CHAPTER FORTY-FOUR

2.6K 39 0
                                    

- 44 -

"Happy birthday pare!" Nakahilata lang ako sa couch nang marinig ko si Radson sa kabilang linya matapos kong sagutin ang tawag.

"Hoy! Bumangon ka na jan! Hindi mo man lang ba kami papakainin?!" Hyper na tanong nito sa kabilang linya.

"Wala akong handa. Inom na lang sa bar ni Usher pagkatapos kong dumaan sa mansion."

"Sure!"
Pinatayan ko na ito ng tawag.

Mabilis akong tumungo sa banyo para maligo at nagsuot lang ng simpleng t-shirt at maong pants. There's nothing special today.
Hindi na rin akong mag-abalang mag-shave. For what? Wala naman ang babaeng gusto kong pakitaan ng kagwapuhan. Damn.

Mabilis akong nakarating. Maraming nag-iba sa Mansion. Two years had passed when the last time I went here.

Mas yumabong ang mga bulaklak ni Mom.
Nagkalat ang mga driver at katulong. Napatigil sila nang makita ako.

"Magandang umaga sir! Welcome back po at happy birthday!" Nagsunod sunod nag bati nila na nginitian ko lang.

Tuluyan na akong pumasok sa loob. I can't deny that I really miss my home. Pinagbuksan ako ng pinto at hinayaan ko lang iyon.

Sabihin na nilang maraming nagbago sa akin, pero yun naman talaga. Parang wala na akong gana sa lahat.

Hindi ko na tin alam kung ano ang estado ng hospital ko at ang kompanya. Nakatuon lang ang atensyon ko sa paghahanap Kay Lianne at ang sa anak ko.

Sana mapatawad nila ako.

"Ang panganay ko! Ang aga mo naman!" Natatarantang saad ni Mom. Nakasunod lang sa kanya si Dad na seryoso lang.

"Happ birthday Son." Tumango lang ako kay Dad.

"Wala pa si Kat anak, pwede bang sunduin mo?" Napakunot ang nuo ko. Hindi soya natulog dito?

"Okay where is she?" Sumusukong tanong ko. Where's Nicko? Hindi niya ba ihahatid?

"Sa condo ni Nicko Son." What?  Are they living together?!

"Yes." Tumango si Dad na parang nabasa ang nasa isip ko .

What?!

"Why did you let them Dad?!" Ngumiti ito at umiling. "She's twenty-six son, she can decide on her own."

Napakamot ako sa nuo. Okay! Nangyari na. Hindi ko na magagawang hilain siya ulit dito. I understand, she wanted to be with him. Pero, kung sasaktan niya ang kapatid ko, hindi ako magdadalawang isip na kaladkarin siya pauwi.

"Malapit na itong maluto. Sakto, kapag nasundo mo na ang kapatid mo." I just nodded. Nakita ko pa ang paghahanda nila ng table malapit sa pool pero hindi ko na iyon pinansin at tinungo ang pinto ng mansion.

"Where's your boyfriend?" I asked when she entered my car. "He's busy sa company Kuya e, sinabihan ko na lang na dumiretso rito sa bahay mamaya."

"Hindi ka man lang nag-ahit!" I raised my eyebrows. What's wrong with that? "I mean, birthday mo kuya! Dapat mag-ayos ka naman."

I didn't mind her. I just drive.

"Let's go!" Hinila niya na ako sa loob. Mas mukha pa siya ang magbi-birthday sa akin. My little sister didn't change tsk.

Napakamot ako nang makita ang ayos ng bahay. Wala pa nag mga ito kanina. There are balloons everywhere. Seriously? It doesn't mean that balloons are for children only but you can't blame me!
Wala na ako sa kalendaryo ang edad ko.

I Love You Doctor (Complete)Where stories live. Discover now