Part 19

31.4K 709 6
                                    

PAGKALIPAS ng halos dalawang oras nakabalik na si Anika, bitbit ang bag na dala rin niya noong nagpunta siya sa maynila. Sa loob 'non ay ilang pirasong damit. Kung matatagalan man siya roon at kulangin, meron pa naman siyang mga damit sa bahay nila sa isla.

Bago siya makalabas sa mansiyon ng mga Alfonso kanina, nakita siya ng Mama ni Trick. Halatang nagulat ito na may dala siyang bag pero hindi nagtanong. Tiningnan lang siya nito saka tumalikod at naglakad palayo.

Pagpasok niya sa opisina nakita niyang nakabukas ang pinto ng private office ni Trick. May kausap na naman ito sa cellphone, parang nagbibilin ng trabaho. Humakbang siya palapit at napasulyap ito sa kaniya. Huminga siya ng malalim at itinaas ang bag na dala niya para ipakita ritong nakapag-empake na siya. Tumango ito, mabilis na nagpaalam sa kausap, saka ibinaba ang cellphone at humarap sa kaniya.

"Ready?"

"Oo."

"Then let's go."

Kumurap si Anika nang yumuko si Trick at bitbitin ang isang maliit na traveling bag. Umawang ang mga labi niya at napatitig sa mukha nito nang may marealize siya. "S-sasama ka sa akin?!"

Umangat ang mga kilay nito at humakbang hanggang makalapit na sa kaniya. "Yes."

"Bakit?"

Mariing tumikom ang bibig nito. "Bakit sino ba ang gusto mong kasama?"

Napaatras siya sa talim ng mga salita nito. "W-wala akong sinasabi na may gusto akong kasama."

"Then it's fine if I will go with you. Halika na. Our ride is waiting for us." Malalaki ang hakbang na nauna pa itong lumabas ng opisina kaysa sa kaniya. Kahit nalilito ay sumunod siya rito. Mas lalo siyang naguluhan nang pagsakay nila sa elevator, imbes na sa ground floor ay sa rooftop ang pinindot nitong button.

"Bakit sa taas tayo pupunta? Akala ko ba pupunta tayong Camarines Sur?"

"Because our ride is on the rooftop."

"Ha? Paanong nasa rooftop –"

Bumukas ang pinto ng elevator at narinig niya ang malakas na ingay mula sa rooftop. Napalingon siya at napanganga. Helicopter. Sa labas 'non ay may nakalagay na pangalan ng kompanya ng mga Alfonso. Umiikot na ang elesi 'non kaya maingay at mahangin.

"Come on," pasigaw na sabi ni Trick, hinawakan siya sa braso at inakay palapit sa helicopter.

Hindi pa rin siya makapaniwala at hindi makapagsalita kahit nang may taong sumalubong sa kanila at inalalayan sila para makasakay roon. Madalas talaga, nakakagulat si Trick. Puno ng sorpresa at mahirap hulaan ang susunod nitong gagawin. Katulad ngayon.

Napatitig siya sa mukha nito nang nakaayos na sila at papalipad na ang helicopter. Napatingin din ito sa kaniya. "What?"

Huminga ng malalim si Anika at ngumiti. "Salamat na sasamahan mo ako."

Kumurap si Trick. Lumunok. Saka lang ito marahang tumango.

"NANAY!" naiiyak na tawag ni Anika sa kanyang ina nang makita niya ito sa ospital. Umakyat sila ni Trick sa floor kung saan sinabi ng nurse sa reception area na naka-confine ang Tatay niya. Mukhang kalalabas lang nito sa ward at nanlaki ang mga mata nang lumingon at makita siyang tumatakbo palapit.

"Anika?" nanginginig ang boses na tawag nito sa pangalan niya.

Mahigpit niya itong niyakap nang makalapit siya rito. "Nay," hikbi niya.

Umalog ang mga balikat ng Nanay niya hanggang sa umiiyak na rin ito. Humigpit ang kapit nito sa kaniya na halos hindi na siya makahinga pero wala siyang pakielam. Matagal na nagyakap sila bago sila unti-unting nahimasmasan. Kumalas ang Nanay niya at hinawakan ang magkabilang pisngi niya. "Paanong nandito ka, anak? Sino ang kasama mo? Si Patrick ba?" Nahimigan niya ang katuwaan sa boses nito. Malamang nangulila rin ang mga magulang niya para sa lalaking naging bahagi ng pamilya nila sa loob ng isang buwan.

