CHAPTER TWENTY-THREE

2.1K 26 0
                                    

- 23 -

Dalawang linggo na ang lumipas pero heto pa rin ako, iniisip pa rin yung nangyari sa bahay niya, lalo na sa pool.

Wala sa sariling napahawak ako sa bibig ko. Parang tanga  pa rin akong nakangiti.

Ang gaga ko lang para makipagharutan. Nahihiya na ako sa mga pinagsasasabi ko. Para rin akong may sapi nung araw na yon. Na-curious ako bigla sa alak na ininom niya na ininom ko rin.

Biglang hindi ko nakikilala yung sarili ko. Ang harot ko. I swear. Ilang araw ko siyang iniiwasan dahil doon. Buti na lang may mga araw na busy siya na hindi niya raw ako makikita at masusundo.

Hello? Pabor na pabor kaya ako roon.

Pinilit ko ba namang ipakita niya ang sarili niyang naka boxer shorts lang. Mas malinaw pa sa tubig dagat ng Balabac Palawan ang pagkakatanda sa mga sinabi ko. Tawang-tawa siguro siya sa akin o di naman kaya ay na-turn off na siya.

Grr!

Inayos ko na ang mga gamit ko sa lamesa. Tutal tapos ko naman na ang mga gagawin. Oras na rin, mas mabuti umuwi na  lang ako. Paglabas ko ng classroom ay kaagad din akong napahinto nang maaninag  ko si Khaled na matiyagang naghihintay sa waiting area ng school.

Nahigit ko ang hininga ko dahil doon. Bat doon siya pumwesto? Hindi sa banda ni manong guard, kaya kitang kita ko siya.

He's here! He's here! Ghaddd anong gagawin ko?

Bubuksan ko sana ulit ang room, tutal hindi ko pa naman nailock. Pero sa kamalasmalasan ay nakita ko sa gilid ng mata ko na nakita niya na ako dahil sa ginawa niyang pagtayo.

Kinakabahang nailock ko ang classroom.

"Lianne." Narinig kong tawag niya. Malapit na ito kaya naman mas dumoble ang kaba ko.

Bumaling ako sa kanya, at napahigpit ang hawak ko sa dalawa kong bag.

Shettttt! Ang gwapo.

Ayoko na ng ganito. Hindi ako normal, yun ang alam ko kapag nanjan siya sa tabi tabi!

"H-hey..." Hindi ko alam kung nakangiwi ba ako o nakangiti. "Wala ka bang duty?"

"Ahm, meron." Maikling sagot niti bago ngumiti. "Ha? Bat ka nandito? May duty ka pala." Medyo nanghinayang ako pero okay lang.

"Sayo ako naka-duty that's why." Nakangiting sagot nito bago lumapit. Oh please, ayoko ng gan'to!
"Can i invite you for dinner? I miss talking with you Lianne." He's handsome face telling me to say 'yes!'

Dinner daw?
"Ahm..o-okay. Pero daan muna ako sa office para mag-out. Can you wait for me here?" Nag-aalangan ko pang tanong.

"Can i come? And I'll carry this babe" Kinuha niya isang hawak kong bag, medyo mabigat iyon kaya hindi na ako umangal, at tsaka nadala ako sa pagtawag niya ng baby sa akin.

"Mabilis lang ako Khal, I promise." Pangungumbinsi ko pa.

"okay, if that's what you want. I'll wait you here." Ngumiti pa ito bago samahan ng tango.

Mabilis ko namang tinungo ang office at nagsign out. May mangilan-ngilan pang teacher ang nandon kaya medyo natagalan ako ng mga dalawang minuto siguro.

I Love You Doctor (Complete)Where stories live. Discover now