CHAPTER THIRTY-TWO

2.1K 46 0
                                    

- 32 -

"Ate! May bisita ka." Narinig kong sabi ni Gail mula sa labas ng nakasarang pinto.

"Bababa na ako." Sagot ko.

Nagbihis ako nang mabilis at di na nag-abalang suklayin ang basa kong buhok.

Hindi pa man ako tuluyang nakakababa ay napahinto ako nang makita kung sino iyon. Matiyaga itong naghihintay habang nakaupo. May hawak rin itong isang bouquet ng bulaklak.

Nilibot niya ang mga mata niya pero napatigil sa kinaroroonan ko. Kaagad itong tumayo. "L-Lia.." parang may kumurot sa puso ko nang marinig ko na naman iyon.

Mabilis akong bumaba. "Bakit ka nandito?" Nakataas kilay kong tanong. Seriously? Hindi ako sanay na nandito siya.

"Ahm. I want to say sorry. Again." Humawak ako sa tuhod ko bago kinuha ang bulaklak na iniumang niya sa harap ko. Fine!

Tipid akong ngumiti bago kunin iyon. "Sa tuwing nakikita kita naalala ko lahat. Sa tingin mo? Tayo pa rin kaya ngayon kung hindi ka nagtago?" Diretso kong tanong na ikinayuko niya nang bahagya.

"Kasalanan ko. Kaya gusto ko sana na mapatawad mo ako." Nagsusumamong saad nito.

"Wala namang magbabago kung magagalit pa ako? Right?" Nagliwanag ang mukha niya at marahang tumango. "I forgave you Raymond. Let's just be friends."
Napatigil ito sa biglaang pagkakasabi ko non. I don't either why i said that pero walang pagsisisi akong naramdaman.

"C-Can you give me a-another chance? Please?" Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko habang nakatitig sa kanya.

Chance?

I don't know.

"Ray--"

"Ate, Sorry sa abala pero may isa ka pang bisita." Tumingin si Gail sa pintuan at pumasok ang lalaking dalawang araw kong hindi nakita.

May dala rin itong bulaklak. I love flowers pero hindi ko na alam kung saan ko sila ilalagay sa bahay.

Sumulyap ito kay Raymond. Parang wala lang ito sa kanya at dumiretso sa akin. "For the most beautiful woman in my life." Kinuha ko iyon ng may pigil na ngiti.

"Kumain na ba kayo?" It's awkward.

"Not yet."

"Not yet."

Sabay nilang sagot. Napangiwi ako nang makita ang itsura nilang dalawa.
"O-Okay? Tara." Inilapag ko sa mesa ang mga bulaklak na dala nila.

Mabilis na lumapit si Gail sa akin. "Ang pogi nila ate." Kinikilig na saad nito. Napangiti ako. "Isusumbong kita kay Pj." Kunwaring pananakot ko.

"Ate naman." Nakangusong sagot nito. Na tinawanan ko na lang.

"Upo po kayo." Nakangiting anyaya ni Gail sa dalawa. Kaagad naman silang sumunod. "Gail si Lola?"

"Umalis na ate," sagot nito habang naglalapag ng pinggan. Aksidenteng napatingin ako sa dalawa na nagtititigan. Gumagalaw ang panga ng dalawa.

"Kumain na ba?"

"Oo ate."

Hindi na ito mauulit. Bakit ba kasi nagsabay pa ang dalawang ito. Awkward na kumain kaming apat. Magkatabi kami ni Gail habang nakaharap sa kanilang dalawa. Walang nagsasalita. Mga kalansing lang ng kutsara ang naririnig.

"Ahmm."

Sabay silang tumingin sa akin. "Water?" Offer ni Raymond.

"H-Hindi. Thanks." Ngumiti ako. "Gusto ko lang sabihin na. Wala munang magpapadala ng bulaklak. Kasi sa totoo lang, hindi ko na alam kung saan sila ilalagay."

I Love You Doctor (Complete)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora