To Love Again - cHappy twenty-four

2.3K 48 1
                                    

To Love Again – cHappy twenty-four

 

 LESTER's pov

"What! An accident?!" I shifted my car into reverse gear and sped back to St. Louis Medical Hospital. Drat!

<"Hurry up, Les. Alam kong kababalik mo lang ng bansa but this one's important.">

"I know, Freed. In fact, kagagaling ko lang dun to check our hospital. Kung alam ko lang na babalik ako—"

I heard him laugh. <"Man! Alam ko na kung san ka pupunta. You were always checking her everytime you're here in the Philippines. You can do it later. Papunta na rin ako. I'll see you there.">

"Great." I said then hung up the phone.

After I parked my car, dumiretso na agad ako ng Emergency Department. Maliban sa nagkakagulong mga reporters sa labas, napansin kong nakatulala lang 'yung ibang babae sa palibot ng kinahihigaan niya. Iiling-iling na lang na pumunta ko dun. Wala pa sila Tita. Mukhang ako ang nauna dito ah.

"Doc Louis! Akala ko po naka-alis na kayo!" ngumiti lang ako dun sa nurse. Hindi pa ko ganun ka pamilyar sa mga tao dito.

Binalingan ko 'yung doctor na nag-aasikaso sakanya. "How's he?"

She turned to me. "He broke his arm—Oh! Doc, I thought you left already." Binaba niya 'yung stethoscope niya. Hindi ko siya masisisi. Kanina lang magka-usap kami sa meeting at siya pa nga ang naghatid sakin palabas.

"Anyway, hindi gaanong kalala ang kalagayan niya. Hinihintay na lang namin 'yung x-ray to know kung may nabaling buto sa hita niya."

"Thanks, Doc Montaner."

"No problem. Kakilala mo?"

"Yeah, he's my friend."

Her jaw dropped. "Arwill Alvarez is your friend? Wow. Hindi na ko magtataka." H-in-ead to foot niya ko. "With your looks."

I chuckled. "Doktora naman." Natawa din siya.

"I'll leave the rest to you dahil kaibigan mo naman siya." Nilibot niya 'yung paningin niya. "Brida, wake up! Stop idling people! Work! Work! Work!"

Parang nagising naman lahat ng mga babae dun at nagresume na sa kanya-kanyang ginagawa. Natawa na lang ako. No wonder, kinuha siyang acting director ni Dad.

Binigay niya sakin 'yung doctor's robe ko. "Magtrabaho ka na rin para hindi masayang ang pagpunta mo dito."

"Ang daya mo talaga Doc."

She just laughed at me at tumalikod na. Nakita kong may kinawayan siya sa 'di kalayuan at sinundan ko ng tingin kung sino.

A woman. Not just a woman but a familiar one.

_____________

LAUREN's pov

"Syet! Ang gwapo niya sa personal grabe!"

"Ang swerte nina Liza, nahawakan siya! Aaaaahhh! Grabe! Sana sa Emergency Department na lang ako nalipat!"

"Kainggit! Gusto ko rin siyang makita!"

"Lau! Samahan mo naman kami sa kabaliwan dito!"

Natawa na lang ako. "Bat ko kayo sasamahan eh mga baliw nga kayo?"

"You're so madaya!"

"Sino bang pinag-uusapan niyo?"

"'Yung gwapong F1 racer na nasa bansa ngayon! 'Yung model ng Guess at nag-, uumapaw ang sex appeal. Ugh! Grabe talaga, Lau! Pag nakita mo siya, I swear! Mababaliw ka!"

To Love Again [TSCM series 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon