CHAPTER THIRTY-FOUR

2K 34 0
                                    

- 34 -

"I'll miss you." He said and gave me a kiss on my lips. "Don't starve yourself. I'll call you when i got there. I love you." Ayoko pa sana siyang bitawan pero kailangan na niyang umalis.

Nagulat na lang ako nang sabihin niya two ago na aalis siya. He's going to Canada for business purposes in three weeks. Nanghihina si Tito nang magkaroon ng mild heart attack kaya hindi siya pinayagan ni Tita dahil nag-aalala ito.

"Ayaw mo ba talagang sumama sa akin?" Seryosong tanong nito habang masuyong hinahaplos ang kanan kong pisngi. "Trabaho ang pupuntahan mo roon, hindi bakasyon."

Pinisil niya lang ang balakang ko habang tumatawa. "Yang kamay mo. Di ka nahihiya kila Tita?" Panenermon ko.

"Nope," umiling ito. "..and i don't care." Inirapan ko ito.

"Alis ka na." Itinulak ko siya pero hinila pa rin ako. Kung tutuusin kanina pa siya hinihintay ng piloto nila. "Pinagtatabuyan mo na ako. Let's do quickie Hon. I'm horny." Ngumisi ito nang nakakaloko. Kinurot ko ito sa kamay na ikinapilipit niya.

"Tumigil ka. Umalis ka na. I'll miss you too. I love you too." Pinagtulakan ko ito pero ayaw papigil.

Kaya pala kayang kaya niyang mag-leave ng isang linggo o higit pa na wala namang importanteng rason ay nabili na pala niya ang ospital. That man! Hanggang ngayon nasa-shock pa rin ako sa yaman nila. I thought he was just simple Doctor. But now, he is the new CEO ng company nila na kailan ko lang din nalaman, marami pa pala akong hindi alam.

"Son! Let her go." Tinanggal ni Tita ang pagkakahapit ng kamay ni Khaled sa baywang ko. Lumapit na rin pala ito. "It's just three weeks son, magtiis ka. Go! Mag-iingat ka. Galingan mo."

Umasim ang mukha nito nang dumapo sa akin. "Three weeks Ma! Wag mong lang langin ang three weeks." Naiinis na saad nito sa ina. Bumaling ito sa akin.

"Humanda ka pag-uwi ko. Maniningil ako." Pagbabanta nito na ikinatawa naming lahat. "Mukhang magkakaapo na kami sa'yo son." Pagsisingit ni Tito.

Agad na uminit ang pisngi ko sa narinig. "She's blushing!" Tumatawang saad ni Tita. Bumaling sa akin ang Hudyo at nginisian ako.

Lalapit sana ito nang,
"Go!" Pagtataboy ni Tita. I mouthed I love you para umalis na ito.

"Fine." Mabilis itong umalis at hindi na ulit lumingon pa. Nagtawanan kami nang padarang na inabot nito ang maleta sa lalaking sumalubong sa kanya sa private plane.

"Yang anak mo, saan ba nagmana iyan?" Tanong ni Tita Leila. Lumapit si Tito Bernard sa kanya at hinapit ito sa baywang.

"Sa akin syempre." Umirap lang si Tita na ikinangiti ko. Parang wala pa sila sa edad na 49.

"Kumain muna tayo hija. Bago ka ihatid." Tumango lang ako at sumunod sa kanila. Nagmistula akong third wheel sa aming tatlo dahil para na silang teenagers.

"So, how are you hija? Naikwento ka sa akin ng anak kong iyon nang maglasing sa bahay. Alam mo namang mapilit ako, kaya napilitan siyang magkwento. Hindi ko alam na ganon pala iyon kaya pagpasensyahan mo na dahil nalaman ko. Alam mo namang anak na ang turing ko sayo nang una kang dalhin sa bahay ng anak ko. Okay na ba kayo nung...?" Tumango ako.

Buti na lang at may katawag si Tito. Baka hindi an ako makatitig sa kanila kapag nagkataon.
"Okay naman po. Nanunuyo po ulit. To be honest po, nagdalawang isip ako sa nararamdaman ko kay Khaled noon." Pag-aamin ko. Bumukas ang lungkot sa mga mata niya na ikina-guilty ko.

"Okay lang sa akin yun. Pero hindi mo naman sasaktan ang anak ko hindi ba?" Tumingin ako sa mga mata niya bago tumango nang nakangiti.

"Mahal ko po si Khaled." Ngumiti siya na parang kinikilig.

"Paano ba kayo nagkakilala? I'm curious." Masayang tanong nito.

"Nagkakilala po kami nung nasa hospital yung ex ko po--"

"At Doctor niya ang anak ko right?"

"Opo. Halos nagkikita po kami araw-araw kapag nasa hospital ako. Hanggang sa siya na po ang nakasama ko nang akala ko po ay namatay na si Raymond." Tumango ito at mas lalong lumapit.

"Lianne Daine, noon ba maginoo na ang anak ko? Sabihin mo nga sa akin kung ano ang ugali ng anak kong iyon pagdating sa babae. Huwag ka mag-aalala di ko sasabihin." Nanunuri ang mga tingin niya. Napaisip ako. "Opo Tita hahaha. " pero habang tumatagal at nang maging kami...

"Pero nang tumagal po kami, maginoong sweet at pervert na po ang anak niyo, mas lumala po ngayon." Na totoo naman. Nanlaki ang mga mata niya.

"Ang batang iyon! Manang mana sa tatay. Alam mo bang ganon din ang Tito Bernardo mo noon? Akala mo'y di makabasag pinggan. Parang walang tinatagong kamayakan."

Napangiwi ako sa sinabi niya. Parang ka edad lang niya ako kung magkwento.
"Pero nang maging kami. Patawarin ako ng panginoon pero kakadisi otso ko pa lang nabuntis na ako. Nakakuha siya ng maraming sapak sa mga kapatid kong lalaki dahil doon. Pero kahit ganoon ay hindi niya kami pinabayaan. Sinuportahan pa rin niya ako sa pag-aaral hanggang sa nakapagtapos at pinansyal naman sa pamilya ko. Mahal na mahal niya kami kaya sinisigurado ko sayong mahal ka ng anak ko." Masayang tumango ako. Ako rin naman ay ramdam iyon nang sobra.

"What's with that smile Asawa ko?" Napabaling kami ng tingin kay Tito Bernard.

"Nothing Honey." Tumaas ang kilay na para bang hindi naniniwala si Tito "Fine. Ikwinento ko kung anong edad ko nang mabuntis mo ako." Nanlaki ang mga mata ni Tito.

"Detailed?!"

Napabunghalit ng tawa si Tita ng makita ang ekspresyon ng asawa. "Of course not! Don't worry. Pero magkaugali talaga kayo ng anak mo." Naiinis na sagot niya." Tumawa lang si Tito at hinalikan ito sa nuo.
"Nagiging manyakis kapag alam ng nakabihag na ng puso ng babae."

"Alam mo asawa ko, strategy ang tawag doon. Alangan naman mamanyakin na kaagad kita noon eh nanliligaw pa lang ako. Dapat good boy muna." Nakatanggap siya ng kurot mula kay Tita na ikinadaing niya. "Am I right Lianne? Syempre, paibigin mo muna."

"O-opo."

"Pero ito ang tandaan niyo, kapag ang isang Granderson sinabing mahal ka. Mahal ka." Seryosong saad nito. Bago kami ayaing kumain.

Nagkatinginan pa kami ni Tita nang makahulugan bago kumain.

---
KIEZAZE

I Love You Doctor (Complete)Onde histórias criam vida. Descubra agora