Part 4

38.3K 745 34
                                    


NAPAATRAS SI ANIKA at kinapos ng paghinga. Para siya nitong pisikal na sinaktan sa sinabi nito. May asawa at anak na si Patrick. May pamilya itong naghihintay at babalik na ito sa mundo nito.

Iiwan siya. At malamang hindi na ito babalik. Makakalimutan na siya nito.

Sa kaniya lang naging espesyal ang nakaraang mga linggong kasama niya ito. Siya lang ang nagmahal. Bakit hindi nito sinabi agad na may pamilya na ito? Bakit hinayaan pa nitong mahulog ang loob niya rito?

Alam niya agad ang sagot. Nakikita niya sa mukha nito. Naaawa ito sa kaniya. Alam nito ang nararamdaman niya at pagpapakita nito ng konsiderasyon sa kaniya ang pagtatago nito sa katotohanan. Kasi ang totoo, wala itong espesyal na pagtingin sa kaniya. Wala ipinakitang kakaiba sa kaniya si Patrick. Mabait ito sa kaniya katulad ng mabait din ito sa lahat ng kapatid niya. Ni hindi siya nito hinawakan sa kakaibang paraan o tinangkang halikan na gaya ng maraming kalalakihan sa isla nila at sa bayan noong doon pa siya nakatira.

Ang sakit ng puso niya ngayon, siya lang ang may kasalanan.

Napaatras siya uli. Namamasa na ang mga mata. Halatang nataranta si Patrick at humakbang palapit pero umatras lang siya uli.

"Anika. I like you. Really, you are a very sweet, loving and caring woman. You are the best friend I've never had. Hindi ko inaalala ang edad natin. Wala pa akong nakilalang katulad mo sa buong buhay ko. Wala pa akong nakilala na taong pinagdaanan ang mga pinagdaanan mo."

Ang sarap sana pakinggan. Kaso isa lang ang nasa utak niya ngayon. Na oo gusto siya nito pero hindi sa paraang gusto niya. Hindi siya nito mahal.

"Gusto kong magkaroon ka ng magandang buhay. Gusto kong mabigyan ka ng oportunidad. Ayokong ma-stuck ka sa isla, makapag-asawa ng taga-rito rin at tumanda dito. You deserve a better life. You deserve to see the world. You deserve to pursue the career that you really want. Katulad ng pangarap mo na palagi mong sinasabi sa akin sa nakaraang isang buwan."

Tumulo ang mga luha ni Anika. Ang sikip ng dibdib niya. Humakbang na naman ito at hinawakan siya sa magkabilang balikat. Hinuli nito ng tingin ang mga mata niya. "Sumama ka sa akin. Hindi ko nasabi sa inyo pero mayaman ako. My family is really really rich. There is nothing we can't do. Sa maynila, magkakaroon ka ng bagong buhay. Maiaahon mo sa hirap ang pamilya mo. You will be able to make use of your full potential as a person. You are smart and very beautiful, Anika. You can do anything as long as you want to do it. Kaya sumama ka sa akin."

Para ano? Para makita ito kasama ang asawa at anak nito? Para lalo niyang marealize na talagang hindi ito magiging kaniya kahit kailan? Para iwan ang Nanay, Tatay at mga kapatid niya ngayong kailangang kailangan siya ng mga ito?

Marahas siyang umiling at kumalas mula sa pagkakahawak nito. "Hindi ako sasama sa'yo. Bumalik ka na sa mundo mo Patrick. Itong isla, ito ang mundo ko. 'Yong mga sinabi ko sa 'yo na mga pangarap ko, balang araw matutupad ko ang mga 'yon kahit na wala ang tulong mo. Paalam na."

Tumalikod si Anika at tumakbo palayo. Sa pagkakataong 'yon hindi na siya nito sinundan. Ayos lang. Nagkaroon siya ng pagkakataong umiyak nang walang nakakakita. Sigurado siya na pag-uwi niya mamaya, alam niyang wala na ang lalaki at hindi na nito makikita kung gaano siya nasasaktan.

ILANG oras pa lang ang lumipas mula nang umupo siyang mag-isa sa dalampasigan nang marinig ni Anika sa 'di kalayuan ang motor ng papalayong bangka. Sa tunog pa lang alam na niyang malaki 'yon at bago. Malamang 'yon ang dala ng Mayor nila. Umalis na ang mga ito. Kasama si Patrick.

Huminga siya ng malalim at nagdesisyong bumalik na sa bahay nila. Sigurado rin kasi nag-aalala na ang pamilya niya. Isa pa, hindi lang naman siya ang malulungkot sa pag-alis ng lalaki. Sa loob ng ilang linggo, naging bahagi ito ng pamilya nila. Hindi lang siya ang dapat nagmumukmok.

Bachelor's Pad series book 11: ISLAND GIRL'S TYCOONKde žijí příběhy. Začni objevovat