CHAPTER SIXTEEN (edited)

2.2K 34 0
                                    

- 16 -


Nang makasakay ako sa kotse ni Khaled ay agad kong tinanggal ang suot kong stilettoes. Ang sakit sa paa kung lakad nang lakad.

Paano ba naman ay humirit pa si Tita nang matapos kaming magpababa ng kinain. Nahihiya akong tumanggi kaya go lang, oo nang oo.

Nakita kong bubuksan ni Khaled ang pinto ng sasakyan kaya mabilis kong isinuksok ang paa ko sa isang gilid.

Tipid akong ngumiti sa kanya nang makapasok siya sa loob, pero hindi niya pinansin ang pagngiti ko, ni hindi man lang ngumiti.
"Don't hide it."

"a..ahm..okay lang naman ito."

"Let me see."

"ah...ah hindi na..okay lang naman."

Bumaling ako kaagad sa labas, para hindi ko makita ang reaksyon niya. Hapon na pala, ang bilis ng oras. May nahagip ang mata ko. Yung lalaking umiinom ng coke float...Bigla ko tuloy naalala na matagal ko ng gustong kumain non. "Pwede bang bumili muna tayo ng coke float? Gusto ko yun e."

Bumaling ito sa akin. "Okay. Ano pa ang gusto mo?"

Nag-isip pa ako kung anong gusto ko, pero wala na akong maisip. "Yun lang?"

"Opo Dakter..."

"Kailan darating si Lola Lilia?" Pag-iiba niya nang usapan.

"Bukas na. Punta ka sa bahay ha? Nine pm. Wala kang duty."

Bigla namang sumilay ang ngiti  sa kanyang labi. "How did you know?"

"Narinig ko kaninang sabi mo." Katawag kasi nito ang isang Doctor ata na kasama niya.

"ah..so nakikinig ka kanina?"

"Yeah. Pero di ko naman sinasadya."

"Yeah..yeah..It's okay. Pupunta ako bukas. What do you want to eat?" Napakunot naman kaagad ang nuo ko.

"Huwag ka nang magdala ng kahit ano." Bumaling kaagad ako sa backseat. Kaya pala ako ang pinapapili ni Tita sa lahat ng pupuntahan namin..kasi akin naman pala ang mga iyon. Sobrang nahihiya na ako. "Sobra na ang binigay ng Mommy mo. Tapos magdadala ka na naman."

"Okay." he chuckled. "Ngayon pa lang sanayin mo na ang sarili mo kay Mommy."

"Ganon ba talaga siya sa lahat ng girl na friends mo?" parang ayokong isipin na ganon siya sa lahat.

Ang kapal ng mukha ko.

"Nope." Nangunot ang nuo ko. "Sa'yo lang."

"B-bakit?"

"She likes you...when she met Andrea, she didn't bother to hug her na lagi niyang ginagawa sa'yo. Nung Inindian niya ako sa kasal, she keep saying the word 'I'm gonna pull her hair' to Dad."

Napa O na lang ako...wala akong masabi sa mga isiniwalat niya tungkol sa ex-fiacee niya.
Hmm...

Nakarating kami sa bahay ay nag-aagaw na ang dilim at liwanag. Mabilis na akong nagpaalam pagkatapos niyang bitbitin ang mga paperbags na binili ni Tita, na para raw sa akin.

I Love You Doctor (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon