CHAPTER TWO (edited)

3.5K 40 0
                                    

- 2 -


"Naka uwi na si Raymond?"

"Oo La. Sabi ko nga e dito na magpalipas nang gabi, baka kung anong mangyari sa kanya sa daan. Pagod yun, hindi siya naka tulog ng maayos kagabi dahil sa rami nang paper works sa kumpanya nila."

"eh baka kailangan talaga siya bukas nang maaga doon. Puntahan mo na lang bukas. Dalhan mo nang pagkain niya."

"Gagawin ko po yan. Tulungan niyo ako ha?. Sige La, sa kwarto na po ako. Gagawa po ako nang Lesson Plan para bukas wala na akong gagawin. Matulog na rin kayo."

"Oo sige, tapusin ko lang ito." tukoy niya sa mga pinamili niya.

"Bukas na yan La."

"Hay nako kang bata ka. Sandali na lang naman ito."

"Ang kulit mo La."
Sagot ko habang papasok sa kwarto. Mamaya magkasakit na siya sa ginagawa niya.

Nag-aalala lang naman ako.

Hinilot ko ang nangangawit kong leeg. Alas onse na nang gabi. Papikit pikit na ang mata ko. Pero bigla akong napamulat nang maalala ko si Raymond.

Mabilis kong hinanap ang cellphone ko. Sabi ko magtext siya kapag nakarating na siya. Bakit hanggang ngayon wala pa. Akmang pipindutin ko ang call button pero tumunog iyon ang kasunod ay ang pag rehistro ng pangalan ni Tita Lanny.

"Hello tita?"

"L-Lianne? N-nasaan ka?"
Nahimigan ko ang nanginginig na boses ni tita. What happened? Agad na gumapang ang kaba sa dibdib ko.

"N-Nasa bahay po tita.Bakit ganyan ang boses nyo? May sakit po ba kayo Tita?"
Nag-aalalang tanong ko. Nagsimula na ring manginig ang mga tuhod ko dahil alam kong may mali sa mga nangyayari.

"Please come here hija...Clifford Hospital...s-si Raymond."
Kaagad akong tumayo at naalarmang binuksan ang pinto. Feeling ko walang pumapasok na hangin dahilan para mahirapan akong huminga.
"T-tita anong nangyari? Hospital? B-bakit? Si raymond po ba? Tita may nangyari ba kay Raymond? Tell me."

Siguradong nahimigan ni Tita ang panginginig nang boses ko.
"Car accident hija...please be here now ..he needs you...My son needs you."

"T-Tita pupunta ako. Hintayin niyo po ako diyan."
Mabilis na pinatay ko ang tawag.

Nagmamadaling hinanap ko ang sling bag ko at pitaka. Hindi ko na nagawang mag-ayos nang damit. Pabalya kong naisara ang pinto at nakita ko si Lola na may hawak-hawak na isang baso ng tubig.

"Oh apo saan ka pupunta? May dala kang-- bakit ganyan ang itsura mo."

Tumulo ang luha kong tumingin kay Lola. "L-lola si Raymond...n-nasa.. Hospital. 'To na nga ba ang sinasabi ko."

Nagulat si Lola "Ha?! Bakit anong nangyari? Saan ba iyan? Samahan na kita." Hindi na ako umagal. Mabilis na inilapag ni Lola ang isang baso nang tubig. Tulad ko ay naka pantulog na rin ito.

Masuwerte naman kami dahil may dumaan pang Taxi. Abot abot ang kaba ko habang nananalangin na sana hindi malala ang nangyari kay Raymond.

"Lo-Lola hindi ko kakayanin kung may nangyaring masama kay Raymond..."
Napahikbi na ako sa sobrang pag-aalala sa kanya.

"Hija tahan na. Walang mangyayaring masama ha? Tahan na apo."

"Lola ... Ha.. *hik*"

"shhh." pang-aalo pa niya.

I Love You Doctor (Complete)Where stories live. Discover now