Part 17

31.5K 752 9
                                    


MABILIS na binawi ni Anika ang kamay mula sa pagkakahawak ni Patrick at humakbang siya palayo rito. Alam niya na wala naman siyang dapat itago kasi wala naman siyang ginagawang masama. Pero may bumara sa lalamunan niya habang nakatingin siya sa mukha ni Trick. Matagal na niyang hindi nakikita ang mga emosyong 'yon sa mga mata nito. Akala niya hindi na niya makikita uli ang mga 'yon.

"Nagkasalubong lang kami at nag-usap sandali. We are friends afterall," sagot ni Patrick.

Umangat ang mga kilay ni Trick at mariing tumikom ang bibig. Sinulyapan niya si Patrick. "Sige, babalik na ako sa opisina."

Tumango ang lalaki. "Kailangan ko na sumunod sa lunch meeting ko." Tinapik nito ang braso niya saka naglakad papunta sa elevator. Sinundan niya ng tingin hanggang makasakay ito roon at sumara ang pinto. Saka lang siya pasimpleng huminga ng malalim at humarap kay Trick. Nakatayo pa rin ito sa tabi ng pinto, hindi tumitinag at titig na titig sa kaniya.

Tumikhim si Anika at nagsimulang maglakad palapit hanggang huminto siya sa mismong harap nito. Itinaas niya ang plastic bag na dala niya. "Nag-take out ako ng tanghalian."

Kumurap si Trick at napatingin sa bitbit niya. Nawala ang dilim ng mukha nito nang tingnan siya nito uli. "Hindi ka nag-lunch?"

Umiling siya at alanganing ngumiti. "Hindi ka pa rin kumakain eh. Sabay na lang tayo."

Ilang segundong nakatitig lang ito sa mga mata niya, parang may binabasa roon na hindi niya malaman kung ano. Bago pa siya makapagtanong kinuha na nito mula sa kaniya ang plastic bag ng pagkain at nauna nang pumasok sa loob ng opisina. Bumuntong hininga siya at sumunod sa binata.

Magkatulong nilang inihain sa lamesa ang mga pagkain. Inilabas niya mula sa mini-kitchen ang mga plato at kubyertos. Saka kumuha ng bottled mineral water para sa kanilang dalawa. Nagdesisyon si Anika na huwag buksan ang usapan tungkol sa nakita nitong pag-uusap nila ni Patrick. Mukhang wala rin naman itong balak magtanong kaya pinilit na lang niya alisin sa puso niya ang sakit na naramdaman niya kanina at kumain na lang.

Matagal na tahimik lang sila pareho. Nakakailang. Ayaw niya ng ganoon kaya kaswal siyang nagtanong tungkol sa video conference nito. Nag-angat ng tingin si Trick, sandaling tiningnan siya sa mga mata bago nagsimulang magkwento. Lihim siyang nakahinga ng maluwag at ngumiti. Sandali pa naging komportable na uli sila sa isa't isa. Nasa kalagitnaan sila ng pagkain nang may kumatok sa pinto. Sabay silang lumingon nang may pumasok na isang babae sa opisina. Nakilala niya ito agad. Secretary ito ng isa sa mga board of directors.

Halatang nagulat ang babae nang makita sina Anika at Trick na kumakain sa conference table. Pinaglipat-lipat nito ang tingin sa kanila ng binata, may nanghuhusgang kislap sa mga mata. Bigla narealize niya na nilalagyan nito ng malisya ang sitwasyon nila ng binata. Mabilis na tumayo siya at lumapit sa babae. "Yes?"

Kumurap ito at natutok sa kaniya ang atensiyon. Medyo umangat ang mga kilay nito. May pakiramdam siya na binibigyan nito ng malisya ang relasyon nila ni Trick. "Sir Manuel is asking for the documents that needed sir Trick's signature. Kailangan na raw niya ngayon."

"Napirmahan ko na ang mga papeles na 'yon. Nasa lamesa ko," sagot ni Trick.

