Part 32

32.9K 728 10
                                    

"What do you really feel about me, Anika?" malumanay na tanong ni Trick, mahigpit pa rin ang yakap sa kaniya.

Lumunok siya. "Nahihiya akong aminin kahit sa sarili ko," bulong niya. "Nakokonsiyensiya ako na nahulog ang loob ko sa'yo. Na... na narealize ko na lang na mahal na pala kita. Pakiramdam ko hindi tama. Pakiramdam ko hindi ako pwedeng makaramdam ng ganito para sa'yo. Kaya sinubukan kong pigilan ang puso ko. Sinubukan kong ipaintindi sa utak ko na kaibigan kita at boss at anak ng taong nagbigay sa akin ng pagkakataong magkaroon ng magandang buhay. Pero..." Gumaralgal ang boses niya nang magsalita siya uli. "Ang hirap."

Umangat sa magkabilang balikat niya ang mga kamay ni Trick at marahan siyang inilayo hanggang mapilitan siyang tingalain ang mukha nito. Parang gusto na naman niya maiyak nang makita niya ang pag-unawa sa mga mata nito. Alam nito ang struggle niya. Naiintindihan nito ang pagaalinlangan at pagdududa niya. At lalo lang niya itong minamahal dahil doon.

"Ang weird 'di ba? Ang pangit isipin. Kasi kailan lang, iba ang lalaking mahal ko. At... at si Patrick pa. Pagkatapos ngayon, sa'yo naman ako na-in love. Anong klaseng babae ako?" Marahas na umiling-iling si Anika, binawi ang kamay mula sa pagkakayakap sa binata at umatras hanggang tuluyan nang magkaroon ng distansiya ang mga katawan nila. "Ayokong maging ganitong klase ng babae, Trick. Ayoko. Masaya ako na naka-move on na ako sa nararamdaman ko kay Patrick. Bago pa man ako sumama sa kaniya sa maynila alam ko naman na walang kahahantungan ang pagtingin ko sa kaniya. Naging mahirap para sa akin pero sa wakas hindi ko na siya mahal. Pero..." Sinalubong niya ng tingin ang mga mata nito. Alam niya na nakikita nito kung gaano siya kamiserable. "Hindi ko matanggap na ikaw ang mahal ko ngayon. Pakiramdam ko talaga, hindi tama. Kahit mahal mo rin ako... hindi ko kayang... makipagrelasyon sa'yo ngayon, Trick."

Tumiim ang bagang ng binata. Mariing pumikit at humugot ng malalim na paghinga. Nang dumilat ito uli ay puno na ng determinasyon ang mga mata nito. "Anong masama kung maging magkarelasyon tayo? Anong masama kung mahal natin ang isa't isa? I know that my father was your first love. At na kailan ka lang naka-move on sa feelings mo para sa kaniya. Pero ang mahalaga sa akin ngayon ay ako na ang mahal mo, Anika. There is nothing wrong kasi hindi naman kayo nagkaroon ng relasyon kahit kailan. Don't feel guilty for falling in love with me. Masasaktan ako kung ganiyan ang nararamdaman mo."

Kumurap si Anika. Sumikip ang dibdib. Kasi ayaw niyang masaktan si Trick. Tipid itong ngumiti at ikinulong sa mga palad ang magkabila niyang pisngi. Yumuko ito hanggang halos magkadikit na ang mga mukha nila. "Just love me and let me love you. Don't think about anything else."

Nalaglag ang mga balikat niya. Unti-unti nang natutunaw ang mga alinlangan sa puso niya. "Pero... lalong magagalit sa akin ang Mama mo kapag nalaman niya ang tungkol sa atin. Hindi na nga maganda ang tingin niya sa akin ngayon eh."

Na-tensiyon si Trick. Humugot ng malalim na paghinga bago nagsalita, "It's going to be fine eventually. For now, let's just think about us. Okay? What we feel for each other is still new to us. Hindi pa nga tayo nagsisimula namomroblema ka na agad. Don't be like that Anika." Pagkatapos ay masuyo itong ngumiti. "Love is not always painful, you know. It's not supposed to be that way. Love should make you feel happy, contented and satisfied. Love should make you want to wake up every morning and the first thing you want to do is see that special person. . Katulad ng palaging ikaw ang gusto kong makita paggising ko sa umaga."

