Part 23

34.7K 760 12
                                    

MAHINANG hagikhikan ang unti-unting gumising kay Anika. Ayaw pa niya dumilat kasi inaantok pa siya at gusto pa matulog. Isa pa masyado siyang komportable sa pagkakahiga niya. Nababalutan siya ng masarap na init at makakatulog na sana ulit pero may narinig na naman siyang hagikhikan. Na sinundan ng pagkilos ng kung sino sa tabi niya at mainit na hininga sa bandang tainga niya.

Napadilat si Anika at nanlaki ang mga mata nang marealize ang dahilan kung bakit komportable at mainit ang pakiramdam niya. Kasi nakaharap na pala siya kay Trick at magkayakap sila! Bago pa siya makakilos dumilat na rin ang binata at nanlaki rin ang mga mata. Sabay silang kumalas sa isa't isa at mabilis na bumangon.

Lumawak ang tawanan ng mga kapatid niya. Napalingon siya sa mga ito. "Ang sarap ng tulog niyo ate," sabi ni Nestor.

Uminit ang mukha ni Anika, inayos ng mga kamay ang magulong buhok, tumikhim at tuluyang tumayo. "Anong oras na ba?"

"It's seven in the morning," sabi ni Trick na nang sulyapan niya ay nakatingin sa relo nito. Magulo ang buhok nito at medyo nangingitim sa bagong tubong balbas ang mga panga nito. Paos rin ang boses nito pero ang sarap pa rin sa tainga. Nakakapanayo balahibo sa batok at likod. Hindi niya namalayan na matagal na pala siyang nakatitig dito hanggang sa tumingala ito at magtama ang mga paningin nila. "So what's the plan today?" tanong nito. Hindi nakaligtas sa kaniya na hindi ito nagkokomento tungkol sa yakapan nila habang natutulog.

Tumikhim si Anika at sinulyapan ang mga kapatid niya. "Ang sabi ni Nanay sa araw ng operasyon na lang tayo bumalik sa ospital para may kasama ang mga bata. Ibig sabihin sa isang araw pa tayo aalis." Ibinalik niya ang tingin kay Trick. "Kung ayos lang sa'yo manatili rito nang ganoon katagal, pwede naman. Pero kung gusto mo na bumalik ng maynila at may appointment ka, ayos lang sa akin kung mauna ka na umalis." Tipid siyang ngumiti. "Ayos lang talaga. Pangako."

"Pinapaalis mo na siya, ate? Hindi pa nga namin siya naiikot sa isla," reklamo ni Rina, pangatlo sa bunso nila. Na sinundan din ng iba pa niyang mga kapatid. Napangiwi si Anika at sinulyapan si Trick. Hindi naman kasi siya ang magdedesisyon kung mananatili ito sa isla o babalik na sa maynila.

Tumayo ito at hinaplos ang damit na para bang inaalis ang lukot 'non. Pagkatapos ay sinuklay nito ng mga daliri ang magulong buhok. Wala sa loob na sinundan niya ng tingin ang bawat galaw ng mga kamay nito. Nanuyo ang lalamunan niya at nakuyom ang mga kamao kasi biglang parang gusto niyang mga daliri niya ang magsuklay sa buhok nito.

"Okay lang sa akin ang mag stay dito ng ilang araw pa. Ikaw ang assistant ko kaya alam mong wala akong importanteng appointments sa linggong 'to. The rest I already handled via phone call before we left Manila."

Kumurap si Anika. Napahiya siya sa sarili niya sa naging takbo ng utak niya. Tumikhim siya at tumango-tango. Saka siya bumaling sa mga kapatid niya at ngumiti. "Maghahanda ako ng almusal. Pagkatapos ipapasyal natin si Trick sa isla. Ayos ba 'yon?"

Masayang nagsipagtalunan at tilian ang mag kapatid niya. Natawa siya. Hindi niya mapigilan mahawa sa saya ng mga ito. Siguro kasi hindi naman tourist spot ang isla nila at halos walang bumibisita kaya kapag ganitong may dayo natutuwa ang mga ito. Nakangising nilingon niya ang binata na titig na titig sa mukha niya. "Humanda ka. Mauubos ang energy mo sa mga batang 'to," pabirong sabi niya.

Umangat ang gilid ng mga labi ni Trick. "I'm actually excited." Pagkatapos nagulat siya nang lumawak pa ang ngiti nito hanggang maging ngisi. "I have a feeling it's going to be a fun day."

Sandaling nahigit niya ang hininga. Parang may mga paru-parong nagliparan sa sikmura niya at uminit ang pakiramdam niya. Kung dadalasan nitong ngumisi ng ganoon, siguradong magiging masaya nga ang araw na 'yon.

"YOU HAVE a fantastic voice, do you know that?"

Gulat na napatingala si Anika kay Trick. Magkaagapay silang naglalakad sa dalampasigan, sa bahagi ng isla na hindi dinadaungan ng mga bangka at pasyalan ng mga taong nakatira roon. Naliligo sa dagat ang mga kapatid niya at malayo-layo na sila sa mga ito.

Bachelor's Pad series book 11: ISLAND GIRL'S TYCOONDonde viven las historias. Descúbrelo ahora