Tatayo na sana ang binata pero sumenyas siya para pigilan ito. "Kumain ka lang diyan kasi may meeting ka pa in thirty minutes. Ako na ang kukuha Tri –" Biglang naalala ni Anika ang komento ni Sheila at naging aware siyang pinagmamasdan siya ng babae sa tabi niya. Tumikhim siya. "Ako na ang kukuha, sir." Saka siya mabilis na pumasok sa inner office para kunin ang mga papeles.

Nang makaalis ang sekretarya ni Sir Manuel saka lang uli siya bumalik sa lamesa. Napansin niya na hindi kumakain si Trick at titig na titig sa mukha niya. Kumunot ang noo niya. "Bakit?"

Kumunot rin ang noo nito. "Sir? Why are you suddenly calling me sir?"

Kumurap si Anika. Uminit ang mga pisngi. Tumikhim siya at pinakaswal ang tono nang sumagot, "Sir naman talaga kita kasi boss kita."

"Pero mula pa noong first day mo rito tinatawag mo na ako sa pangalan ko. Bakit biglang naging sir?"

Kinagat niya ang ibabang labi at sandaling nagbaba ng tingin bago mahinang nagsalita, "Kasi baka iba ang isipin ng mga empleyado kapag narinig nilang tinatawag kita sa pangalan mo kahit na boss kita."

Nararamdaman niyang nakatitig pa rin ito sa kaniya. Sumubo siya ng pagkain.

"I don't like you calling me sir. Trick is fine."

Natigilan siya at napatingala sa binata. May kung ano sa mga mata nito na biglang nagpakabog sa dibdib niya.

"Call me by my name, Anika."

Lalo siyang namangha sa sumunod na reaksiyon ng katawan niya. Parang may mga paru-parong nagliparan sa sikmura niya at uminit ang pakiramdam niya. Nanuyo ang lalamunan niya kaya kinailangan niya lumunok.

"Anika. Say it."

Pasimple siyang huminga ng malalim at ngumiti. "Sige na. Trick."

Umangat ang gilid ng mga labi nito at lalo lang parang hinahalukay ang sikmura niya. "Good. From now on, may kasama man tayo o meron, tatawagin mo ako sa pangalan ko. Nagkakaintindihan ba tayo?" Sunod-sunod siyang tumango. "Good." Saka lang ito kumain uli.

Naguluhan si Anika. Hindi lang sa nararamdaman niya sa mga sandaling 'yon kung hindi sa inaakto ni Trick. Lalo na sa titig at tono nito. Ano ngang tawag 'don sa ingles? Palagi niyang nababasa 'yon sa mga nobelang pinapahiram ng mga kaklase niya sa kaniya noong high school siya.

"Oo nga pala. Huwag kang makikipag-usap kay Papa kapag nandito kayo sa kompanya. Mas lalong huwag mong ipahawak ang kamay mo. Iyon ang siguradong mami-misunderstand ng mga empleyado."

Nanlaki ang mga mata ni Anika. Kasi naalala na niya ang terminong kanina pa niya iniisip. Possesive.

Tumaas ang mga kilay ni Trick nang mapatitig sa mukha niya. "Why do you look so surprise all of a sudden?"

Nakanganga na pala siya, hindi niya namalayan. Mabilis niyang itinikom ang bibig at marahas na umiling. "Wala. Ubusin na natin 'to at baka ma-late ka sa meeting mo."

Mukhang nagtataka pa rin ito pero nagbaba na siya ng tingin at binilisan ang pagkain. Possesive? Si Trick? Para sa kaniya? Imposible. At hindi niya dapat iniisip 'yon. Ngayon na nga lang sila nagiging malapit at halos magkaibigan, bibigyan pa niya ng malisya? Hindi 'yon patas para kay Trick. Kailangan niyang maging maingat sa mga naiisip niya sa susunod.

Bachelor's Pad series book 11: ISLAND GIRL'S TYCOONWhere stories live. Discover now