Napabuntong hininga siya. Tuluyan nang lumambot ang puso at bumigay. Gumanti siya ng munting ngiti. "Sige na nga." At bago pa mawala ang lakas ng loob niya ay lumiyad na siya at mabilis na hinalikan sa pisngi si Trick.

Lumawak ang ngiti nito at niyakap uli siya ng mahigpit. Matagal silang nanatiling ganoon.

BAGO umalis sa apartment ni Anika ang binata nang gabing 'yon napagkasunduan nila na huwag muna ipaalam sa iba ang relasyon nila. Gusto muna nilang palalimin ang mayroon sila at ayaw nila na magkaroon ng dahilan ang kahit na sino na guluhin sila. Pero hindi rin naman sila nagtatago at palihim na nagkikita na parang may ginagawa silang mali. Sinusundo pa rin siya nito sa umaga, sabay pa rin sila kumakain at sabay na pumapasok sa trabaho.

Sa mata ng mga hindi interesado, walang nabago sa relasyon nila. Noon pa naman kasi sila nakikitang ganoon na magkasama. Pero kung titingnan silang mabuti ng mga taong usyusera, makikita ng mga ito na may kakaiba na sa titigan nila. Hindi sila naghahawak kamay sa harap ng ibang tao. Pero sapat na ang sandaling pagbubunggo ng mga braso nila at aksidenteng paghaplos ng mga daliri nila sa isa't isa para kumislap ang sparks sa pagitan nila.

Ang mga sandali nila sa loob ng opisina ang pinakapaborito ni Anika. Sa labas kasi ay seryoso pa rin si Trick, malamig pa rin ang boses kapag nakikipag-usap sa iba at hindi ngumingiti. Nawawala lang ang maskara nito kapag silang dalawa lang.

Katulad sa araw na 'yon. Nasa mini-kitchen siya at nagsasalang ng kape sa coffee maker. Magiging abala ang maghapon para sa binata kasi marami itong business appointment hanggang gabi. Kailangan nito ng kape para manatiling alerto. Nakatalikod siya sa pinto at kalalapag pa lang ng mug sa counter top nang maramdaman niya ang presensiya ni Trick sa likuran niya. Nahigit niya ang hininga at sumikdo ang puso niya nang yakapin siya nito. Pumaikot sa baywang niya ang mga braso nito at magaan siyang hinalikan sa pisngi. Saka nito itinukod ang baba sa balikat niya. "Hey."

Napangiti si Anika at sumandal sa katawan nito. "Nakabalik ka na pala galing sa meeting mo. Magkape ka muna bago ka umalis uli ha?"

Humigpit ang yakap nito sa kaniya at isinubsob ang mukha sa leeg niya. "You're better than caffeine."

Natawa siya. "Para sa isang taong katulad mo na hindi kayang mabuhay ng walang kape, compliment ang sinabi mo."

Nakiliti ang leeg niya sa naging tawa nito. "I'm just telling the truth." Hinalikan siya nito uli sa pisngi bago dahan-dahang lumuwag ang pagkakayakap sa kaniya. "Baka gabi na matapos ang mga meeting ko. Ayokong maghintay ka rito sa opisina ng matagal kaya pagdating ng alas singko, pwede ka na umuwi ha? I'm sorry hindi kita maihahatid mamaya."

Pumihit siya paharap rito, ngumiti at ipinaikot ang mga braso sa leeg nito. Tumingkayad siya at magaan itong hinalikan sa gilid ng mga labi, katulad ng palagi nitong ginagawa sa kaniya. Nagtama ang mga paningin nila. "Ayos lang. Marunong ako umuwi mag-isa baka lang nakakalimutan mo," biro niya.

Natawa ito. "I know. I'm just going to miss you, that's all."

Nabagbag ang damdamin ni Anika. Uminit ang puso sa sobrang pagmamahal para sa lalaking 'to na ipinapakita lang ang tunay na sarili sa harap niya. Niyakap niya ito uli at ganoon din ang ginawa nito. Mayamaya tumunog ang coffee maker at napilitan silang kumalas mula sa pagkakayakap. "Ihahanda ko na ang kape mo."

Tumangosi Trick, hinalikan siya sa noo at saka alanganing lumabas ng mini-kitchen.Napabuntong hininga siya at sandaling napatitig lang sa nilabasan nito. Pagkataposay ngumiti siya at ibinalik ang atensiyon sa pagtitimpla ng kape para sabinata.

Bachelor's Pad series book 11: ISLAND GIRL'S TYCOONWhere stories live. Discover now