CHAPTER FIFTEEN (edited)

2.3K 29 0
                                    

- 15 -


"Nakakaantok ang palabas. Ilan na ba napanood natin?" Tanong ni Kat habang ngumunguya ng grapes.

"Tatlo. Ikaapat 'yan" Turo ko roon sa malaking flat screen tv. Bumaling naman ako sa tabi ko. Nasaan pala si Tita?

Bumaling ako kay Kat na tutok pa rin sa TV. "Nasaan si Tita?"

"Nasa tabi mo--"

"Mga anak. Tulungan ninyo ako para maipasok ang mga lasenggo sa loob."
Nagkatinginan kami ni Kat bago sabay na tumayo. Naayos ko na rin ang sarili ko dahil pinahiraman muna ko ni Kat ng damit.

Nang makalabas kami ay nakita naming nakayukyok na sa mesa si Nikko, pangalan ng boyfriend ni Kat.
Samantalang si Tito naman ay umiinom pa rin. Si Khaled ay mulat pero minsan pipikit tapos magmumulat ulit.

Kinuha ni Tita ang baso na itutungga sana ni Tito. "Enough Honey, let's sleep." Tumingin siya sa aming dalawa Tsaka sumenyas na kunin namin ang dalawa. Patakbong lumapit si Kat sa nobyo.

Ako naman ay hindi alam ang gagawin sa pipikit-pikit na si Khaled.

"Ma'am tulungan na kitang buhatin si sir, plakda na po e. Baka mapano po kayo." Offer nung guard kay Kat. Mabuti na 'yon dahil si Nikko talaga ang tulog.

Nakita ko si Tita Laila na inakay si Tito Bernard Kaya ganon din ang ginawa ko. Tinapik ko muna si Khaled sa pisngi. "Khal? Wake up...sa loob mo na lang ituloy ang tulog mo."

Umungol lang siya at pumikit. "Khal..uy."

"Lianne?"

"Hmm?"

Kinuha ko ang kamay niya at nilagay iyon sa balikat ko. Dahan-dahan siyang tumayo. Hindi naman siya nagpabigat kaya di ako masyadong nahirapan. May nakasunod na katulong sa likod namin. Pinagbuksan kami ng pinto ng katulong. "Ma'am iiwan ko na po kayo. Nandiyan na rin po ang mga kailangan n'yo kay Ser."

Tumango ako.
"Salamat Ate."

"Sige po."

Pabagsak na natumba si Khaled sa kama. Tulog na. "Khal. Alisin mo muna yung damit mo. Namamawis ka na."
Hinila ko siya sa kamay pero hindi ko kinaya. Ang bigat niya.

"Khal!"

"hmm.."

"Alisin mo muna yang damit mo!"
Nanghihinang bumangon naman ito. Ako na ang nagtanggal ng butones ng itim niyang polo shirt. Kaya ang ayos, para siyang batang hindi kaya ang magdamit ng sarili. "Chansing huh?" Napataas ang kilay ko sa sinabi niya bago ko siya sapakin sa balikat. Tumawa lang ang shokoy.

Sumampa ako sa kama para matanggal iyon. Medyo nasabit pa nga yung damit sa ilong. "Tangos ba naman kasi ng ilong. Nasabit tuloy."

"Lianne?"

"Oh."

"I like you..ahm n-no I think...I ...I...*hik!*"

"Oo alam ko. Huwag ka ng nagsalita."

"Lianne?"

"Oh?"

"Can I hug you?" Doon ako napatigil..dahan-dahan kong ibinaba ang madumi niyang damit sa paanan ng kama. "Pupunasan muna kita. Amoy alak ka."

I Love You Doctor (Complete)Where stories live. Discover now