Part 7

34.6K 753 18
                                    

MAINIT pa rin ang ulo ni Trick nang umalis siya sa mansiyon at umuwi sa Bachelor's Pad. Hindi na siya nakapagpaalam sa Mama niya kasi nang kakatok dapat siya sa Master's bedroom narinig niya ang mahinang boses nito at ng kanyang ama. Nag-uusap pa rin ang dalawa at kahit unforgivable ang pagdadala ng babae ni Papa, sigurado siya na mapapatawad ito ng kanyang ina. That frustrates and angers him more.

So tinawagan niya ang Lolo niya na nasa Europa para sa isang business trip na hindi nito matanggihan at sinabi rito ang nangyari. Katulad niya nagalit din ang matanda at nangako na pipiliting makauwi ng mas maaga kaysa sa orihinal nitong plano. Dapat kasi dalawang buwan itong mawawala. Kailangan daw nilang pamilya na pag-usapan ang tungkol sa babaeng dinala ng tatay niya.

Anika.

Isipin pa lang ang pangalan nito gusto na niya sumigaw sa galit. Lalo na nang maalala niya ang naging pag-uusap nila sa isa sa mga guestroom. He remembered those sad eyes that turned fiery and rebellious when she talked back at him. At sigurado na siya na nagkukunwari lang itong mahina at maamo para makuha ang atensiyon ng kanyang ama. He is sure she's just a gold digger who doesn't care if she ruins a family as long as she gets what she wants.

Hindi siya papayag. Hindi hahayaan ni Trick na sirain ng babaeng 'yon ang pamilya niya. Sure he doesn't like his father. Pero kung pati ang Mama niya maapektuhan, ibang usapan na 'yon.

Biglang may tumapik sa balikat niya. Lumingon siya. Nakita niya si Keith na kumunot ang noo habang nakatitig sa mukha niya. "What's wrong with you?"

Humugot siya ng malalim na paghinga. "There is a disaster at home. I need a drink."

Nagpunta sila sa common area kasi naroon ang bar counter na puno ng iba't ibang uri ng alak. May mangilan-ngilang residente ang nakatambay sa mahahabang sofa at meron ring nasa entertainment area kahit nakapatay naman ang malaking LCD screen. Kumunot ang noo ni Trick nang makita si Maki na may kinakalikot sa likod 'non. "Sira na naman?"

"Oo eh. Kapag hindi niya naayos ngayon papalitan na lang. Magpipitong taon na rin naman 'yan," sagot ni Keith.

Mabilis na inobserbahan niya ang mga residente. "Hindi pa rin nila nahuhulaan kung sino ang resident electrician natin dito?" mahinang tanong niya.

Natawa si Keith. "May ibang nakakahalata na. It's fine, I guess. Matagal na natin kasama ang mga nakatira rito at kahit 'yong mga umalis na kasi nag-asawa. The fact na dumadalas ang paglabas niya para mag-ikot sa Bachelor's Pad ay patunay na nagiging komportable na siya. Lumaki na ang social circle niya kompara noong una tayong nagkakilalang tatlo. The same goes for you."

Napalingon siya rito. Nakatingin na sa kaniya si Keith at nakangiti. "Hindi ka na rin masyadong anti-social. Though you're still a snob."

Umismid si Trick. "Ikaw rin naman. You don't look sad anymore. Though you got more annoying as the years go by."

Natawa si Keith, umiling at nagpatuloy na sa paglalakad papunta sa bar area. Umagapay siya. "Time can heal most wounds, ika nga," mahinang bulong nito nang nakaupo na sila sa high stool at may tig-isang baso na nang whiskey. Nakatitig ito sa baso at may palagay siyang kabaligtaran ng sinabi nito ang totoo. Pero bago pa siya makapagtanong tiningnan na siya nito. "So, what happened at home?"

Bumalik ang galit at frustration sa sistema ni Trick. Inubos muna niya ang alak sa basong hawak niya. "Bumalik na si Papa. He's alive."

Halatang nagulat si Keith at natuwa. "Good to hear that! So anong problema?"

Nakinita na naman niya ang mukha ni Anika. Tumiim ang bagang ni Trick. "Nagdala siya ng babae galing sa isla kung saan siya napadpad nang mahulog siya sa yate. At gusto niyang sa bahay na tumira mula ngayon ang babaeng 'yon. My mother was devastated. Kasi kahit sino ang makakita halatang may ibang namagitan sa dalawang 'yon sa loob ng isang buwan. There is something with the way they look at each other. And that woman... it was obvious with the way she stares at my father that she's in love with him. Hindi manhid ang tatay ko. Imposibleng hindi niya alam na ganoon ang nararamdaman ng babaeng 'yon sa kaniya. Pero dinala pa rin niya sa bahay kung saan nakatira rin ang Mama ko. Worst, that woman even looks younger than me! How sick and stupid is that?"

"Very... intruiging."

Kumunot ang noo ni Trick at napatitig kay Keith. He groaned when he saw that dazed look in his friend's eyes. Tumatakbo na ang imahinasyon nito. "Shit. Don't use that for your books," banta niya.

"So ano ang plano mo ngayon?"

Hindi nakaligtas sa pansin niya na sinadya nitong huwag magkomento sa banta niya. Hinablot niya ang bote ng alak at nagsalin uli sa baso niya. "Wala pa. Pero hindi ko hahayaang saktan nila ang damdamin ni Mama. I will get rid of that woman. If I have to make her life miserable until she goes away, I will do it."

"Seryoso ka?"

Ininom niya uli ang laman ng baso at determinadong tumango. "Seryosong seryoso."

Bachelor's Pad series book 11: ISLAND GIRL'S TYCOONWhere stories live. Discover now