Part 31

34.3K 856 39
                                    


KINABUKASAN palabas pa lang ng apartment niya si Anika para pumasok sa trabaho ay may kumatok na sa pinto niya. Mabilis niyang binuksan ang pinto sa pag-aakalang si Sheila ang nasa labas. Nawala na kasi sa isip niyang puntahan ang apartment nito kagabi.

Pero nagulat siya nang si Trick ang makita niya. Out of place ang hitsura nito sa apartment building na 'yon kasi nakasuot ito ng itim na business suit at parang modelong tumalon palabas ng billboard. Natulala tuloy siya at nakaawang ang mga labing napatitig lang sa mukha nito.

Kumislap sa pagkaaliw ang mga mata ng binata at may sumilay na ngiti sa mga labi na noon lang niya nakita. Pilyo ang ngiti nito. "Good morning."

Kumurap si Anika at saka lang nagawang magsalita, "Anong ginagawa mo rito?"

"On the way ang apartment mo papuntang opisina so dinaanan na kita."

Kumunot ang noo niya. Tuluyan siyang lumabas at isinara ang pinto sa likuran niya. "Nasa kabilang side ang Bachelor's Pad, 'di ba? Paanong naging on the way?"

Natigilan si Trick. Pero sandali lang ay mahina na itong natawa. Nang salubungin nito uli ang tingin niya at ngumisi ay parang may lumamutak sa puso ni Anika. Lalo na nang magsalita ito, "Actually, I just really want to pick you up. Kasi gusto kong sabay tayong pumasok sa opisina. Kasi gusto kitang makita agad."

May init na humaplos sa puso niya at may bumara sa lalamunan niya. Huminga siya ng malalim para kalmahin ang sarili niya. Pilit siyang ngumiti. "T-tara na nga." Nauna siyang maglakad at umagapay agad sa kaniya ang binata. Nang makalapit sila sa kotse nito pinagbuksan pa siya ng pinto ni Trick. Para na namang hinalukay ang sikmura niya at uminit ang pakiramdam niya sa ginawa nito.

Hindi lang doon nagtatapos ang biglang pagbabago ng kilos, pananalita at ekspresyon ng binata. Bago sila dumeretso sa opisina ay huminto pa sila sa Chef Derek's para kumain ng almusal. Mas maasikaso ito kaysa dati. Pinaglalagay siya ng pagkain sa pinggan. Tinatanong paulit-ulit kung ano ang gusto niyang kainin. At imbes na kumain din ay halos naubos ang oras nila sa almusal na nakatitig ito sa kaniya, may munting ngiti sa mga labi at kislap sa mga matang nagpapabilis sa tibok ng puso niya.

Kahit nang nasa opisina na sila, hindi na tulad ng dati na kapag natutok na ito sa trabaho ay wala na itong naririnig at nakikita. Ngayon sa tuwing lalapit siya para maglapag ng papeles o kaya magbigay ng tasa ng kape, titingala ito agad at matagal na makikipag-usap sa kaniya, palaging nakangiti. Sabay din silang kumain ng tanghalian at nang oras na ng uwian ay sinabay na naman siya nito sa kotse nito. Kumain sila sa labas bago siya nito hinatid sa apartment niya.

Akala ni Anika sa araw na 'yon lang ang mga pangyayaring 'yon. Pero nagulat siya nang kinabukasan ay sinundo na naman siya ni Trick. Sabay na naman sila nag almusal at katulad din kahapon ang naging trato nito sa kaniya habang nasa opisina sila. Ang naiba lang, nang ihatid siya nito pauwi ay nagpahaging ito na dapat daw alukin niya itong magkape man lang. Kaya inaya niya ito sa loob at walang pagdadalawang isip na pumasok ito sa apartment niya.

Hindi na talaga siya nakatiis sa pagkakataong 'yon. Pagkatapos niya ilapag sa harap nito ang tasa ng kape ay umupo siya sa katapat nitong silya at pinakatitigan ito. "Kakaiba ka simula pa kahapon."

Umangat ang mga kilay ni Trick at imbes na sumagot ay humigop lang ng kape.

Kumunot ang noo ni Anika. "Hindi mo ba sasabihin sa akin kung ano ang nasa isip mo? Kung bakit ang bait mo sa akin at kung bakit...kakaiba ang tingin mo sa akin?"

