Part 34

34.9K 768 27
                                    


NAKAKABAGOT ang araw na 'yon para kay Anika. Kaninang umaga pa niya nadeliver sa kung saan-saang opisina ang mga papeles na napirmahan ni Trick kahapon. Ilang secretary lang din at staff ng iba't ibang department ang nagpunta sa opisina para magbigay ng mga papeles na kailangan basahin at aprubahan ng binata pagbalik nito bukas.

Napabuntong hininga siya at iginala ang tingin sa opisina na ang lungkot tingnan ngayong wala ang binata. Kausap niya naman ito sa cellphone kaninang umaga pero ang sabi nito mamayang gabi pa uli ito makakatawag. Ganoon ka-hectic ang schedule nito sa araw na 'yon.

Pagdating ng alas singko ng hapon nagdesisyon si Anika na umuwi na. Ang weird ng pakiramdam na mag-isa siyang naglalakad sa hallway at mag-isa ring sasakay sa elevator pauwi. Nasanay kasi siya na kasama niya si Trick. Pasara na ang pinto ng elevator nang may sumigaw na sasakay daw ito. Agad na pinindot niya ang button para bumukas uli 'yon at nagulat siya nang makitang si Patrick ang pumasok sa loob.

Ngumiti ito. "Ang tagal na nating hindi nagkikita ng ganito."

Napangiti rin siya. "Oo nga."

"Then let's have dinner. Sa tingin ko marami tayong dapat pag-usapan. I miss the days when we used to talk about everything, Anika. I bet may iba ka nang confidante. Hindi mo na ako kailangan?" pabirong tanong nito, nakangiti pa rin. Pero nakita niya sa kislap ng mga mata nito na may halong katotohanan ang sinabi nito.

Bigla niyang narealize na alam ni Patrick ang tungkol sa kanila ng anak nito. Hindi niya alam kung sinabi ni Trick o talagang malakas lang ang pakiramdam nito. Uminit ang mukha niya at medyo nakonsiyensiya sa tanong nito.

Huminto na sa parking lot ang elevator kaya hindi na siya nagkaroon ng pagkakataong sumagot. Malayo-layo sa opisina ang restaurant na pinuntahan nila. Naiintindihan niya kung bakit doon siya dinala ng lalaki. Wala silang ginagawang masama pero mahirap pa ring may empleyado ang makakita sa kanila. Umorder sila ng pagkain. Puro seafoods kasi namimiss daw nito ang palagi nilang kinakain noon sa isla.

Nagsimula ang usapan nila sa pangungumusta nito sa Tatay niya. Kasunod ang kung ano ang pinagkakaabalahan ng Nanay at mga kapatid niya. Sinabi rin nito sa kaniya ang tungkol sa bawat araw nito. Tungkol sa mga charity na personal nitong binibisita. Tungkol sa asawa nito na mas maganda na raw ang disposisyon kaysa noong huli niyang nakita.

Nasa kalagitnaan na sila ng pagkain nang ngumiti si Patrick at maging makahulugan ang tingin sa kaniya. "Kamusta kayo ni Trick. Even I can see that you're getting along with each other. Sa tuwing nakikita ko kayo, napapansin ko na mas nagiging close kayong dalawa. I cannot even call you or wave at you inside our building kasi palagi kayong magkasama. There is just something between the two of you that makes it hard for anyone, even me, to butt in."

Uminit ang mukha niya. Nagbaba ng tingin at kinagat ang ibabang labi. Nahihiya si Anika pero alam niyang kailangan niya sabihin ang totoo. Huminga siya ng malalim at lakas loob na tumingala para tingnan ang mukha nito. "Patrick."

"Yes?" tanong nito kahit nakikita niya sa mga mata nito na alam na nito ang sasabihin niya.

Mabilis ang tibok ng puso niya at nanlalamig siya sa kaba. "Totoo na malapit na kami ni Trick sa isa't isa. Alam ko na hindi maganda ang naging simula ng pagkakakilala namin. Hindi niya ako gusto kasi... alam mo kung bakit. Hindi rin ako komportable sa presensiya niya kasi nga palagi niya akong inaaway. Pero sa bawat araw na magkasama kami, nakilala namin ang isa't isa. Noong nagpunta kami sa isla... doon ko talaga narealize na gusto ko siya, Patrick. At gusto niya rin ako." Huminga siya ng malalim at mariing kinuyom ang mga kamao. "Mahal ko siya at mahal niya rin ako."

Matagal na hindi nagsalita si Patrick. Tumitig lang sa kaniya. Natakot siya na baka magalit ito sa kaniya. Na baka putulin na nito ang koneksiyon na mayroon sila kasi hindi ito sangayon sa relasyon nila ni Trick. Kaya nagulat siya nang biglang ngumisi ang lalaki at tinapik ang kamao niya. "I'm glad to hear that."

Bachelor's Pad series book 11: ISLAND GIRL'S TYCOONWhere stories live. Discover now