Huminga siya ng malalim at ngumiti. "Pareho kayo ng sinabi ng tatay mo, alam mo ba?"

Nalukot ang mukha ni Trick at tumingin sa malayo. "I don't feel happy to know that."

"Na pareho kayo ng sinabi?"

Ilang segundo ang lumipas bago ito sumagot. "At na nauna siyang sabihin sa'yo na maganda ang boses mo. In fact, you sing far better than most of the popular singers here in the Philippines." Bigla itong lumingon sa kaniya na parang may naisip na ideya. "You can be a singer, Anika. You will be great. Sigurado ako."

Natawa siya at nahirapan siyang huminto kahit nakita niyang naguluhan si Trick sa naging reaksiyon niya.

"Bakit ka tumatawa? You don't believe me? I am an investor and I made my first million before I turned twenty. I follow my instinct when it comes to these kinds of things and I know you will be great, Anika. Maniwala ka sa akin. Matutulungan kita. May kilala akong makakatulong para magkaroon ka ng career sa music industry. Forget being an assistant."

Mariin niyang kinagat ang ibabang labi para mapigilan na niya ang tawa. 'Yon lang, masakit pa rin ang panga niya kasi ngising ngisi pa rin siya. Para siyang kinikiliti at parang lumobo ang puso niya. Hindi niya akalain na ganito ang magiging reaksiyon niya dahil lang pinuri siya si Trick. Saka nakakatuwa na tama si Patrick nang sabihin nito sa kaniyang tutulungan siya ng anak nito kapag narinig siya kumanta. Mas naging kompiyansiya siya sa talento niya kasi sinabi nito na magaling siya.

Tumango si Anika. "Naniniwala ako sa'yo. Natutuwa lang ako kaya ako natawa," sabi niya nang makaya na niyang magsalita.

Nawala ang lukot ng mukha ni Trick at kuntentong ngumiti. Sumikdo ang puso niya kasi pati ang mga mata nito nakangiti rin. Tatlong linggo sila sa maynila at pangalawang araw pa lang nila sa probinsya pero heto at mas maraming beses na niya itong nakitang nakangiti ngayon. Anong nabago? Mas naging relaxed ba ito ngayong malayo ito sa trabaho?

"Bakit ganiyan mo ako tingnan?" nakaangat ang mga kilay na tanong ng binata pero nakangiti pa rin.

Uminit ang pakiramdam niya at narealize niya na iyon ay dahil masayang masaya siya sa mga sandaling 'yon. "Kasi mas guwapo ka kapag nakangiti. Dapat palagi kang ngumingiti ng ganiyan. Hindi rin masama kung tatawa ka. Sa opisina kasi palagi kang seryoso."

Natigilan si Trick at napatitig sa mukha niya. May dumaang emosyon sa mga mata nito na agad ding nawala nang kumurap ito. Nagkibit balikat ang binata. "I rarely find something to smile or laugh about in my life."

Siya naman ang napatitig sa mukha nito. Kasi may nahimigan siyang pait sa tono nito. "Pero sigurado mayroon pa ring nakakapagpangiti sa'yo."

Tipid itong ngumiti at tumango. "Discovering a good investment, restoring a business close to bankruptcy when everyone thinks it's impossible, growing my money, spending time with my friends and now..."

"Ngayon ano? Ano pang nakakapagpangiti sa'yo?" curious na tanong ni Anika.

Imbes na sumagot agad ay umangat ang kamay nito papunta sa mukha niya. Nanlaki ang mga mata niya nang marahan nitong hawiin ang hibla ng buhok niyang tumabing sa pisngi niya dahil sa malakas na hangin. Inipit nito 'yon sa tainga niya at mahinang nagsalita, "Ikaw." Kumurap siya, bumilis ang tibok ng puso. Lalo na nang maging mainit at masuyo ang ngiti nito. "For some reason I don't know yet, you always make me smile. Kahit gaano ako ka-busy o kahit gaano pa kainit ang ulo ko, kapag lumitaw ang mukha mo sa isip ko napapangiti na ako. You are one of the few things that make me happy."

Walang maisip sabihin si Anika. Nagulat kasi siya sa inamin nito. Hindi niya akalain. Huminga ng malalim si Trick, sinuklay ng mga daliri ang buhok at nagpatuloy sa pagsasalita, "The thought that you can make me smile frustrated the hell out of me. Hindi ko matanggap kasi dapat galit ako sa'yo. You were a threat to my parent's relationship. Kahit na paulit-ulit mong sinasabi na wala kang intensyong masama, ayoko maniwala. I became judgmental even though my instinct was telling me that you are a good person. Pero ayoko na magkunwaring hindi napapansin na talagang mabuti kang tao. I don't want to pretend that you are not charming and likable."

Napangiti siya. "Talaga? Charming at likable ako para sa'yo?" pabirong tanong niya.

Mahinang natawa si Trick. "Yeah. I like you. And I don't like a lot of people, Anika."

May init na humaplos sa puso niya. Kasi naniniwala siya rito. Alam niya na big deal na gusto siya nito bilang tao. Kasi sa pagkakaalam niya, mabibilang lang sa mga daliri niya sa mga kamay at mga paa ang mga taong gusto ng binata. Ang sarap lang sa pakiramdam na kasama siya sa bilang.

"Gusto rin kita, Trick. Kahit suplado ka at hindi namamansin kapag nakatutok ang atensiyon mo sa trabaho."

Natawa na naman ang binata, parang nailang. "You don't have to return my compliments. Hindi ako sociable at charming na katulad mo o ni Papa. I'm hard to get along with and I know it. I don't really care, Anika."

"Hindi ko naman sinabi na charming ka at sociable ah. Alam ko rin mahirap ka pakisamahan at mapagduda ka rin. Pero kahit nagpipilit kang umaktong kontrabida, alam ko na mabait ka talaga. Kasi sinamahan mo ako umuwi sa probinsya nang sabihin kong naaksidente si Tatay. Hindi ka nagdalawang isip na tulungan ako. Saka gusto ka ng mga kapatid ko. Magaling sila kumilatis ng tao." Ngumisi siya. "Magaling din ako kumilatis."

Nagkatitigan sila. Parehong nakangiti. Mayamaya narinig na niya ang pagtawag ng mga kapatid niya sa kanila ni Trick. Sabay silang lumingon. Kinawayan nila ang mga bata na inaaya na silang maligo sa dagat. Tiningala ni Anika ang binata at hinawakan ang kamay nito. "Tara na. Hindi sila titigil hangga't hindi nila tayo nakikitang basa."

"Oh,fine," sabi nito, nakangiti pa rin. Saka sila tumakbo papunta sa tubig. Parehonang basa ang kalahati ng katawan nila bago niya napansin na magkahawak pa rinpala ang kanilang mga kamay.

Bachelor's Pad series book 11: ISLAND GIRL'S TYCOONDonde viven las historias. Descúbrelo ahora