagitgit sila at napunta sa may dulong bahagi ng tren. Nakasandal siya sa pinto habang nakaharang si Kei sa harapan niya at tila pinoprotektahan siya na maipit ng ibang tao.

Nang binitawan ni Kei ang kamay niya ay bumalot ang pagkadismaya sa sistema niya. Itinukod nito ang magkabilang palad sa pintuan sa magkabila niyang gilid. Ramdam na ramdam niya ang init na nagmumula sa katawan nito. Amoy na amoy niya ang sariling amoy ni Kei na talaga namang nakakahalina.

"Are you okay? Nagigitgit ka ba? Shit! Hindi ko inakala na maraming tao ngayon dito. Damn."

Napahagikgik siya habang nakatingin sa salubong ang kilay na si Kei. He was literally looking down on her. Sobrang lapit ng mukha nito sa kanya at isang kilos lamang niya ay maaari na niyang nakawan ito ng halik.

"I'm okay. Hindi ako nagigitgit dahil may great wall of China ako sa katauhan mo," nakangiting aniya.

Nang ngumiti si Kei ay tila ngumiti rin ang mata nito. Sa likod ng salaming suot nito ay kitang-kita niya ang saya at tuwa sa kulay tsokolate nitong mata.

"That's good."

Habang nakatingin sa lalaki at sa payapa nitong mukha ay pinakiramdaman niya ang sarili. Mabilis ang tibok ng puso na tila galing siya sa pakikipagkarera, hindi pantay na paghinga dahil sa presensya ng kaharap at ang kaisipang tila sila lamang dalawa ang tao sa loob ng tren dahil muli sa lalaking kaharap.

Isa lamang ang ibig sabihin nito.

Complication na naman.

Lucky We're In Love (Tennis Knights #6) (Published under PHR)Where stories live. Discover now