Part 16

33.5K 753 14
                                    


SA MGA sumunod na araw, napansin ni Anika na may nabago sa pagitan nila ni Trick. Mas komportable na sila sa isa't isa. Para na silang magkaibigan. Hindi na palaging nakasimangot o kaya nakakunot ang noo ng binata. Oo at hindi pa rin niya ito nakikitang tumawa o kahit malawak man lang na ngumiti. Pero at least madalas na niyang nakikitang nakaangat ang gilid ng mga labi nito. Pati ang tono nito, mas mabait na kaysa dati.

Hindi na nila uli pinag-usapan ang tungkol sa damdamin niya para kay Patrick. Madalas rin sila kumain na magkasama. Dati kasi kapag inaalok niya itong magtanghalian o kaya mag meryenda ay tumatanggi ito. Ngayon iniiwan na nito ang trabaho kapag inaaya niya. Maliban na lang kapag sobrang importante ang ginagawa nito at talagang hindi kayang mag-break. Katulad sa araw na 'yon.

Kumatok siya sa opisina nito para ayain ito kumain pero may ka-video conference ito at mukhang seryoso at importante ang pinag-uusapan ng mga ito. Sinulyapan lang siya nito at sumenyas. Hindi ito pwedeng umalis. Nadismaya siya at sana hindi 'yon masyadong halata sa mukha niya. Pilit na lang siyang ngumiti, tumango at tipid na kumaway bago tahimik na isinara ang pinto ng private office nito.

Hindi alam ni Anika kung bakit pero biglang nawala ang gutom niya. Parang wala siya sa mood kumain sa kung saang kainan lalo at dalawang araw na silang sabay kumakain ni Trick. Medyo nanibago siya ngayon. Nang makalabas siya ng building nagdesisyon siyang mag-take out na lang ng pagkain at dalhin sa opisina. At least sabay pa rin sila makakakain. Kaya sumakay siya ng taxi at nagpunta sa Chef Derek's. Napansin kasi niya na 'yon ang paboritong kainan ng binata. Hindi lang daw dahil kaibigan nito ang chef-owner na nakilala na niya sa ikatlong beses na pagpunta nila roon. Masarap kasi talaga ang pagkain 'don.

Pagpasok pa lang niya sa restaurant nakita niya agad si Derek Manalili, nakasuot ng chef uniform at masayang nakikipag-usap sa dalawang babaeng nakapuwesto sa isang lamesa. Nag-angat ng tingin ang lalaki, dumeretso ng tingin at malawak na ngumiti nang makita siya. "Anika! Hey."

Ngumiti siya at lumapit. "Hi. Mag-te-take out sana ako. Hindi makalabas ng opisina si Trick eh. May video conference siya."

"Sure. I'll call a waiter. Umupo ka muna rito. Hinihintay din nila Sheila ang takeout order nila."

Tiningnan ni Anika ang dalawang babae na pareho na rin nakatingin sa kaniya. Ngumiti ang isa at itinuro ang sarili. "Ako si Sheila." Pagkatapos itinuro nito ang katabing babae. "Ito si Slyve. Hindi rin makaalis sa opisina ang mga kaibigan namin kaya nag-take out na lang din kami. Upo ka."

May lumapit na waiter at sinabi niya ang order niya pagkaupo niya. Mayamaya pa, nagpaalam na sa kanila si Derek kasi kailangan na ito sa kusina. Naiwan silang tatlo sa lamesa.

"So, si Trick Alfonso ba ang tinutukoy mong Trick?" tanong ni Sheila.

"Oo. Assistant niya ako."

"Ah. Akala ko girlfriend ka niya at dadalhan mo siya ng lunch."

Uminit ang mukha ni Anika at mabilis na umiling. "H-hindi niya ako girlfriend."

"Eh bakit kilala ka ni Derek?"

"Naisama na kasi ako ni Trick dito."

"At bakit tinatawag mo siya sa pangalan? Kung assistant ka niya, 'di ba dapat 'sir' ang tawag mo sa kaniya?" tanong pa rin ni Sheila.

Natigilan si Anika. Oo nga 'no. Weird na hindi sir ang tawag niya kay Trick. Paano kung may tao sa kompanya ang makarinig sa kaniya at isipin na nagiging bastos siya sa boss niya? Oo at nakatira siya sa mansiyon ng mga Alfonso at nagkakilala sila sa hindi pangkaraniwang paraan. Pero kailangan niyang maging maingat. Kailangan niya maging propesyunal.

Bachelor's Pad series book 11: ISLAND GIRL'S TYCOONWhere stories live. Discover now