Lumingon ito sa likuran niya at natigilan. Kasi hindi si Patrick ang sigurado siyang nakikita nitong nakatayo sa hindi kalayuan. Nawala ang tuwa sa mukha ng Nanay niya. Halatang naguluhan at nagtaka.

"Hindi ho 'Nay. Si Trick ho ang kasama ko." Lumingon siya at sinenyasan ang binata na lumapit. Tumalima ito at huminto sa tabi niya. Ibinalik niya ang tingin sa nanay niyang titig na titig sa binata. "Anak ho siya ni Patrick."

Naramdaman niyang napaigtad si Trick nang banggitin niya ang pangalan ng Papa nito. Pero sandali lang ay nailahad na nito ang kamay sa harap ng kanyang ina at magalang na nagsalita, "Kamusta ho ang asawa niyo?"

Namamangha pa ring inabot ng Nanay niya ang pakikipagkamay ng binata. "Nagpapahinga siya sa loob. May nabali siyang buto sa binti na kailangan daw operahan para maiayos. Sa ngayon ang panlabas na sugat pa lang niya ang naasikaso nila. Nilanggas lang at may ginawa para tumigil sa pagdurugo."

Parang nilamutak ang puso ni Anika. "Kailan ho siya ooperahan, 'Nay?"

Nalukot ang mukha nito at naiyak na naman. "H-hindi pa ako naka-oo sa doktor kasi..." Mukha itong nahiya at binawi ang kamay mula sa pagkakahawak ni Trick. "Kailangan ng pera, anak," mahinang dugtong nito.

Nalaglag ang mga balikat niya. Bakit ba lahat ng bagay sa mundo kailangan may katapat na pera? Uminit ang mga mata niya.

"Ako na ang bahala sa lahat. Anong pangalan ng doktor niya para makausap ko na?" biglang sabi ni Trick. Sabay silang napatingin sa binata. "Mas maganda kung maoperahan siya sa lalong madaling panahon para mapabilis din ang paggaling niya," sabi pa nito sa kaswal na tono. Na para bang walang kahirap-hirap para rito ang maglabas ng pera kahit hindi pa nito alam kung magkano.

"Trick..."

Sinalubong nito ng tingin ang mga mata niya. "Let me settle this, Anika. This is one of the reasons why I came here with you."

Napanganga siya at hindi pa rin makapaniwalang napatitig sa mukha nito.

"Anong sabi niya anak?" bulong ng Nanay niya.

Kumurap siya at nilingon ang ina. "Ano ho..." Sinulyapan niya si Trick at nakita niya ang determinasyon sa mga mata nito. Wala nang makakapagbago ng isip nito. Bumuntong hininga siya. Saka na lang niya igigiit sa binata na babayaran niya kung magkano man ang magagastos nito para sa operasyon ng Tatay niya. Hinarap niya uli ang kanyang ina. "Siya na raw ho ang bahala sa gagastusin. Kailangan makausap natin ang doktor para maoperahan na si Tatay sa lalong madaling panahon."

Nanlaki ang mga mata ng Nanay niya at nang tingalain si Trick ay naluluhang ngumiti ito. Halatang nakahinga ng maluwag. "Maraming salamat. Salamat anak. Salamat. Diyos ko, pareho kayo ng tatay mo. Pareho kayong mabait at hulog ng langit sa pamilya namin."

Naramdaman na naman ni Anika na natensiyon ang binata. Hindi komportableng pag-usapan ang ama. Hinawakan niya sa braso ang kanyang ina para kunin ang atensiyon nito. "Gusto kong makita si Tatay."

"Oo. Halikayo sa loob." Nauna ang Nanay niyang pumasok sa ward.

Sinulyapanniya si Trick na nakatitig sa mukha niya. Tumikhim siya. "Ipapakilala muna kitakay Tatay bago natin hanapin ang doktor niya," mahinang sabi niya. Tumango ito.Pumasok na rin siya sa loob at sumunod ang binata.

Bachelor's Pad series book 11: ISLAND GIRL'S TYCOONWhere stories live. Discover now