CHAPTER TWENTY-TWO

2K 33 1
                                    

- 22-


"You think so manang?" Nakakalokong paninigurado niya.

"Oo hijo." Natatawang saad ni manang.

Umikot ang mga mata ko at nailing na lang bago ituloy ang pagkain. He's teasing me i know. Kaya dapat, matapos na kami rito at baka kung saan pa mapunta ang usapan na ito.

I'm not really comfortable when they talking about me and Khaled.

Gaya nga ng gusto kong mangyari ay kaagad din kaming natapos. Sa ilang minutong pagkain na iyon ang rami ko pang natuklasan kay Khaled. Habang mas tumatagal na nakikila ko siya ay mas lumalalim rin nag paghanga ko rito.

***

Ngayon. Kabado ako habang sinisipat ang sarili ko sa salamin. Hindi ako kumportable na bra lang ang suot ko kapag nagsu-swimming. This is my first time. Tsaka ako lang naman ang maliligo. Biglang may gagawin kasi si Khaled kaya nasa kwarto niya ito habang may chinicheck na emails. Hindi ko alam kung para saan iyon, pero malakas ang loob kong sa trabaho niya ito o kaya sa kompanya.

"Tanggalin ko kaya itong short?" Tanong ko sa sarili ko.

"Kaso, nahihiya ako. Baka may makakita sa akin. Di pa man ako sexy." Saan ba kasi nakuha ni Khaled ito!
Napabuga ako ng marahas bago napagdesisyunan na tanggalin pa rin iyon. Lumantad sa paningin ko ang sarili kong nakasuot ng itim na swimsuit.

Nakakailang pero Keri lang.

Lumabas na ako sa CR malapit sa pool. Nadatnan ko pa si manang Ester at Mina na naghahanda ng maiinom sa mesa.

Nang makita ako ay kaagad silang ngumiti na ginantihan ko na lang din ng tipid na ngiti. Parang biglang gusto kong bumalik at magpalit na lang.

Ngumiwi ako.

"Nako...kay sexy mo hija, di ka dapat nahihiya sa amin. Tayo lang naman ang nandito."

"Salamat po..tsaka hindi naman ako sexy, kayo talaga." Nahihiya pa ring saad ko ko.

"Ate ha! Ang sexy mo kaya. Parang coca cola body ahihihi. Nakakainggit. Ang puti pa." Mina said. Ngumiti na lang ako at nagpasalamat.

"Osya! Mauna na kami. Kumain ka lang kung gusto mo ha? Kung may gusto kang iba, tawagin mo lang kami sa kusina." Tumango ako.

"Opo, salamat."

Nang makaalis sila ay pinagmasdan ko ang pool. Biglang akong na-excite kaya ibinaba ko na ang robe na hawak ko at sinuong ang tubig.

This pool is really cool. Parang gawa sa crystals dahil sa sobrang kinang at pagkabughaw.

Ang lamig. Parang may halong yelo. Tumawa ako sa naisip.

Gaga! Gabi na.

Sumisid ako sa medyo malalim para akong bata na ini-enjoy ang sarili ko hanggang sa parang may naramdaman akong nakatitig sa akin. Inilibot ko ang mata ko hanggang sa natagpuan ko si Khaled sa may glass wall na madadaanan papasok dito sa pool.
Seryoso ito habang may hawak na alak at nakapamulsa ang kaliwa nitong kamay sa suot nitong short.

Alangin akong ngumiti pero nakaka disappoint na hindi man lang ito ngumiti pabalik. May problema ba sa pagngiti ko?

Marahan itong naglakad patungo malapit sa upuang pinag-iwanan ko ng robe habang nanatili ang tingin niya sa akin. Ako na ang nag-iwas dahil parang gusto niya akong kainin sa paraan ng pagtitig niya.

Muli kong binalik ang tingin ko at nakatitig pa rin siya sa akin. "M-May problema ba Khaled? Kumusta yung trabaho mo?"

Tumikim ulit ito ng alak. Ngayon ko lang siya nakitang uminom.

I Love You Doctor (Complete)Where stories live. Discover now