CHAPTER TWENTY-EIGHT

2.1K 34 0
                                    

- 28 -

"Lianne! Tulungan na kita sa bag mo." Nakita ko si Mycho na akmang kukunin ang bag ko.

"Hindi na Mhyco, ikaw talaga. Kaya ko na 'to" umiling ito.

"Lagi mo akong tinatanggihan Lianne. May i know why?" May panghihinayang na tanong nito sa akin.
"Ah..ah! Ehh hindi naman sa ganon. Nagkakataon lang talaga. Tsaka, magaan lang naman. Pero sige, kung gusto mo talagang buhatin okay lang naman. Para di mo lang isipin na tinatanggihan kita lagi.." Kaagad niya akong nginitian nang sabihin ko iyon.

Medyo nakakaguilty dahil ganon na pala ang naipaparanas ko kaya lang hindi talaga ako komportable sa kanya.

"Hon?" Napalingon ako kay Khaled nang tawagin niya ako. Swabeng naglakad ito papalapit. Napatingin naman ako kay Mhyco na parang sinusuri lang si Khaled.

Nang makalapit ito ay kaagad na hinapit ako sa baywang na ikina kunot ng nuo ni Mhyco. Nagtitigan ang dalawa na para bang nagsusukatan. "Ahm, Mhyco. Si Khaled pala, b-boyfriend ko." Medyo kinakabahan ako dahil parang bago lang lahat ng 'to sa akin.

"Boyfriend?" Dismayadong tanong niya sa akin na hindi man lang ibinaling ang tingin kay Khaled.

"Yes, is there a problem?" Matapang na tanong ng katabi ko. Ngumiti na lang ako at hinawakan sa likod ki Khaled. Parang may mali sa dalawang ito kaya dapat umalis na kami.

Umiling lang si Mhyco, bago ilahad ang kamay "Nice to meet you pare." Tumango si Khaled bago nakipag-handshake rin dito.

Kinuha ni Khaled ang bag na inilahad ni Mhyco bago ako balingan na mauuna na.

"Khal? Saan tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya nang makasakay ako. Pasimple ako nitong binuhat dahil hindi ko pa kaya.

"Sa isa pang private Island na binili noon ni Dad at Mom. May bahay kami roon. I'm sorry hindi ko kaagad nasabi sayo." Hinalikan ako nito sa nuo bago hilain papalapit sa kanya. "Okay lang." Nasa  pinakahuli kami dahil nauuna ang dalawang bangka, nasa pinakalikod naman kami ni Khaled ng pwesto.

Bale, tatlong de motor na bangka ang sinakyan naming lahat dahil walang malalaki ang available. Nasa pangingisda raw ang mga ito ngayon.

***

Huling araw na namin at ilang oras na lang ay uuwi na ang lahat kaya sinusulit na namin ang bakasyon na ito.

Kaya naman pala ginusto nila na umalis dahil mas maganda pa pala ang tanawin dito kaysa sa una naming napuntahan. "Anne! Boyfriend mo ba si Doc? Totoo?" Nakangiting tanong ni Maxine at nilapit pa ang sarili sa akin.

Kami lang dalawa ang naiwan dito sa malalaking rock formation kaya naman malaya itong makapagtanong. "Oo" nakangiting sagot ko.

"Uy! Namumula! Yiee, buti naman dahil naka move on ka na sa dati, ikaw na lang ang single sa ating lahat noh!" Hinampas ko siya sa balikat dahil sa sinabi niya.

Inenjoy ko lang ang kinakain kong pakwan habang ang kaliwang kamay ko ay hinawakan ang kwintas na may pendant na singsing. Natatakot akong tanggalin ito dahil ito na lang ang huling bagay na nabigay ni Raymond sa akin. Baka magtampo iyon sa langit.

"Picturan kita! Blooming ka e!" Humarap ako kay Maxine na hawak ang Cellphone niya na nakatutok na sa akin.

Gumawa ako ng ilang pose. "Ito pa lang ang picture mo sakin! Ang ganda ganda mo teh! Kaya pala nainlove si papa Doc sayo e." Inirapan ko lang ito dahil nambola pa.

"Tara na. Maliligo pa tayo. Baka iwan tayo ng mga tanders doon." Nagtawanan kami at bumaba sa bato. "Ay hindi! Kahit pala maiwan tayo e, sa boyfriend mo naman to. Paiwan na lang kaya tayo. Ang kaso nga lang may pasok tayo bukas."

I Love You Doctor (Complete)Where stories live. Discover now