Ibinaba ng binata ang tasa at seryosong sinalubong ng tingin ang mga mata niya. "Hindi mo alam? You really don't have any idea why I'm acting like this?" malumanay na tanong nito.

Bumilis ang tibok ng puso niya at uminit ang pakiramdam niya. Hindi nito nilulubayan ng titig ang mukha niya. Hindi rin niya maiwas ang tingin sa mga mata nito. Nakikita niya roon ang sagot sa tanong niya. Nanuyo ang mga labi ni Anika at mariing nakuyom ang mga kamay.

"You really don't know?" ulit ni Trick.

Lumunok siya, sandaling pumikit at nang dumilat ay bumulong, "Ayokong mag assume. Baka mali ako. Ayokong bigyan ng espesyal na kahulugan ang mga ipinapakita mo sa akin kasi baka... sa akin lang pala espesyal at sa'yo hindi." Katulad nang naging pagkakamali niya kay Patrick noon. Hindi idinugtong ni Anika ang huli niyang naisip pero may palagay siya na nabasa naman ng binata sa mukha niya 'yon kasi tumiim ang bagang nito at naningkit ang mga mata.

"There is something between us, Anika. Something very different from your relationship with my father." Nahigit niya ang hininga nang ipatong ni Trick ang isang kamay sa nakakuyom niyang kamao. Uminit ang mga mata niya nang magsalubong ang tingin nila. "Sinabi ko sa'yo noong nasa isla tayo na gusto kita. You are one of the few people that I really like. Pero lately narealize ko na hindi lang kaibigan ang pagkagusto ko sa'yo. I confirmed it the night you stayed at my unit. What I feel for you is something special, Anika. Something I've never felt for anyone before."

"Trick..." garalgal na bulong niya.

"Say it," malumanay na sabi nito. "I know you have something to tell me. I wont judge you. I want to know."

Mariin siyang pumikit at huminga ng malalim. "E-espesyal ka rin para sa akin." Dumilat siya at kahit nahihiya at nakokonsiyensiya na ganoon ang nararamdaman niya ay pilit pa rin niyang sinalubong ng tingin ang mga mata nito. "Hindi ko alam eksakto kung kailan naging ganito ang nararamdaman ko para sa'yo Trick. Basta alam ko lang, komportable ako kapag kasama kita. Masaya ako kapag nakangiti ka. Sa tuwing naririnig ko ang tawa mo, parang pinipiga ang puso ko at parang gusto ko umiyak sa saya. At sa tuwing tinititigan mo ako na katulad ngayon... parang gusto kitang..." Huminto siya at mariing kinagat ang ibabang labi.

Ngumiti ang binata at naging pilyo ang kislap sa mga mata. "Gusto mo akong ano?"

Uminit ng husto ang mga pisngi niya. "Gusto kitang... yakapin."

Kumislap ang mga mata nito. Napahawak si Anika sa sikmura niya kasi hayun na naman ang titig nito. At sa pagkakataong 'yon alam nito kung ano ang epekto 'non sa kaniya. Lalo lang tuloy uminit ang mga pisngi niya.

Napakurap siya nang bitawan nito ang kamay niya at tumayo. Napatingala siya nang humakbang si Trick hanggang nasa tabi na niya ito. Ibinuka nito ang mga braso, nakatitig pa rin sa mukha niya. "You can hug me. I would love that." Pagkatapos ay masuyo at mainit pa itong ngumiti. "I love everything you do, Anika. I love you."

Namasa ang mga mata niya at may hikbi na bumara sa lalamunan niya. Bigla hindi na niya kaya pang tiisin ang emosyong pumupuno sa puso niya mula pa nang walang pagdadalawang isip na samahan siya ng binata sa probinsya nang maaksidente ang Tatay niya. Tumayo siya, sa sobrang bilis ng kilos niya ay muntik na matumba ang silya niya. Pagkatapos ay mahigpit niya itong niyakap. Agad na pumaikot ang mga braso ni Trick sa katawan niya. Mahigpit. Na para bang katulad niya ay matagal na rin nitong gustong yakapin siya.

"This feels nice," bulong nito sa gilid ng ulo niya bago niya naramdaman na magaan siya nitong hinalikan doon.

Isinubsob niya ang mukha sadibdib nito at huminga ng malalim.

Bachelor's Pad series book 11: ISLAND GIRL'S TYCOONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon