Part 18

31.1K 719 1
                                    


EKSAKTONG tatlong linggo mula nang tumuntong si Anika sa maynila, nakatanggap siya ng tawag mula sa pamilya niya. Regular naman sila nag-uusap sa cellphone pero sa araw na 'yon, hindi niya alam kung bakit bigla siyang nanlamig at kinabahan nang makita niya ang numero sa screen.

Nasa trabaho siya sa araw na 'yon. Naglock ng pinto ng private office niya sa Trick kasi nakatanggap ito ng tawag na hindi niya alam kung kanino galing. Ang alam lang niya ay naging seryoso ang mukha nito at natensiyon ang buong katawan. At higit sa lahat, ayaw nitong marinig niya kung ano ang pag-uusapan nito at ng tumawag.

Kaya nang mag-ring ang sarili niyang cellphone, hindi nagdalawang isip si Anika na sagutin 'yon. Nag-hello siya, inaasahan ang masayang boses ng nanay niya sa kabilang linya. Kaya lalong tumindi ang kaba niya nang hikbi ang narinig niya. Kasunod ang garalgal na, "Ate..."

"Nestor? Bakit ka umiiyak?" tarantang tanong niya sa kapatid niya. "Si Tatay at Nanay, nasaan?"

Lumakas ang iyak ng kapatid niya. "Nasa bayan sila ate. Si T-tatay... naaksidente siya. Nadale ng motor ng bangka ang isang binti niya. Tinakbo siya ng mga nakakitang mangingisda sa ospital. Ate... iyak ng iyak si Nanay. Naiwan kami dito sa bahay. Hindi namin alam kung ano na ang nangyayari kay Tatay. H-hindi ka ba pwede umuwi rito?"

Parang nilalamutak ang puso niya sa pag-iyak ng kapatid niya. Nanakit ang lalamunan niya at naluluha na rin siya pero kailangan niyang tatagan. "Sige Nestor. Huwag ka na umiyak. Gagawa ako ng paraan para makauwi ako ha? Huwag ka mag-alala, ayos lang si Tatay. Sigurado ako." Paulit-ulit niyang inalo si Nestor hanggang marinig na niyang tumigil na ito sa paghikbi. Saka lang niya nagawang magpaalam at tapusin ang tawag.

Ilang segundong natulala si Anika, nanginginig ang buong katawan at naba-blangko ang utak sa pagkataranta. Anong gagawin niya? Paano siya uuwi? Ang una niyang sweldo mula nang magtrabaho siya ay ipinadala na niya kaya sigurado siya na may perang hawak ang Nanay niya. Kaso siya sapat lang ang hawak niya hanggang sa susunod na sweldo. Gusto niyang makita ang Tatay niya at masiguro na ayos lang ito.

Si Patrick. Matutulungan siya ni Patrick.

Kumurap siya at mabilis na hinanap sa contact list niya ang numero nito. "Sagutin mo. Sige na," paulit-ulit na bulong niya habang naririnig ang ring sa kabilang linya. Pero nagpatuloy lang 'yon sa pag-ring hanggang maputol ang tawag. Mariin siyang napapikit. Baka nasa gitna ng meeting si Patrick kaya hindi magawang sagutin ang cellphone nito. Napahikbi siya nang makinita ang Tatay niya na nasa ospital. Siya ang panganay. Dapat nasa tabi siya ng pamilya niya sa ganitong pagkakataon.

Biglang bumukas ang pinto ng private office ni Trick. Dumilat siya at mabilis na lumingon sa binata na napahinto sa akmang paglabas at nanlaki ang mga matang napatitig sa kaniya. "What's wrong?" tanong nito nang makabawi sa pagkabigla. Sa dalawang hakbang ay nasa harap na niya ito. "Bakit ka umiiyak?"

Marahas na pinahid ni Anika ng kanyang mga kamay ang luha niya. Nanginig ang mga labi niya nang makita ang pag-aalala sa mukha ni Trick. "P-pasensiya ka na. Pero alam mo ba kung nasaan si Patrick? Tinatawagan ko siya pero hindi niya sinasagot. K-kailangan ko lang talaga siya makausap ngayon din. I-importante."

May dumaang emosyon sa mga mata nito. Pero nakatuon masyado ang atensiyon niya sa tawag ni Nestor para maintindihan kung ano 'yon. Tumiim ang bagang ni Trick. "Si Papa lang ba talaga ang kailangan mo? He's busy and I am here, Anika. Sabihin mo sa akin kung ano ang problema."

Huminga siya ng malalim para kalmahin ang sarili pero ang hirap talaga gawin. Yumuko ang binata at ikinulong ang mukha niya sa magkabilang palad nito hanggang wala na siyang pagpipilian kung hindi ang salubungin ng tingin ang mga mata nito. "Tell me," malumanay na sabi nito.

Lumunok si Anika. "Si T-tatay, nasa ospital daw siya. Naaksidente. Kailangan ako ng mga kapatid ko sa isla. Kailangan ako ng mga magulang ko ngayon, Trick. Pero nandito ako, malayo sa kanila." Napahikbi na naman siya, mariing pumikit at umiling. "Dapat nasa tabi nila ako."

"Okay. Calm down," malumanay na bulong ng binata. Naramdaman niyang lalo itong lumapit sa kaniya hanggang halos maramdaman na niya ang hininga nito sa mukha niya. "Makakauwi ka. I promise. Makikita mo ang pamilya mo."

Dumilat si Anika at nakita niya ang sinseridad at determinasyon sa mga mata ni Trick. Unti-unti siyang nakalma. Kasi nakikita niya sa mukha nito na ito ang tipo ng taong nakukuha ang lahat ng gusto at nagagawa ang lahat ng napagdesisyunan. Kaya kung sinabi nito na makikita niya ang pamilya niya, sigurado siyang 'yon nga ang mangyayari. Huminga siya ng malalim at dahan-dahang bumuga. "P-paano?"

Sandaling humigpit ang mga kamay nito sa mukha niya bago dumeretso ng tayo at dahan-dahan siyang binitawan. "Nasaang ospital ang tatay mo?"

Sinabi niya ang pangalan ng ospital at ang pangalan ng bayan nila. Tumango ito, dumukot ng cellphone at may tinawagan. "I need a ride to Camarines Sur. Asap." Nakinig ito sa kausap, tumango-tango, tumingin sa relo at sumulyap sa kaniya. "Okay. We'll meet you there later." Saka nito tinapos ang tawag. "Ilang araw mo balak mag-stay doon?"

Kumurap siya. "Hindi ko alam... Hanggang masiguro ko na ayos si Tatay."

Tumango uli si Trick. "Go home for now. Get some clothes. Pagkatapos bumalik ka rito."

Tumayo si Anika. "Sige." Mabilis na kinuha niya ang shoulder bag, mahigpit na hinawakan ang strap 'non at tinitigan ang binata. "Salamat, Trick." Hindi ito sumagot. Tumango lang uli. Pero ayos na 'yon sa kaniya. Pilit siyang ngumiti at saka halos patakbong lumabas ng opisina.

Bachelor's Pad series book 11: ISLAND GIRL'S TYCOONWhere stories live. Discover now