CHAPTER THIRTY-NINE

2.3K 36 0
                                    

- 39 -

Mabilis akong naghilamos nang mahimasmasan. Kahit kitang-kita ko ang sarili kong hinang-hina ay itinaas ko ang damit ni Khaled na isinuot niya siguro sa akin kagabi.

Ang daming hickeys hanggang sa puson. Napangiti ako, kahit galit siya sa akin hindi siya makatiis na hindi ako hawakan.

Lumabas ako ng banyo. Pumasok daw siya sa opisina dahil kailangan niyang makausap si Tito. Yun ang text niya kaninang paggising ko bago ako atakihin ng pagsusuka.

May nakita akong paper bag sa bedside table at binasa ang note na nakalagay.

Your breakfast is in the kitchen. Wear these clothes. Mang Tony is waiting for you when you want to go home. Don't go anywhere.

-Khal.

Tinupi ko iyon at ipinasok sa paper bag at binitbit ko papasok ulit sa loob ng banyo. Nang matapos ako sa pagligo ay sinuri ko ang ibinigay niyang damit. Jeans at puting T-shirt ito na mayroon lang maliit na print sa harap. Natawa ako. Napaka possessive pa rin.

Nang nasa kusina ako totoong mayroon ngang nakahandang pagkain para naman akong nada fiesta. "Kumusta ka hija? Okay ka lang ba?" Naalala ko si Manang! Kaso nakalimutan ko na ang pangalan niya, nahihiya naman akong tanungin siya ulit.

"O-opo, okay lang po ako." Ngumiti ako.

"Ang putla mong bata ka. Kumain ka na, mukhang may sakit ka. Kami ang masesermunan kapag hindi ka pa kumain." Umupo ako at pinilit silang kumain.

"Sige na po. Nakakalungkot po ang kumain mag-isa e." Nahabag siguro sila sa itsura ko kaya umupo silang tatlo sa harap ko.

Talaga namang ginanahan ako sa pagkain. Nang may makita rin akong peras sa mesa ay nagpakuha ako ng suka at kinain iyon. "Hindi ka pa ba busog hija? Baka sumakit na ang tiyan mo niyan. Haluhalo na ang kinain mo." Umiling ako at hinigop ang sukang nasa harap ko.

"Ay jusko. Sana hindi sasakit ang tiyan mo jan hija,." Yung dalawang katulong ay nakatitig lang sa akin na parang natutuwa.

"Manang, para siyang naglilihi ano? Ganyan po ang ate ko nung buntis e." Napatigil naman ako sa pagkain at tinignan siya.

Siniko siya ng katabi niya kaya napangiwi ito. "Ahh, ehh..kumain ka lang po ma'am. Sorry po."

Ngumiti lang ako bago sumubo ulit. Pero sa isip ko. Paano kung naglilihi nga ako? Natigil kasi ako sa pag-inom ng pills nung nalaman kong buhay pala si Raymond at simula noon ay hindi na ulit ako uminom at lahi ring may nagyayari sa amin ni Khaled.

Mabilis akong nagpaalam para makasigurado kung buntis nga ako. Wala akong dalang pera kaya sa bahay na ako nagpahatid. Kinuha ko lang ang wallet ko at dumiretso na ako sa ospital at naghanap ng OB-Gyne.

Hinintay ko lang na tawagin ako nung nurse. Kanina pa ako kinakabahan. Humawak ako sa tiyan ko. Hindi imposibleng mayroon ng laman nag tiyan ko kaya itutuloy ko to.

"Miss Lianne Daine Campos po doktora."

Namulikat pa ang paa kong tumayo. Sobra akong kinabahan sa magiging resulta nito. "Gusto ko lang pong makasigurado kung buntis po ako."

Ngumiti ang doktora at may mga sinabi na kaagad ko namang sinunod.

Nang matapos ang lahat ay nauna akong umupo sa harap ng table niya at di rin kalauna'y sumunod siya.
"Anong nararamdaman mo hija? May mga bago ba sa katawan mo na ngayon mo lang nararanasan? Like vomiting? Lack of energy? Having a hard time to fall asleep? O kahit ano?"
Napaayos ako ng upo at pinagsiklop ang dalawa kong kamay.

I Love You Doctor (Complete)Where stories live. Discover now